CHAPTER 14

245 7 2
                                    

ZERIA'S POV

Nandito lang ako ngayon sa k'warto ko at nakatungaga sa gitna ng gabi. Kakadating ko lang talaga dito sa dorm namin kanina kasi galing pa akong ospital no'n. Ang natatandaan ko nalang kasing nanyari sa akin ay niligtas ako ni Greek nung foundation day at nahimatay ako no'n tapos paggising ko nasa ospital na ako. Halos tatlong araw din ako doon at tatlong araw ding bantay-bantay ni Greek, Chloe, at Zoey. Palit-palit sila. Hindi ko na ulit gugustuhin pang maospital at si Zoey ang bantay. Parang lalong lala 'yung sakit ko sa kaniya dahil sa mga pinaggagagawa niyang mga kalokohan. Lagi nalang akong naoospital, ang hina naman ng katawan na 'to.




Habang nagiisip-isip ay liningon ko ang orasan sa tabi ng higaan ko. Pagkatingin ko dito ay ala-una na pala ng umaga. Anong oras na pero 'di pa rin ako makatulog, ano bayan. Dahil wala na talaga akong magawa para antukin 'yung sarili ko ay napagdesisyunan ko munang lumabas. Alam kong 'di na ata p'wede lumabas ng dorm ngayon dahil anong oras na pero nagawa ko na naman dati 'di ba? Ok lang iyan. Sinuot ko na muna ang aking jacket at tsinelas bago lumabas. Wala naman akong balak maglakad sa labas ng nakapajama lang baka mahimatay pa ako sa lamig doon.




Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aking kuwarto para walang makarinig na lalabas ako. Nang makalabas na ako ay dahan-dahan na din akong naglakad papunta sa pinto ng dorm namin. Wala akong balak magpahuli kala Chloe dahil baka pagalitan pa ako no'n at sabihing kakadating ko palang daw sa ospital tapos gagala na ako kung saan-saan. Hay, ilang beses ko na ngang sinabing ok na ako eh! Kaso walang nakikinig sa kanila. Bahala sila d'yan.




Nandito na ako ngayon sa labas ng building namin. Ngayon ko lang naisip na lalabas-labas ako ng building namin tapos 'di ko naman alam kung saan ako pupunta. Ayoko naman pumunta sa garden na mahilig kong puntahan dahil 'yung last na punta ko doon ng ganitong oras ay hindi maganda ang nanyari tapos may nakasabay pa ako doon, tsk.




Naisip ko nalang pumunta sa roof top ng main building. Sa main building mo makikita ang office ng mga staff dito, ang faculty, ang office ni Headmaster Nilly at kung ano-ano pang k'warto na hindi ko na alam kung para saan. Tuwing recess minsan ay pumupunta ako sa rooftop nito dahil tanaw mo dito halos ang kabuuan ng Enchantria Academy, hindi ko nga lang tanaw ang nasa labas ng barriers ng school na ito. Ang tanging natatanaw ko lang doon ay matataas na puno at wala ng iba.




Nang makapasok ako sa main building ay agad na akong pumunta sa hagdanan. Hindi ko alam kung anong trip ko at sa hagdan pa talaga ako aakyat tapos sa rooftop pa ang punta ko. Ano ito? Exercise ng ala-una ng umaga?




Pagkarating ko sa huling hakbang ay napahawak nalang ako bigla sa handle ng pinto ng rooftop dahil sa sobrang pagod. Hingal na hingal na ako ngayon at halos bumaliktad na ako dito sa hagdan.




"Sabi na eh, maling ideya 'to," bulong ko sa sarili ko dahil sa katangahan na ginagawa ko ngayon. Pagkatapos magpahinga ng ilang segundo ay binuksan ko na ang pinto ng rooftop ng dahan-dahan. Nagulat naman ako ng may narinig akong kumakanta.




I've been trying to forget you




But I can't




You made me a fool it ain't cool




Agad naman akong napatigil dahil sa naririnig ko ngayon. Dahan-dahan kong sinara ang pinto ng rooftop para hindi ito marinig nung kumakanta. Dahan-dahan din akong naglakad sa kabilang side ng pinto para tignan kung sino ang kumakanta. It was Greek.




It's like there's something




Missing in my life




Enchantria Academy ||On-going||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon