SINIPAT kong muli sa huling pagkakataon ang aking mukha sa salamin ng tricycle na aking sinakyan. Nang makuntento ako ay saka ako bumaba at nagpasalamat kay manong driver.
Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako na-concious ng ganito sa aking hitsura at sa magiging tingin sa akin ng mga tao, lalo na ni Sir Roderick. Halos abutin nga ako kanina ng isang oras kakapili ng isusuot ngayon. Ang dating shorts at maluwag na t-shirt kasi na madalas kong suotin ay hindi na pupwede ngayon. Kailangan kong magmukhang desente kahit papaano. Kailangan kong lumebel sa kagandahang lalaki ni Sir Rod kahit papaano. Lalo na ngayong naipagtapat ko na ang aking nararamdaman sa kanya.
Fitted na shirt na binili pa sa akin ni Nay Lourdes nung nakaraang pasko ang sinuot ko ngayon. Tinernuhan ko iyon ng fitted na pantalon saka doll shoes. Itinali ko rin ang may kahabaan kong buhok para lalong magmukha akong mas matanda sa aking edad.
Sabi sa akin ni Sir Rod kahapon ay hintayin ko siya rito sa labas ng kanilang tarangkahan dahil may pupuntahan daw kami. Pero mukhang siya pa ang naghintay sa akin dahil pagkababa ko mismo ng tricycle ay namataan ko na siyang nakatayo at nakahilig sa kotse niyang nakaparada sa tapat ng kanilang gate.
"S-sir—"
"You're 30 minutes late."
"S-sorry Sir... N-natagalan po kasi ako sa pag-aayos." Pinasadahan niya ng tingin ang ayos ko mula ulo hanggang paa. Saka siya nagtaas ng kilay.
"Pasok," aniya saka ako pinagbuksan ng pinto. Nang pareho na kaming nakaupo at nailagay na rin niya ang seatbelt sa akin ay nanatili kaming tahimik. Hindi niya pa rin binubuhay ang makina ng sasakyan.
"Sir, may problema po ba?"
"You... you look nice," pag-iiwas nito ng tingin. Napangiti ako saka umiwas din ng tingin. Alam kong puladong pulado ang mukha ko ngayon. Nagbunga ang halos isang oras na ginugol ko sa pagpili lang ng damit.
Sa biyahe ay panaka-naka ang pagsulyap ko kay Sir Rod na abala sa pagmamaneho. Pero paminsan ay nahuhuli ko siyang nagnanakaw din ng tingin sa akin. Halos mapunit tuloy ang labi ko kakangiti.
Sinuri ko rin ang suot niya habang nagmamaneho siya. Simpleng gray t-shirt lang iyon na tinernuhan ng kupas na pantalon at puting sapatos. Kahit ganoon ay nag-uumapaw pa rin ang kagwapuhan niya. Kahit ano naman yata ang kanyang isuot ay hindi matatawaran ang kagandahang lalaki niya. Kahit nga yata walang suot e.
Hininto ni Sir Rod ang sasakyan sa tapat ng isang sosyaling tindahan. "Chocolate World," basa ko sa nakasulat sa taas nito. Halos maglaway ako nang pasukin namin iyon. Iba't ibang klase ng chocolate ang naka-display sa mga istante. Nakakatakam pero mukhang lahat mamahalin.
"Sir, ano pong ginagawa natin dito?"
"Diba gusto mo ng chocolates? Here, get all you want."
Gustung-gusto kong subukan lahat ng klase ng tsokolate roon pero nahihiya ako kay Sir Rod. Ang mamahal pa naman ng mga presyo ng isang piraso lang. Kaya naman kumuha lang ako ng tatlong piraso ng magkakaibang klase saka ipinakita ko iyon kay Sir Roderick.
"Ito na, Sir."
"Yan lang? Kuha ka pa."
"Hindi po, Sir. Ayos na ito. Tama na ang tatlo para ang ibig sabihin, I like you," pabiro akong kumindat kaya natawa siya. Lumapit siya sa istante saka kumuha ng isa pang piraso.
"Ito idagdag mo para... I like you too." Kumindat din siya kaya halos hikain ako sa kilig. Tawa nang tawa si Sir dahil sa namumula kong mukha. Binayaran niya iyong apat na chocolates bago kami lumabas at sumakay muli ng kotse.
Kinain ko ang mga iyon habang bumabiyahe ulit kami. Sarap na sarap ako sa mga iyon. First time kong makatikim ng ganito kasarap at kamahal na chocolates. Cloud 9 at Big Bang lang ang hiningi ko, pero Toblerone, Peppero at iba pang imported chocolates ang natanggap ko. Bait talaga ni Papa God!
BINABASA MO ANG
How to Make Love with the Boss
RomanceShe was innocent; Naive; Pure. Until he came... And changed every thing. "It's time for you to learn some stuff." - Roderick Tuangco