Zeria's POV
Nakatitig lang ako kay Silver dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Bakit kasi siya nagpapaliwanag?
"Huh?" 'yun nalang ang lumabas sa bibig ko dahil wala naman talaga akong maisip na sasabihin sa kaniya.
"Are you mad?" Silver asked while staring at my eyes seriously.
"Of course not, bakit naman ako magagalit?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit 'yun ang lumabas sa aking bibig. Parang 'di sumasangayon 'yung mismong isip ko sa mga pinagsasasabi ko ngayon.
"Nevermind," sabi niya at binitawan na ako. Nagulat nalang ako ng hindi na siya muling nagsalita pa at naglakad na palayo. Luh anong meron doon? Bipolar talaga tsk.
Hindi ko nalang ito pinansin at naglakad nalang pabalik sa ospital dahil tinatamad na ako umattend doon sa party.
"Sayang naman 'tong suot ko," bulong ko sa sarili ko shaka tinignan 'yung itsura ko ngayon.
"Kaya nga, ang ganda mo pa naman,"
Lumingon naman ako sa lalaking nasa tabi ko ngayon. Nagulat ako ng makitang si Greek ito. Hindi din siya umattend ng party?
"Ah thank you," pagpapasalamat ko sa kaniya at ngumiti. Ngumiti din siya pabalik at mas lumapit pa sa akin.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin habang sinusundan lang ako.
"Pabalik na sa ospital. Kukunin ko na mga gamit ko at babalik na sa dorm," paliwanag ko.
"Ok! Tulungan na kita," sabi niya at nauna ng naglakad sa akin. Hinabol ko naman ito agad at tumabi sa kaniya.
"Bakit nandito ka? Bakit wala ka sa party?"
"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyan ah," sabi niya at lumingon sa akin.
"Di ko kasi feel eh.Tinatamad na ako," sabi ko nalang sa kaniya. 'Di ko din alam kung bakit ayaw ko na umattend doon sa party eh.
"Tinatamad o nagseselos?" biglang sabi niya na ikinagulat ko naman kaya napatingin agad ako sa kaniya. Ako daw magseselos? Hatdog.
"Huh?"
"Wala, sabi ko halika na," sabi niya at pumasok na sa loob ng ospital. Nagsitinginan naman yung mga nurse doon sa kaniya. Famous ba 'to?
Pinabayaan ko nalang ito at dumiretso na sa elevator. Nakita ko namang sinundan na niya ako kaya sumakay na kami sa elevator.
Pagkabukas ng elevator ay dumiretso na agad ako sa harap ng kwarto ko. Liningon ko si Greek at nakita kong nakaupo na ito sa upuan na nasa harap ng kwarto ko at ngumiti lang ito sa akin at sumenyas na pumasok na daw ako kaya pumasok na ako.
Pagkapasok ko ng kwarto ko ay agad ko ng kinuha 'yung mga gamit na nandoon at nilagay na sa paperbag. Tinapon ko na din 'yung mga kalat sa basurahan at inayos ko na din 'yung mga ibang gamit pa na nandoon na nagulo.
Nang mapansin kong ayos na lahat at nakuha ko na lahat ng gamit ko ay lumabas na ako. Agad namang lumapit sa harap ko si Greek at kinuha yung iba kong mga dala.
BINABASA MO ANG
Enchantria Academy ||On-going||
FantasyEA Enchantria Academy, new school, new reality. In a world where magic and darkness exist and only one person can exceed. Who will it be and Why? A girl, a girl that has a soft and warrior spirit. Being bullied by everyone and not knowing her limits...