CHAPTER 5

5.6K 141 41
                                    

Zeria's POV

Sinara ko na 'yung pinto at tinignan ko 'yung sinasabi nilang bisita namin. Pagkatingin ko ay sobrang gulat na gulat ako. Tae, nananaginip ba ako? Sinampal ko pa 'yung sarili ko para maconfirm kung gising ba ako o ano eh.

"Ch-Chloe ... And Si-Silver?!?" tanong ko sa kanila ng makita ko sila as in dito sa harap ko!

"Hi, Zeria!" masayang sabi ni Chloe.


Lumapit ako sa kanila at tinitigan para lang makurpirma ko kung sila ba talaga itong nasa harap ko ngayon.


"Anong ginagawa niyo dito? Paano kayo nakapunta dito?! May kapangyarihan din kayo? Tae, nananaginip ba ako? Potek, gisingin niyo nga ako!" I said.

"Dito kami magaaral ay dito pala talaga kami nagaaral at oo may kapangyarihan din kami. Tsk, why does it sound so silly? Wtf," sabi ni Silver. Wow, himala nagsalita ang unggoy este si Silver. Tae, bakit nandito 'toh? Hindi naman sa ayaw ko ah pero parang ganun na nga. Ayaw niya din naman ata sa akin so quits lang kami 'noh!

"Yeah and we are the Fire Twins!" sabi ni Chloe sabay takip sa bibig.

"Oopss. Sorry bro." Pahabol niya sabay lingon kay Silver at nagpeace sign. Hay, nako. Wait, hala ano daw? Twins? Ampotek? Tae, sure na ako nananaginip talaga ako.

"Twins?!" Sigaw ko sa kanila ng marealize ko 'yung sinabi ni Chloe.

"MAGKAPATID KAYO?!"

"Alangan twins nga 'di ba tsk may twins 'bang hindi magkapatid," sabi ni Silver. Potek, sungit pa rin talaga nitong nilalang na ito. Maryosep. Dinaig pa 'yung babae pag may menstruation. Grabe, sobrang sungit.

"Sorry naman, bobo lang tsk," sabi ko sa kaniya. Grabe, all this time magkapatid sila tapos pinagkakamalan ko silang magjowa. Omg, kadiri ah! Sobra.

Tinignan ko sila Anetina pero parang hindi sila gulat na gulat na nandito sila Chloe. Magkakakilala kaya sila? Magkakaibigan kaya sila? Ito na ba 'yung Chloe na tinutukoy nila?

"Wait, wag niyong sabihin na ako lang 'di nakakaalam nito? " tanong ko sa kanila.

"Sorry na Zeria! Atleast nga nasabi ko eh," sabi ni Chloe.

"So, pag hindi mo nasabi wala ka talagang balak sabihin sa akin!?" naiirita kong tanong.

"Hindi naman sa ganu'n sasabihin naman namin eh hindi nga lang ngayon kaso nadulas ako eh," sabi ni Chloe. Ang tagal na naming magkaibigan tapos ganito pala. Hindi ko man lang alam grabe. I somehow felt betrayed. Kung nagaaral sila dito wait...

"Wait... Wag mong sabihin na si Pearl din dito magaaral!" sabi ko malay niyo ba baka dito din pala nagaaral yun eh para pag nagulat ako isahan nalang 'di ba.

"Maybe," sabi ni Silver at nakita kong nakatitig siya sa akin. Hmm, siguro gusto niya nga talaga si Pearl. Well,bagay naman sila eh. Luh, bakit parang nasaktan ako sa sinabi ko mismo. Hoy, self ok ka lang?

"Oh siya, lumabas na nga kayo sa office ko ang iingay niyo na eh. Tutal magkakilala naman pala kayo hindi ko na sila ipapakilala sayo Ms. Ruby. Oh before I forgot, kindly call all the students in the academy and papuntahin niyo sila sa gymnasium may iaannounce lang ako.Thank You," sabi ni Headmaster Nilly. Siya itong may mic diyan tapos kami pa magtatawag.

"Luh, kayo po 'yung may mic diyan 'di ba?" Hala, nasabi ko ba 'yun ng malakas? Hala, sa isip ko lang dapat 'yun. Pagtingin ko sa mga kasama ko nakatingin na sila sa akin sa sobrang gulat. Nakakahiya! First day ko palang pero parang matatanggal na agad ako ah.

Enchantria Academy ||On-going||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon