Never did I wish for someone like him. Our friendship began unexpectedly until one day, I just found myself being attached with him. Totoo nga yung sinasabi nila, there will always be a thin line between love and friendship. It's either you take the risk or just let it stay that way. Once you cross the line, you can never go back. Na karamihan daw ng pagiibigan ay nagsisimula sa pagiging magkaibigan. Ngunit sadyang hindi ako naniniwala. Kung puwede lang sana, hanggang dito nalang kami. Masgugustuhin ko pang manatili kaming magkaibigan kay sa mahantong kami sa ganoong sitwasyon.Noah Miguel Zarate. He's a notorious bad boy. Walang sinasanto. Kahit sino kaya niyang kalabanin. He seems not to fear anything at all, anyone even.
Simula elementary palang kami binansagan na kaming aso't pusa na sobra kung magbangayan. We share the same food every lunch time. Ako ang tagahanda ng pagkain namin. Siya naman ang tagabili tuwing recess namin. Lumaki kami na akay akay ang isa't isa. Halos lahat ng celebrations sa pamilya naming dalawa kailangan inaatendahan namin pareho. Kaya siguro hindi na ako magtataka kung bakit sobrang close sa kanya si kuya Franco, my brother. Fourth year college na kami ngayon at mas lalong naging close pa ang pagsasama namin. Minsan pinagkakamalan kaming magshota kahit hindi naman. Kung tratuhin namin ang isa't isa ay sobra pa daw sa pagiging magkaibigan. Ngunit sadyang ganon nga lang siguro. Biruin mo ba naman ang ilang taong pagsasama namin ni Miguel. Kahit sobrang playboy ng kaibigan kong iyun, tanggap ko siya.
We are more than friends when it comes to intimacy. We benefit from each other. I cannot deny the fact that I agreed to his likes and wants. Halos ilang taon na kaming ganito ni Miguel. We are not in a relationship but we warm each other's bed.
Kasalukuyan kaming nandito sa may basketball court kung saan gaganapin ang basketball game. Naglalaro siya habang ako naman ay gumagawa ng assignments namin. I usually do his assignments then teach him how I've got the answers afterwards. Wala akong mapapala kung hahayaan ko siyang gawin ang assignments niya na siya lang. I need to teach him everything.
Medyo maingay ang court. Madami na kaseng mga nanonood. Last day na kase ng praktice nila kaya nilulubos lubos na nila. Bukas na ang game kaya todo praktice sila. Noon, hanggang ngayon, ang Jaguars parin ang pinakasikat na basketball team sa lahat ng unibersidad dito sa Manila. Balita ko, nagsimula ito sa panahon ni Mr. Valdemar. Kuwento rin 'to sa amin ng mga matatanda na naming prof na magaling nga daw talaga ang mga Jaguars.
" My Loves! " Agad kong itinago ang ballpen at lapis ko ng makita ko si Miguel na paparating sa inuupuan ko. Agad kong inihanda ang baon kong inumin para sa kanya.
Tumayo na ako at sinalubong siya. Binigay ko sa kanya yung kanyang bimpo na binaon ko upang pamunas niya ng pawis niya.
" Sab" Iyung mga mata niyang nakatingin sa akin na para bang gusto pa talaga niyang ako ang gagawa ng lahat para sa kanya. Malamang maarte talaga 'tong Zarate na 'to. Palibhasa kase lumaking may gintong kutsara sa bibig kaya sanay na sa karangyaan.
" Huwag mo nga akong tawaging My loves. Ang daming tao. Tignan mo tuloy, pinagtitinginan tayo ng mga tao dito. Palibhasa kase masyado kang guwapo!" Hindi ko naman kase maitatagong guwapo nga talaga si Miguel. Kulang nalang ay sambahin na siya ng mga kababaihan. They are drooling at him everytime. At gustong gusto naman niya.
" Ayoko nga! Ngayon ka pa talaga nahiya My loves. Kung kailan handa akong isigaw na ikaw ang my loves ko saka ka pa nahiya" Malalim ang boses ni Miguel. Those words from his mouth shouted lies. Alam ko naman na malabong mapaibig ko ang lalaking 'to dahil hanggang ngayon e patay na patay siya sa girlfriend niya. Ngayong college na kami nahihimigan ko na ang autoridad sa kanyang boses. Mastumangkad din siya lalo. Nagmumukha tuloy akong pandak kapag kasama siya. Palibhasa hanggang balikat niya lang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/148558318-288-k64127.jpg)
BINABASA MO ANG
Forbidden Affair (Completed) [R-18]
Ficción GeneralAlways the bestfriend but never the girlfriend