CHAPTER 17

296 8 1
                                    

ZERIA'S POV

Nandito lang ako ngayon sa k'warto ko at nakahilata sa kama ko. Iniisip ko lang naman 'yung mga sinabi ni Silver nung isang araw. Lahat kami ay gulat na gulat nu'n nung sinabi niya na pupunta kami sa mortal world. Hindi naman kasi namin inaasahan na gano'n-gano'n nalang 'yun eh. Parang hindi siya nagdalawang-isip at napagdesisyunan na niya agad na pumunta agad kami doon para sa libro na 'yun. Hindi naman sa ayaw 'kong pumunta doon, actually excited nga ako eh kasi parang matagal-tagal na din nung huli kong nakita 'yung mundo na 'yun.




Excited na ako makita kung ano ng itsura nito, kung ano ng ganap doon, kamusta na kaya si Mommy? Makikita ko kaya siya doon? Si Pearl din, kamusta na kaya siya? Excited na akong pumunta doon pero 'eto ako at nakahilata pa rin sa kama ko kahit na aalis na kami mamaya. Oo, aalis na kami mamaya. 'Di ba ang weird? Hindi man lang nagdalawang isip si Silver kung pupunta ba kami doon o hindi tapos 'eto naman at plinano niya na dapat umalis na daw kami agad. Parang atat na atat naman ata 'yun makapunta sa mortal world. May jowa ba 'yun doon ah? Wala naman kaming kaclose doon ah kasi nandito si Chloe at kasama namin.




Bigla naman akong napabangon sa dahil sa naiisip ko. Hala! What the freak, si Pearl! Nandoon si Pearl! Luh, gusto niya ba talaga 'yun? Nagdadalawang-isip pa ako kung paniniwalaan ko 'yung instinct ko kung gusto niya ba talaga si Pearl pero eh, bahala na. Ano bang pake ko 'di ba? Napailing nalang ako sa mga naiisip ko at bumangon na. Kung ano-ano na naman pumapasok sa utak ko ng ganitong oras, ano bayan! Pagkabangon ko ay agad ko namang tinignan 'yung mga maleta at bag na nasa harap ko ngayon. Isang maleta lang ito at dalawang bag, isang backpack at isang shoulder bag. Aba, hindi naman siguro kami aabutin doon ng buwan-buwan para magdala ako ng sobrang daming gamit hindi ba?



Inayos ko na itong mga gamit ko kahapon pa dahil wala akong balak mag-ayos ng gamit kung kailan paalis na kami hindi katulad ni Zoey na natataranta na kanina dahil hindi niya makita 'yung mga gamit na dadalhin niya dapat, ginising pa ako ng gagang 'yun maryosep. Sunod ko namang nilingon 'yung sarili ko sa harap ng salamin na nasa harap ko ngayon. Nakasuot ako ngayon ng gray na cropped hoddie, high waist jeans and white na sneakers. Nakamessy bun lang din ako ngayon at walang suot na make-up maliban sa powder. Mukha namang desente 'yung itsura ko ngayon kaya ok na 'to. Nagpapasalamat pa rin talaga ako sa mga pinadalang damit ng mga nanay ko dahil mukhang matitino naman ang mga ito at maayos. Mabuti na 'yun keysa naman ako ang nagimpake ng mga gamit ko noon 'no! Puro baduy siguro 'yung mga suot ko ngayon kung sakaling ako ang nagimpake ng mga gamit ko noon, hay.




Tinignan ko 'yung suot kong relo ngayon para tignan kung anong oras na at baka aalis na pala wala pa akong kaalam-alam. Tinignan ko ito at napansing meron pa kaming twenty minutes bago umalis. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano kami makakapunta doon sa mortal world at kung saan ang daan dahil nung dinala ako ng nanay ko dito ay tulog ako no'n at hindi ko alam 'yung mga dinaanan namin dati malay ko ba, mamaya lumipad-lipad pala 'yung sasakyan namin noon o 'di kaya ay pumunta sa ilalim ng dagat 'di ba? Baka lang naman, grabe.




Meron pa naman kaming dalawampung minuto bago umalis kaya lumabas na ako ng k'warto ko at kinamusta na 'yung mga kasamahan ko kung nakaayos na ba sila o hindi ba. Hindi ko alam kung bakit kasamahan pa rin ang tawag ko sa kanila at hindi kaibigan teka lang, magkaibigan na ba kami? Kaibigan na ba nila ako? Tinuturing na ba nila ako bilang kaibigan? Siguro naman magkakaibigan na kami 'di ba? Baka naman mamaya-




"Aray ko naman!" bigla nalang akong napasigaw sa sakit nung maramdaman kong may gumulong sa paa ko. Nilingon ko ito at nakita si Chloe na dala-dala 'yung maleta niya at bababa na dapat sana.




"Hala, sorry! Bakit ka kasi nakatunganga d'yan sa harap ng pinto ng k'warto mo? Hindi ko tuloy napansin 'yung paa mo, sorry! Ang lalim kasi ng iniisip, tsk. Sorry na!" wika niya at nagpeace sign pa bago tuluyang bumaba. Aba, bakit parang ako pa ata 'yung may kasalanan kung bakit nagulungan 'yung paa ko?




Enchantria Academy ||On-going||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon