Epilogue

781 14 8
                                    

Happy's POV

Lumipas ang ilang taon at gaya ng pangako namin sa isa't isa ay ikinasal nga kami.

Ngayon ay may sarili na kaming bahay at may anak na rin kami. His name is Harvey Ace Santiago-Tolentino. Siya ang panganay naming anak.

3 years old na siya at sobrang cute niya talaga! Mabait din siyang bata kahit na makulit kung minsan. Ang swerte ko dahil may anak akong katulad niya.

May mga trabaho kami ni Alvin. Siya ay busy sa company niya pero Di naman siya nawawalan ng oras para samin.

"Harvey" tawag ko sa anak ko nang makita ko siyang kumukuha nanaman ng chocolate.

Ngumuso siya sakin. Ang cute niya talaga!

"Mama. Isa lang po?" Nailing ako dahil nagpapaawa nanaman siya. Gusto niya talagang kumakain ng chocolate pero nililimitahan ko siya.

"Baby, diba kumain ka na kanina?"

Ngumuso siya lalo. "Mama, please?"

Tumawa ako at nailing. "Bukas naman ulit. Okay?"

Tumango naman siya pero halatang gusto niya talaga ng chocolate. Halatang Di niya gusto ang desisyon ko.

"Okay po"

Tumawa ako at ginulo ang buhok niya. "Bibisita dito sila Lola mo para sunduin ka"

Tumango lang siya.

Pagdating ng hapon ay sinundo na nga siya nila mama. Doon siya matutulog kila mama dahil miss na rin nila ang apo nila.



Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa papalubog na araw. Ang saya ko. Sobrang saya.

Di ko na kailangang magpanggap dahil mahal na rin ako ni Alvin. Di ko na kailangang mamalimos ng pagmamahal mula sa kanya.

Ang swerte ko dahil mahal ako ni Alvin. Dahil totoo niya akong mahal. Kaya niyang gawin ang lahat para sa akin.

"Anong iniisip ng asawa ko?" Rinig kong tanong niya habang nakayakap sakin mula sa likod. Bahagya akong tumawa.

"Wala naman. Masaya lang talaga ako"

Tumango naman siya. Kinalabit niya ako kaya napalingon ako sa kanya at sa paglingon kong iyon ay agad niya akong ninakawan ng halik.

"Waah! Magnanakaw ka talaga ng halik!" Sigaw ko at siya naman ay tumawa lang.

"Asawa naman na kita ah?"

Hinampas ko naman siya. "Hmmp! Kahit na! Magnanakaw ng halik!"

Lalo siyang natawa. Ngumuso nalang ako at nailing.

Niyakap niya ako ulit. "Nagugutom ka na ba?"

"Huh?"

"Sabi ko gutom ka na ba?" Parang natatawa pa na sabi niya.

Humilig ako sa dibdib niya. Habang tumatagal ay lalong nagmamatured ang pangangatawan niya. Kahit na mag-asawa na kami ay Di niya pa rin pinabayaan ang katawan niya. Gwapo pa rin siya at may abs. Nakakapula tuloy ng pisnge tuwing naiiisip kong may abs siya.

Di rin maiiwasan ang selos. Nagseselos ako sa tuwing may babaeng lumalapit sa kanya. Halata pa namang may gusto ang mga iyon sa asawa ko.

May tiwala ako kay Alvin pero sa mga babaeng lumalapit sa kanya ay wala.

"Hmm. Gusto ko ng sabaw na may ketsup" nakangiti kong sabi. Bigla tuloy akong naglaway.

"Sabaw na may ketsup?" Nagtatakang tanong niya.

Pretender (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon