Happy's POV
Nang magising ako ay si Alvin agad ang hinanap ko. Sobrang saya ko noong araw na iyon nang makita ko si Alvin. Di ko akalain na babantayan niya ako.
Tatlong araw akong tulog at buti nalang daw ay nagising na ako. Yung iba daw kasi ay taon bago magising at masuwerte ako dahil tatlong araw lang ako.
Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa harap. Nakagraduate na ako. Sa ibang bansa ako nag-aral kaya nahiwalay ako kay Alvin. Di na rin kami nagpapansinan. Gumaling na rin ako.
Ako ang lumalayo dahil ayoko nang makigulo sa kanila ni Orange. Sinabi sakin ni Alvin na mahal niya ako pero Di ko magawang maniwala. Baka si Orange pa rin talaga.
Baka inakala niya lang na ako ang mahal niya dahil wala na si Orange sa bansa.
"Hoy, besty!" Napalingon ako kay Queenie. Bahagya akong natawa.
"Bakit?"
"Hay naku! May bisita ka sa baba"
Agad na nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Huh?"
Ngumuso lang siya na pumunta ako sa baba kaya kunot noo akong pumunta roon.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino kung sino ang bisita ko. Nakatayo siya. Si Alvin.
"Hi?" Parang nahihiyang bati niya. May dala siyang mga bulaklak.
Ito ang muli naming pagkikita matapos kong mag-aral sa ibang bansa.
Di pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Kung ano ang tibok ng puso ko ay ganoon pa rin ngayon. Mahal ko pa rin siya.
"A-alvin" napalunok ako.
Ngumiti siya sakin. "Kamusta?"
Kumurap kurap ako. "Ah. Ayos lang. I-ikaw? K-kamusta?"
Bahagya siyang tumawa. "Eto. Ganoon pa rin. Walang pinagbago"
Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Nagmatured na ang pangangatawan niya. Lalo siyang gumwapo. At masasabi kong successful na siya.
Graduate na rin siya at balita ko ay may sarili na siyang company. Masaya ako dahil nagawa niya ang lahat ng iyon sa murang edad.
"Mabuti naman" ngumiti ako sa kanya at ganoon rin siya.
Tumingin ako sa hawak niyang bulaklak kaya napatingin din siya roon.
"Para kanino yan?"
Parang nahihiya na iniabot niya sa akin yon. Nangunot ang noo ko.
"For you" namumulang sabi niya. Ang cute na talaga!
"Ah. Salamat" kinuha ko naman ang bulaklak. "Nag-abala ka pa"
"Wala yon" nakangiti niyang sabi.
Nabalot kami ng matinding katahimikan. Di ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya kaya pinaupo ko nalang siya sa sofa at umupo rin ako katabi niya. Medyo malaki nga lang ang space.
"May tanong ako, Happy" napalingon ako sa kanya.
"Ano yon?"
Tumikhim siya. "Matagal na itong gumugulo sa akin" lumingon siya sakin kaya napaiwas ako ng tingin. Ganoon pa rin talaga ang tama niya sakin. "M-may... B-boyfriend ka na ba?" Parang kinakabahan at nahihiyang tanong niya sakin.
Agad akong tumingin sa mga mata niya.
Di ko alam pero nakikita ko sa mga mata niya na para siyang umaasa.
BINABASA MO ANG
Pretender (COMPLETED)
Novela JuvenilKaya kong magkunwari na hindi ako nasasaktan kahit na ang puso ko ay durog na durog na... kaya kong ipakita na masaya ako kahit na sobrang sakit na! kaya kitang pasayahin kahit na ang kapalit nito ay dobleng sakit na mararamdaman ko... mahal kita at...