ZERIA'S POV
Wait, wtf? Paano kami nakapunta dito? Anong ginagawa namin dito? Nasaan ako? Normal ba ito? Nasa Earth pa ba ako? Mamaya nasa ibang universe na pala ako 'di pa ako naiinform ah. Nananaginip ata ako eh. Jusko, self gising na at kung ano ano na nakikita mo oh.
Habang tulala ako ay bigla akong hinatak ng nanay ko papasok ng school. Pagkapasok ko ay marami akong nakitang mga tao at may kapangyarihan ang mga ito. Hindi naman ako sure kung kapangyarihan ba 'yung term sa mga nakikita ko ngayon pero parang ganun na nga. Wait, hala ano daw kapangyarihan?
Habang naglalakad lakad sa kung saan saan ay napatingin ako sa reflection ko sa isang glass na pinto. Wait, bakit ganito? Ako ba ito? Ngayon ko lang napansin parang humaba pa lalo yung buhok ko at nagpalit 'yung suot ko naging dress na blue and 'yung sneakers ko naging high heels na blue. Potek, hindi ako naggaganitong damit. Ang lusyang. Shaka, ano ito high heels? Jusko, baka madapa pa ako dahil dito!
"Ano bang nanyayari!" Sigaw ko sa utak ko.
Hindi ako sanay magheels. Ayaw magregister sa utak ko 'yung mga nanyayari. 'Yung necklace naman na binigay ni mommy na sinuot ko tinago ko nang maalala ko ang sinabi niya na bawal daw may makakita nu'n at napansin kong ding kumikinang ito. Ano ba talanag nanyayari dito ah?
Umangat ang ulo at napansin kong ang layo na ni Mommy kaya tumakbo ako para mahabol ko siya kaso nadapa ako. Ang tanga, Zeria! Aish, nakakainis hindi naman kasi ako sanay mag high heels 'no.
Ang sakit tuloy ng paa ko. Nakakahiya naman. Ang dami pa namang tao sa paligid, dito pa talaga ako nadapa. Ang tanga-tanga, Zeria ah! Tatayo na sana ako kaso may nakita akong kamay na nasa harap ko.
Umangat ang ulo ko at omg, ano ito blessing? Potek, may lalaki sa harap ko ngayon at mukhang Greek god. Omg, totoo ba ito? Minsan lang ako magwapuhan sa isang lalaki kaya pag nagwapuhan ako sayo tae swerte ka hoy! Oo, alam kong sinabi ko na wag na magjowa-jowa gano'n pero nagwagwapuhan lang naman ako sa kaniya, ok?
"Are you done staring at my face?" sabi nung lalaki.
Nang marinig ko 'yung boses niya ay bigla naman ako natauhan sa pagpapantasiya ko sa utak ko. "Ah-ah so-sorry," Hoy, ano ba Zeria! Bakit ka nauutal umayos ayos ka hoy! Hindi ka pinalaki ng ganiyan ng nanay mo, hoy.
"Here, hold my hand let me help you," sabi niya at tumango naman ako. Ano pa bang choice ko 'di ba?
Hinawakan ko ang kamay niya. Hala, baka magaspang 'yung kamay ko. Hala, baka pasmado ako. Bwisit naman oh, ngayon ko pa talaga ito iniisip? Hinawakan ko na ang malambot na kamay niya at tumayo na.
"Thank you. Oh I'm sorry, where is my manners, by the way Zeria Akira Cruz nga pala," then I held my hand. Hmm, ano kaya pangalan niya sana hindi siya kasing cold ni unggoy, I mean Silver. Hoy, shh wag niyo ko isumbong pag nagalit pa naman 'yun parang naghahamon ng world war 3. Ewan ko doon pinaglihi ata sa demonyo joke. Naalala ko tuloy 'yung natapunan siya dati ng schoolmate namin ng juice ata 'yun pero hindi niya naman sinasadya. Grabe pinagdasal ko talaga 'yung schoolmate namin parang didiretso na sa heaven eh. Eh, bakit ko ba siya iniisip?
"Ahm, Hello! My name is Greek Aquatum. Uhm, water elementalist. How about you?" Tanong niya sa akin. Ganda ng pangalan Greek sakto sa itsura niya at ano daw 'yun water elementalist? Ano na naman 'yun?
"Ah-ah transferee ako and I literally have no idea what am I doing here sorry. 'Di ko nga alam kung transferee ba talaga ako dito kasi wala pa akong kaalam-alam sa nanyayari ngayon. Mamaya, janitor pala ako dito hindi pa ako naiinform," pagpapaliwanag ko sa kanya. Nakita ko naman siyang tumawa dahil sa sinabi ko. Hala, infairness ah ang cute niya tumawa.
BINABASA MO ANG
Enchantria Academy ||On-going||
FantasyEA Enchantria Academy, new school, new reality. In a world where magic and darkness exist and only one person can exceed. Who will it be and Why? A girl, a girl that has a soft and warrior spirit. Being bullied by everyone and not knowing her limits...