Kabanata 27

4.6K 110 22
                                    

"PRE, ang lagkit ng tingin sayo ng chix na 'yun, oh."

Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy na babae ni Pat. Mag-isa itong umiinom sa bar counter at ni hindi man lang nailang nang ituro ni Patrick. Nasa isang sofa kami ni Pat at nagkakainuman din. Kasama namin sina Mira at Faye ngunit umalis ang mga ito para magbanyo.

"Ano, dude? Pormahan mo na." Tinawanan ko na lang si Patrick saka inilingan. Lumagok ako ng isang baso ng alak habang ang mga mata ko'y nakapako pa rin doon sa magandang babaeng matapang na sinasalubong ang mga tingin ko.

Chix nga, tama si Patrick. Pero ewan ko ba sa sarili ko kung bakit wala na akong interes sa ibang babae ngayon gaano man ito kaganda. Simula nang ma-meet ko ang anak ng isang kasambahay nina Mira ay wala nang ibang babaeng naging laman ang utak ko kundi ang babaeng iyon na may magandang pares ng mata.

"Tangina! Ang creepy mo, pre! Ba't ngumingiti ka mag-isa riyan?"

Imbes na mainis ay lalong lumawak ang ngiti ko sa pang-aalaska sa akin ng kaibigan matapos kong ikwento rito ang bago kong kinahuhumalingan.

"Hayop! In love ka nga!"

Natigil lamang kami ni Pat nang bumalik sina Mira at Faye, ngunit hindi sila ang dahilan ng pananahimik namin kundi ang babaeng kasama nila.

"Boys, this is Ate Trina, childhood friend namin ni kuya," pagpapakilala ni Mira rito. Ngumiti sa amin ang babae na kanina lamang ay tanaw namin sa counter. Naglahad ito ng kamay sa amin ni Pat na buong galak naman naming tinanggap.

"Naku, lasing na lasing itong kababata mo, Mira. Mukhang hindi na ito makakapagmaneho pauwi," wika ko habang akay-akay ito sa parking lot. Alas dos na ng madaling araw at napagpasyahan na naming umuwi. "Mukhang problemado at ang dami ng nainom," dagdag ko pa.

"Felix, pwede bang ikaw na muna ang maghatid sa kanya sa unit na tinutuluyan niya? Sa Amigo Building siya tumutuloy. Out of the way kasi 'yun sa amin nina Faye at Pat. Ikaw lang ang pinakamalapit," pakiusap sa akin ni Mira.

"Sige, sige, walang problema," tugon ko. Hindi naman iyon kalayuan sa bahay so no hassle.

Hinanap ko sa bag na dala nitong kababata ni Mira ang susi ng kanyang unit. Mabuti na lang at mabilis ko itong nahanap kaya naipasok ko kaagad siya sa kanyang kwarto.

"Um, aalis na po ako," paalam ko kahit nakapikit na ito at natutulog na. "Good night."

Akmang tatayo na ako nang pigilan niya ako.

"P-please stay..." Shit! Biglang umiyak. Nataranta naman ako kaya napaayos ako ng upo para patahanin siya. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako sa aking baiwang. "P-please stay, Roderick... d-don't leave me, please."

Hindi ko na inintindi pa ang mga pinagsasabi niya, bagkus ay nahiga na rin ako para mas lalo niya akong mayakap. She was still crying and that was the only thing I could think of to at least give her comfort.

But I wasn't expecting what she did next. Naging malikot siya at pinaghahalikan ako. She was moaning Mira's brother's name but hell, lalaki lang ako at nakainom pa, kaya hindi ko na rin napigilan ang aking sariling tugunan ang mga halik niyang iyon.

We made out that night.

Ako ang unang nagising sa aming dalawa pagsikat ng araw. And I left her naked and peacefully sleeping in her room.

That was only a one night stand, that's what I thought. Pero dumaan ang mga araw at muli kaming nagkita at nasundan na naman iyon. This time, we're not drunk. But we both agreed that it was pure sex, no feelings involved.

How to Make Love with the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon