NASA tolda kaming lima para magtanghalian. Abala si Felix sa pag-aasikaso sa akin kahit hindi naman na kailangan. Sinusuway ko nga ito pero 'di naman nagpapaawat. Naiilang tuloy ako lalo pa't ang walang'yang Roderick, sa halip na pagtuunan ng pansin ang ngumangawa niyang nobya, ay pinapanood kami.
Nasa ganoon kaming ayos nang biglang pumainlalang ang boses ni Gabriel na umagaw sa atensyon naming lahat.
"Sana dalawa ang puso ko, hindi na sana nalilito kung sino sa inyo. Sana dalawa ang puso ko, hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo..."
Halos sabay-sabay ang pagbaling namin ng tingin rito. Feel na feel nito ang pagkanta at natigil lamang ito nang mapansing lahat kami ay nakatingin sa kanya.
Tinanggal niya ang suot niyang earphones saka tinapunan kami ng nagtatanong na tingin.
"Bakit?"
Walang sumagot sa tanong niya kaya lalo lamang nangunot ang kanyang noo.
"You guys are weird. Makatingin kayo riyan parang may krimen akong ginawa."
"Pakihinaan na lang ang boses mo, bro. Nakakaistorbo kasi," ani Roderick.
"Wow pare, sa ganda ng boses kong ito, nakakaistorbo?"
"Whatever, sawang-sawa na ako sa boses mo."
"Well, ikaw 'yun pre, pero sila..." Isa-isa niya kaming tinuro nina Trina at Felix. "Guys, wanna hear my full beautiful singing voice? Katiting pa lang kasi 'yung naririnig niyo, just so you know."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Felix saka sabay na nagkibit-balikat. "Ayos lang sa amin, Gab," wika ko.
"See, Roderick? Interesado silang marinig ang pangmalakasan kong tinig," pagkasabi nun ay binalingan niya kami ni Felix. "So, guys, after work, I would like to invite you both at my place. May karaoke kasi ako roon and doon na rin kayo mag-dinner, if you want."
Muli kaming nagkatinginan ni Felix. Alam kong parehong bagay ang tumatakbo sa aming isipan — free dinner again. At dahil kami ang klase ng taong hinding-hindi tumatanggi sa grasya, we accepted Gabriel's invitation.
"We'll be there, too," ani Roderick.
"Akala ko ba sawa ka na sa boses ko?"
"I'm after the dinner, not your voice."
"Aysus, pakipot ka pang Tuangco ka! 'Di na lang umamin, e."
At katulad nga ng napag-usapan, pagkatapos ng trabaho sa araw na 'yun ay sama-sama kaming tumungo sa condominium ni Gab lulan ng kanyang kotse.
"Huy Roderick, hindi ka na bisita rito kaya tulungan mo akong maghanda ng hapunan."
Walang nagawa ang nagrereklamo pang si Roderick kundi ang sundin ang kanyang kaibigan. Tumulak sila pakusina kaya naiwan kaming tatlo sa living room.
"Mga pabida kasi, e," himutok ni Trina bago ito umupo sa couch. Inilabas nito ang kanyang cellphone at inabala roon ang sarili.
Inaano ba ang babaeng ito? Bigla-bigla na lang nagsasalita.
Imbes na pansinin pa ang gaga ay nag-usap na lamang kami ni Felix. Nanatili kaming nakatayo dahil ang feeling may-ari ng condong si Trina ay talagang sinolo ang sofa. She placed her pouch on the other side while occupying the other side.
"Hey Felix, why don't you sit here? May space pa naman oh," aya bigla ni Trina. Tiningnan ito saglit ni Felix bago niya ako binalingan ng tingin.
"Tara Krisel, upo tayo—"
"Oh no, Felix, ikaw lang. 'Di na kasi kakasya 'pag uupo pa siya." Inangat nito ang kanyang mga paa para maokupa ang ilang espasyo ng sofa, leaving some space that is good only for one person.
BINABASA MO ANG
How to Make Love with the Boss
RomanceShe was innocent; Naive; Pure. Until he came... And changed every thing. "It's time for you to learn some stuff." - Roderick Tuangco