"KRISEL anak, may problema ba? Pansin kong kanina ka pa walang imik."
Tila nagising ako sa pagkakaidlip nang marinig ko ang boses ni 'Nay Lourdes na may bahid ng pag-aalala. I was sitting on the couch with Ate Lisa who was in a deep sleep. Kami lamang ang bantay doon dahil parehong may inaasikaso sa kompanya ang mag-amang Figueroa.
"Uh, wala po 'nay. May iniisip lang po."
Her expression didn't change as she moved a bit and tapped the space on her hospital bed. "Halika rito, anak," malumanay ang boses niya. "Magsabi ka nga, ano'ng bumabagabag sayo, Krisel?" wala nang paligoy-ligoy pang tanong ni 'Nay Lourdes pagkaupo ko sa tabi niya.
Ilang segundong walang lumabas sa aking bibig. Pilit kong kinapa sa kadulu-duluhan ng aking dila ang tamang salitang sasabihin hanggang sa sumuko ako at inilabas na lamang ang lumang litratong aking dinala.
Banayad na sinundan ng mga mata ni 'Nay Lourdes ang litratong hawak-hawak ko. Dahan-dahan ay inabot niya iyon saka tinitigan.
"Napakaganda ko nung kabataan ko, hindi ba? Hindi papahuli kay Helen," she said wryly. A smile crept on 'Nay Lourdes' face as she slowly caress the picture. "Kinuha ang litratong ito nung araw na pinakilala sa akin ni Helen ang lalaking nagpapaligaya sa kanya."
Iniharap niya sa akin ang lumang litrato. "Tingnan mo Krisel kung gaano kabagay ang mga magulang mo sa isa't isa. Kaygagandang mga nilalang, ano? Kaya't hindi rin ako nagtaka kung bakit lumaki kang may ganyan kagandang mukha, anak."
Hindi na magkamayaw sa pagkabog ang dibdib ko nang inundayan ko ng tingin ang litratong hawak-hawak ni 'Nay Lourdes, partikular na ang lalaki sa litrato na nakatayo sa tabi ni 'Nay Helen at may magandang ngiti sa kamera.
"S-si Tatay Manolo..."
'Nay Lourdes held my hand. "Oo anak, 'yan ang 'Tay Manolo mo. Kaygandang lalaki, ano? Kaya nga 'di ko rin masisi si Helen-"
"Uh 'N-nay... si Ate Lisa na po muna ang bahala sa inyo ha. M-may kailangan pa po pala akong puntahan."
Rumehistro ang gulat at pagkalito sa mukha ni 'Nay Lourdes sa biglaang pamamaalam ko. Batid kong magpapaulan ito ng tanong kaya bago pa man ito makapagbato ng isa ay mabilis na akong tumulak palabas ng silid.
Pumara ako ng taxi pagdating sa labas ng hospital at habang lulan nito ay tila mga tambol na palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko habang palapit nang palapit kami sa kabilang bayan.
Letting out a heavy breath, I took my phone out my bag and started typing.
"Padiyan po ako, 'Tay Manolo."
My forehead creased as I deleted the last two words.
"Padiyan po ako, Mang Domeng."
Ilang segundo kong tinitigan ang bagong tinipa. I sighed as I deleted them all. Siguro'y mas maiging maging surpresa ang pagdating ko roon.
Pagbaba ko ng taxi ay abot-abot na naman ang tahip ng puso ko. Kinailangan ko pang humugot ng lakas ng loob bago tuluyang pumasok sa karinderya.
"Hala, Ma'am Krisel kayo po pala! Ba't di po kayo nagpasabing dadalaw kayo ngayon? Hindi sana'y nasabihan ko si Kuya Domeng bago siya umalis para makabalik kaagad." Naging aligaga si Deling nang makita ako nito sa loob ng kanilang kainan.
"Maupo po muna kayo rito, ma'am," pinaghila niya ako ng upuan mula sa bakanteng lamesa malapit sa pwesto niya sa kahera.
"Wala rito ang Kuya Domeng mo?" pagtatanong ko dahil naupo na rin naman ito sa tapat ko, handang makipagchikahan.
BINABASA MO ANG
How to Make Love with the Boss
RomanceShe was innocent; Naive; Pure. Until he came... And changed every thing. "It's time for you to learn some stuff." - Roderick Tuangco