Kabanata 29

4.7K 114 25
                                    

HINDI ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Basta nung sinabi niyang nagbago na rin ang isip niya at akmang pagsasarahan na ako ng pinto ay kaagad akong tumulak paloob ng kanyang silid.

Aba, hindi ako basta-bastang papayag na lang na tanggihan niya ang alok ko, ano. I swallowed my damn pride for this!

"What the heck, Krisel?!"

I rolled my eyes at him. Dumiretso ako sa kanyang kama at doon ay naupo. "Hindi ako lalabas ng kwarto mo hangga't hindi ka pumapayag," pagmamatigas ko.

Kahit nasusuya sa nakabalandara niyang katawan ay paninindigan ko ang sinabi kong iyon. I cannot just give up easily.

I saw how his eyebrow flicked while he was looking at me intently. "Okay, ikaw bahala," anito pagkakuwan at tinalikuran ako para kumuha ng damit sa dala niyang bagahe.

I heaved a sigh. I didn't expect it would be this hard. Mukhang gumaganti ang kumag sa ginawa ko sa kanya kanina. Rejection begets rejection? Ganun ba 'yun?

"Pero... diba gusto mong maglibot-libot?"

Tumigil siya sa kanyang ginagawa para tapunan ako ng tingin. "Yeah, but I realized you're right, kailangan nating magpahinga ng maaga para sa trabahong naghihintay sa atin bukas."

Pambihira naman oh! Bakit kasi sinabi ko pa iyon? Pero hindi, hindi dapat ako sumuko kaagad. Andeng's right, if I don't do it now, kailan pa? Bakit ipagpapabukas pa ang mga bagay na maaari namang gawin ngayon?

If only getting rid of Roderick and Trina is as easy as deleting unimportant files on phone, I wouldn't have had to do this. Pero hindi e, kaya kung ito lamang ang tanging paraan para mawala na sila sa buhay ko, pikit-mata ko na lamang itong gagawin.

Tumayo ako at marahang lumapit sa gawi niya. Napakunot pa ang noo ko nang makita kong pantulog ang inilabas niya mula sa kanyang bagahe. Sinusubukan talaga ako ng ulupong na 'to ha!

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?" I really tried to sound seductive here. But safety first, naglaan ako ng kaunting distansya sa pagitan namin because I really don't trust this man. Baka kung anong kahalayan pa ang magawa nito sa akin.

"Hindi na, kaya please, kung mahal mo ang sarili mo bumalik ka na sa kwarto mo."

I really didn't know what he meant by that so I continued. I came closer, totally filling the short distance between us.

"Rod..." Pinalandas ko ang aking kamay sa kanyang braso. I caressed the thin hair on it gently. Naaasiwa ako sa ginagawa ko pero hindi ako huminto.

I studied well the part of the book that discusses how the touches could lit the fire up in someone's body. So I think I'm doing it fine. At ang mga mabibigat na pagsinghap niya ang patunay doon.

"Damn." Napangisi pa ako sa mahina niyang pagmumura. Para na siyang tuod na nakatayo lang at hindi na gumagalaw. Malikot at pabalik-balik na rin ang kanyang mga mata sa kamay kong humahaplos sa kanyang braso at sa mukha kong hindi ko alam kung nakakaakit pa ba o nakakadiri nang tingnan.

"Ayaw mo pa rin?" I bit my lips as my hand travelled up to his broad shoulder then down to his massive chest. It made me cringe, though! I totally forgot he's half naked so I really was touching his bare skin.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang panaka-nakang pag-alon ng kanyang Adam's apple. He really swallowed a lot of saliva!

"W-what... are you doing to me?" Bakas ang paghihirap sa tono ng kanyang boses at halos magdiwang ang buong sistema ko roon. It really was fascinating seeing him struggling.

How to Make Love with the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon