ZERIA POV
*ALARM CLOCK RINGING*
Nagising nalang ako ng biglang tumunog ang alarm clock ko. Grabe, hindi ako nakatulog du'n sa nakita ko kahapon.Totoo ba 'yun or guni-guni ko lang. Probably guni-guni ko lang 'yun pero parang totoo talaga eh. Nevermind, sumasakit ulo ko pag-iniisip ko 'yun eh.
Bumangon na ako at dumiretso na sa banyo para maligo. Nang pagkatapos ko maligo ay kinuha ko na ang aking uniform at sinuot na ito kasama ng aking medyas at sapatos. Sinuot ko din ang aking glasses at bag. Kinuha ko na din ang aking mga libro at dumiretso na pababa para magbreakfast.
Pagkababa ko ay napansin kong wala na naman si Mommy. Balak ko pa naman siya tanungin tungkol sa nakita ko kahapon sa kwarto niya pero sige next time nalang.
Habang kumakain at napatingin ako sa relo ko at napansing malalate na ako kaya napatayo ako bigla.
"Oh iha may problema ba sa luto ko?" Tanong sa akin ni manang ng mapansin niyang hindi na ako mapakali.
"Huh? Hindi po manang. Late na po kasi ako eh. Sige po alis na ako, Bye Manang!" Pagpapaliwanag ko kay Manang at lumabas na ng bahay para maglakad na.
Nakarating na ako sa school ng mapansin kong wala pa gaanong tao. Nakakahinayang lang na walang bumungad sa aking QMB ngayon. Ang weird ah parang may something. Ano na naman kayang trio ng mga 'yun? Bahala na baka dumating pa 'yung mga ngayon mabadtrip na naman ako ngayong araw dahil baka maalala ko lang 'yung ginawa nila kay Pearl.
Naglakad nalang ako diretso sa aming classroom dahil anong oras na din naman. Nang nasa harap na ako ay pumasok na ako dito at bumungad lang sa akin ay sila Chloe at Silver. Nasa ospital pa kasi si Pearl. Hindi ko alam kung kelan pa siya p'wede lumabas dahil hindi ko pa natatanong kala Chloe.
"Hi Zeria," bungad sa akin ni Silver. Lumingon ako kaagad sa kanya sa sobrang gulat. Wow himala at binati ako ng mokong na ito. "Ahh, hi?" Sabi ko sa kan'ya ngunit hindi na siya ulit nagsalita pa tsk siya 'tong pahi-hi diyan tapos pag sinagot hindi na mamamansin. Kapal ng face mo bro ah.
Hmm, napansin kong tahimik pa sa room. Bakit wala pa 'yung mga classmates namin? Anong oras na ah.
"Nasaan 'yung mga classmates natin?" tanong ko sa kanila ngunit hindi nila akong sinagot dalawa at nagkwekwentuhan parin sila. Wow, ano ako dito hangin? Pag-untugin ko silang dalawa diyan eh.
"Thank you sa sagot guys grabe," sarcastic na sagot ko sa kanila kaya lumingon na sila sa akin.
"Ha?" naguguluhan na tanong sa akin ni Chloe.
"Hatdog," sagot ko sa kaniya dahil nainis na ako. Mag-usap na sila diyan ng jowa niya.
"Sungit" narinig kong bulong ni Silver pero hindi ko na ito pinansin at dumiretso nalang sa upuan ko.
Grabe, minsan aakalain mong magjowa itong dalawang ito laging magkasama eh. As in lagi. Onting-onti nalang iisipin ko na na magjowa itong dalawang ito.
Jowa jowa pa mamamatay din naman. Lolokohin ka lang din naman. Gagaguhin ka lang naman. Masasayang pa pera mo kakabili ng regalo para sa weeksary niyo, monthsary niyo pati din sa anniversary niyo. Ay, pati pa pala sa birthday niya. Oh, 'di ba? Magastos lang pag nagkajowa ka. Oh, bakit pa magjojowa? Para sumakit ulo mo araw-araw tsk bahala sila diyan.
Habang nakatingin ako sa bintana ay napansin kong nagsidatingan na ang aking mga classmate at ang aking guro kaya humarap na ako sa harap para makinig.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
BINABASA MO ANG
Enchantria Academy ||On-going||
FantasyEA Enchantria Academy, new school, new reality. In a world where magic and darkness exist and only one person can exceed. Who will it be and Why? A girl, a girl that has a soft and warrior spirit. Being bullied by everyone and not knowing her limits...