Chapter 1

870 22 5
                                    

Happy's POV

Di mawala ang mga ngiti sa labi ko nang pumasok ako sa bahay. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa ring kasama ko si Alvin kahit na kanina pa natapos yung date namin.

Pero, natatakot ako na baka pagkaraan ng kasiyahan kong ito ay ang sobrang kalungkutan na mararamdaman ko.

Dahil kaakibat ng saya ay ang lungkot.

Napahinga nalang ako ng malalim. Di bale, susulitin ko nalang ang ganito kasayang pagkakataon. Susulitin ko ang mga oras na kasama ko si Alvin.

Pagdating ng lunes ay maaga akong gumising para gumayak dahil may pasok pa ako ngayon.

Gaya ng mga ginagawa ko tuwing may pasok ay naglagay lang ako ng light make up. Yung mukhang natural lang saka ako lumabas ng kwarto at pumunta sa dining room namin.

Agad kong nakita si Mommy na nag-aalmusal na habang may tinitingnan sa laptop habang si Daddy naman ay may kausap sa phone habang umiinom ng kape. Ganito naman lagi pero naiintindihan ko sila. Business is business.

"Morning, Mom, Dad" nakangiti kong sabi sabay halik sa pisnge nilang dalawa.

"Morning" sabay nilang bati. Naupo naman na ako sa upuan at naglagay ng hotdog at bacon sa plato ko.

Itinigil naman ni Mommy yung ginagawa niya at nakangiting bumaling sakin. "How's you sleep, baby?"

"As usual, Mommy" kibit balikat kong sabi at ngumiti saka kumuha ng tinapay at nagsimula ng kumain.

"I'll talk to you later" rinig kong sabi ni Daddy saka niya itinigil ang tawag at bumaling rin sakin. "Nag-usap na ba ulit kayo ni Alvin?" Biglang tanong ni Daddy.

Agad kong natikom ang bibig ko at ngumiti ng matamis sa kanila. Simula nang matapos ang date namin nung sabado ay Di ko na ulit siya nakausap. Siguro ay dahil sa busy siya kaya inintindi ko nalang.

Napailing nalang si Daddy. Alam niyang kapag nginitian ko lang ang mga ganung tanong niya ay ang ibig sabihin ay 'hindi' ang sagot ko.

Nagsimula na kaming kumain habang nag-uusap. Ganito kami tuwing umaga kapag nagkakaabutan. Itinitigil nila Mommy at Daddy ang mga ginagawa nila para naman mas makausap nila ako. Ayaw kasi nilang makaramdam ako ng lungkot dito sa bahay dahil wala naman akong kapatid para makausap. At iyon ang labis kong ipinagpapasalamat. Binibigyan nila ako ng oras na makausap sila ng matagal.

"Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" Agad akong napatingin kay Mommy nang bigla niya akong tanungin ng ganun.

May sakit kasi ako sa puso kaya siguro ganito ang tanong niya.

Gusto kong sabihin na masakit ang puso ko. Nasasaktan ako dahil kay Alvin pero Di ko magawang sabihin. Sa kabila kasi ng lahat ay masaya pa rin ako sa piling ni Alvin kahit na Di niya alam na nasasaktan niya na pala ako.

Agad akong ngumiti at tumango. "Oo naman, Mom. Tingnan niyo oh! Ang lakas lakas ko na saka Di naman na sumisikip ang paghinga ko" pagsisinungaling ko.

Sumisikip ang paghinga ko kapag nasobrahan sa iyak. Kapag nakakaramdam ako ng lungkot at kung anu-ano pa.

Nakangiti namang tumango si Mommy.

Pagkatapos kong mag-agahan ay nauna na akong lumabas ng bahay at pagkalabas ko ay agad kong nakita si Alvin na nakahilig ulit sa hood ng sasakyan niya sa labas ng gate.

Napakunot naman ang noo ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit parang sinusundo pa yata niya ako? Di naman niya kasi gawain ito kaya naman ay talagang nagtataka ako.

Lumabas ako ng gate at lumapit sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?"

Bahagya naman siyang ngumuso. "Sinusundo ka. Bakit? Ayaw mo ba akong nandito?"

Pretender (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon