LETTING go doesn't mean that you don't care about someone anymore. It's just realizing that the only person you really have control over is yourself.
Kung hindi ako tatantanan ni Trina dahil sa patuloy pa ring paglapit sa akin ni Roderick, then ako na mismo ang lalayo sa huli para matigil na itong panggugulo sa akin ni Trina.
I know it sounds selfish but can you blame me? All my life, all I ever wanted is to live happy and in peace. Maaaring mahal ko si Roderick pero sa piling niya ay 'di ko 'yun makakamit dahil may mga taong pilit na gagawing miserable ang buhay ko.
Kaya ganoon man kasakit, kinailangan kong gawin ang ginawa ko. Kinailangan kong saktan ang lalaking mahal ko para 'di na muli ako nito lapitan. At mas masakit pala iyon. Mas masakit 'yung ikaw mismo ang mang-iiwan at mananakit sa taong mahal mo kahit kabaliktaran nun ang nais mong gawin, mas masakit kaysa sa ikaw mismo ang iniwan at sinaktan.
Now I understand how painful it was for Roderick to hurt me and let go of me before even if he never wanted to do it. Naiintindihan ko na 'yun ngayon dahil heto ako at ginawa rin ang ginawa niya noon.
Mahirap. Some people believe holding on and hanging in there are signs of great strength. However, there are times when it takes much more strength to know when to let go and then do it.
Haaaay!
Sa bigat ng loob at matinding kalungkutan ay hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. The sky's turning orange when I finally stood up. Ramdam ko ang init sa aking pwetan sa mahaba-habang paglagi ko sa bangkito.
Tears had dried on my face and it made me look a mess. Surely I cannot face my family in this state so intead of going straight to hospital, I told the taxi driver to bring me to Felix's place.
My phone ran out of battery so I haven't informed Felix that I was coming. Kaya naman naiintindihan ko ang gulat na rumehistro sa mukha nito nang mabungaran ako sa pintuan ng kanyang unit.
"K-Krisel... what brought— Hey, are you okay?"
Kaagad niya akong niyakag sa kanyang sala at kaagad na pinaupo sa kanyang sofa. Ilang saglit niya akong tinitigan bago muling nagtanong, "Do you need something?"
"Uhm, can I borrow your phone, Felix? Namatay na 'yung cellphone ko at kailangan kong i-text si Kuya Fred. Baka kasi mag-over react naman 'yun pag 'di ako na-contact."
"Yeah, of course," dinukot niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang shorts. Pagkabigay sa akin ng telepono ay tumayo siya saka tinuro ang kanyang kusina. "I'll get you a water," anitong tinugunan ko ng isang tango.
Nang maiwan sa sala ay binuksan ko ang kanyang telepono ngunit nangangailangan iyon ng password. Husto namang sumagi sa isip ko ang minsang pagbukas ko sa kanyang laptop, ginawa niyang password ang pangalan ko roon, kaya hindi rin imposibleng baka ganoon din ang password nitong cellphone niya.
With high hopes, I tried to enter my name in all caps at natuwa naman ako nang bumukas iyon. Ngunit ang tuwa ay bigla ring napalis nang bumungad ang convo nila ni Trina sa messenger.
Wala namang laman ang chat box nila bukod sa isang litrato — litratong sobrang pamilyar sa akin.
It was a photo of me and Roderick in that same café where I left him with Trina. It was sent by the latter but I wonder how she took that picture.
At anong purpose niya sa pag-send nito kay Felix?
"Here's your water, Krisel. Anyway, what do you want for di—" hindi na nagawang tapusin ni Felix ang itatanong nang mapansin nito ang taranta kong pagpindot sa back button ng kanyang telepono.
BINABASA MO ANG
How to Make Love with the Boss
RomanceShe was innocent; Naive; Pure. Until he came... And changed every thing. "It's time for you to learn some stuff." - Roderick Tuangco