PROLOGUE

9.9K 97 1
                                    

Nandito lang ako at nakatingin sa kawalan. Nakaupo ako ngayon sa swivel chair ko dito sa office ko at tinitignan ang magandang view sa labas. Pinili ko talaga itong p'westo na 'to para maging office ko dahil lang dito sa maganda at maaliwalas na view.

Inangat ko ang aking ulo at tinignan ko ang buwan at ang mga nag-niningningan na bituin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sa akin nito pero tuwing tinitignan ko ito ay gumagaan ang pakiramdam ko. Masiyado itong masarap sa pakiramdam pero... masiyado din itong masakit. Sobrang sakit.

Iniwas ko na ang tingin ko dito at tinignan nalang ang mga papeles na nakakalat sa lamesa ko ngayon. Sa sobrang dami nito ay nagpatong-patong na ito sa lamesa ko. Sa sobrang dami nito ay parang gusto ko nalang bigla humilata sa sahig at matulog nalang.

Iniling ko ang aking ulo dahil sa mga pinagiiisip ko. Kailangan ko na itong tapusin lahat dahil pagod na pagod na din naman ako. Hindi ko namalayan na hawak ko na pala 'yung drawer ko. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang kwintas. Isang kwintas na nagpabalik sa akin ng ala-ala ko dati. Ala-alang ayaw ko ng balikan. Ala-alang gusto ko ng kalimutan. Gustong-gusto ko na ito kalimutan pero lagi akong binibisita nito gabi- gabi. Lagi ko parin itong naaalala. Lahat ng mga nanyari sa akin dati lagi ko paring naaalala dahil sa pesteng kwintas na ito at dahil... dahil mismong puso ko inaamin na ayaw pa rin itong kalimutan.

Isip at puso nalang ata meron ako ngayon pero hindi pa nagkakasundo. Bakit hindi ko pa rin siya makalimutan? Bakit? Bakit umaasa pa rin ako na kahit papaano ay bumalik siya? Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi na. Hindi na dahil iniwan niya na ako. Hindi na dahil wala na siya. Wala na.

Napangiti ako ng mapait dahil sa mga iniisip ko ngayon. Agad ko ng sinara 'yung drawer ko at pinunasan ang kanina pang tumutulong luha ko.

"Grabe, napapaiyak mo pa rin ako hanggang ngayon," bulong ko sa sarili ko at umuling.

Kinalimutan ko na 'yung nanyari kanina at tinuon nalang 'yung atensiyon ko sa mga papeles na kanina pang nakatambak dito sa lamesa ko. Lagi nalang ganito ang ganap araw araw. Pagpasok ko marami ng nakatambak na papeles tapos magiinarte muna ako at iiyak iyak dito tapos ayun balik trabaho na ulit. Nakakabobo naman.

Habang binabasa ang isang papeles at akmang pipirmahan na ito ay biglang tumunog ang aking telepeno dito. Kinuha ko naman ito agad at tinapat sa tenga ko.

"Hello?" bati ko sa kaniya.

"Hi ma'am!"  sabi nung nasa kabilang linya. Narecognize ko naman agad ito dahil 'yung secretary ko lang pala ito.

"Anong meron?"

"Ma'am, may bisita po kayo," sabi niya. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan dahil doon.

"Sino?"

"Ma'am, ayaw niya sabihin 'yung pangalan niya eh. Papasukin ko po ba?"

"Sige," sabi ko nalang at binaba na 'yung telepono. Hindi ko alam kung nahihibang na ba 'yung bumisita sa akin dahil anong oras na ngayong gabi at balak niya pang bumisita dito. Buti nalang at hindi pa umaalis si Eirene, ang secretary ko.

Nagbabasa lang ako ng biglang may kumatok sa pinto ng office ko. Hindi ko ito liningon at pinagpatuloy nalang ang pagpirma nitong mga papeles na nandito.

"Pasok,"sigaw ko na mukhang sapat na para marinig nung taong nasa tapat ng pintuan ng office ko ngayon.

Narinig kong bumukas na ang pinto kaya inangat ko na ang tingin ko at nagulat ako ng biglang namatay lahat ng ilaw sa opisina ko. Liningon ko ang sitwasyon sa labas ng opisina ko at nakita kong wala ding ilaw. May narinig pa akong ilang sigawan pero pinabayaan ko ito at tinuon ang atensiyon sa taong nasa tapat ko ngayon. Ano ba 'to prank? Wala akong oras para sa mga biro na 'to ngayon ah.

Enchantria Academy ||On-going||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon