Kabanata 28

4.9K 110 18
                                    

MABILIS kong hinalungkat ang ilang nakatambak na karton sa aking silid na naglalaman ng mga lumang gamit ko. Mabuti na lang at hindi pa ito itinatapon o ipinamimigay ni 'Nay Lourdes. Narito kasi ang bagay na makakatulong sa akin para maisakatuparan ko ang plano namin ni Andeng.

Ramdam ko ang pamumuo ng butil-butil na pawis sa aking noo sa gitna ng aking paghahanap. Medyo nahirapan ako sapagkat nailagay ko pala ang bagay na iyon sa pinakadulo at pinakailalim ng mga kagamitang hindi ko na ginagamit.

"Sa wakas, nagpakita ka rin!" hiyaw ko nang mailabas ko iyon sa kahon. Ilang segundo ko iyon pinakatitigan at sa isang iglap ay sunod-sunod na alon ng mga alaala ang bumalik sa akin.

3 Ways to Heaven

Napangiti ako nang mapait pagkabasa ko sa pamagat ng libro. It shouldn't be called that way. Mas bagay na itawag dito "3 Ways to Hell" dahil doon naman niya ako dinala sa halip na sa langit.

Binuklat ko ang libro at in-scan ang bawat pahina niyon. Hindi pala namin natapos ito. Napangisi ako. Now, it's my turn to finish what he had started four years ago.

I decided to close the book. Sa susunod na mga araw ko na lang babasahin ang bawat parte ng aklat dahil kailangan ko nang magpahinga. Bukas na kasi ang lipad namin ni Sir Roderick patungong Bicol.

Isinilid ko ang libro sa backpack na dadalhin ko bukas. Pagkakuwan ay humiga ako sa aking kama habang lumilipad ang aking isipan. Alam kong hindi magiging madali ang papasukin ko, but I have to do this, para tuluyan na akong tantanan ng mga bangungot ng aking nakaraan.

"Girl, alam mo na ang gagawin ha. Good luck," ang bulong sa akin ni Andeng nang marinig namin ang busina ni Kuya Fred sa labas. Siya ang maghahatid sa akin dahil naka-leave si Kuya Jun. Sa airport niya ako dadalhin dahil napagkasunduan namin ni Sir Roderick na doon na lang kami magkikita.

Hindi makakasama si Andeng sa paghatid sa akin dahil siya ang umaalalay kay 'Nay Lourdes na noo'y may iniindang pananakit ng kasu-kasuan. Kaya naman bago pa man ako sumakay ng sasakyan ay marami siyang hinabilin patungkol sa plano namin.

"Text mo ako ha? Update me every now and then," huling bilin nito.

"Oo na, oo na, sasakay na ako at naiinip na ang jowa mo sa loob."

"Che! Hayaan mo 'yang kuya mo. Boobs lang katapat niyan."

Napailing na lang ako saka tuluyan nang sumakay ng kotse. Pagkapasok ko ay kaagad akong sinalubong ng kunot-noong si Kuya Fred.

"Ang OA niyo ha? Para namang mangingibang-bansa ka kung makapagpaalam kayo sa isa't isa. Just so you know Krisel ha, parte pa rin ng Luzon ang pupuntahan mo."

"Naku, shut up, kuya, mag-drive ka na lang kung ayaw mong isumbong kita kay Andeng na sinabihan mo siyang OA."

"E'di magsumbong ka."

"Talaga! Para hindi ka makaiskor mamaya."

Kaagad naman niyang itinikom ang kanyang bibig at sinamaan ako ng tingin. Natawa ako. Iyon lang pala ang magpapatiklop sa barakong ito, e!

Pagkarating namin sa airport ay naroon na si Sir Roderick. Saglit silang nag-usap ni kuya bago ako binilinan ng kung ano-ano ng aking kapatid.

"Sige na, mag-ingat kayo roon ha? Krisel, don't forget to text me when you get there para masabihan ko si Nanay Lourdes," pagkasabi nun ay tiningnan niya ulit si Sir Roderick na nasa aking likuran. "Roderick, 'pag may nangyaring masama rito sa kapatid ko—"

"Walang mangyayaring masama kay Krisel. I assure you that." Isang huling tango ay pumasok na si Kuya Fred sa kanyang kotse. Kinawayan ko pa ito bago ito tuluyang umalis.

How to Make Love with the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon