DAY-OFF ni Nay Lourdes ngayong araw kaya naman hindi na kami nag-abala pang gumising ng maaga. Dahil minsan lang sa isang buwan ang kanyang day-off ay sinusulit niya ito sa pagbawi ng pahinga. Pasado alas diez ay mahimbing pa rin ang kanyang tulog, kaya naman nag-iwan na lamang ako ng sulat na sasaglit ako kina Aling Petring. Kakauwi lang kasi ng anak nito na si Andeng na aking kababata.
"Kriseeeel!" maligayang salubong sa akin ni Andeng pagkapasok ko ng kanilang bahay. Kasing-edad ko lang ito pero tila tumanda ito ng ilang taon sa akin dahil sa paraan ng pananamit niya.
"Ang laki ng pinagbago mo," puna ko habang sinisipat ang kanyang suot na spaghetti strap at napakaikling shorts na halos iluwa na ang kanyang kaluluwa.
"Of course naman yes 'coz why not? Ganito ang awrahan sa siyudad girl, masanay ka na."
Nagbago man ang kanyang hitsura at pananamit ay ganoon pa rin naman ang kanyang ugali. Marami kaming napagkwentuhan. Halos idetalye niya ang kanyang naging buhay mula nang umalis siya para mag-aral sa Maynila.
"Ikaw Kriselda, may nobyo ka na?" Hindi ko napigilan ang pamumula ng mukha ko nang itanong niya ang bagay na iyan. Halos mabingi tuloy ako nang tumili ang lokang si Andeng at talagang niyugyog ako.
"Meron, ano? Oh my gosh girl, sinong maswerteng lalaki iyan? Pogi ba? Ha?"
"Ahhh—"
"Tae Kriselda! Malandi ka rin pala!" Loka-loka talaga, wala pa nga akong sinasabi. "Sino nga?" parang ginigiyok na untag nito.
"Si Sir Rod," pag-aamin ko.
"Sir Rod who?"
"'Yung lalaking anak ng mga Tuangco."
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Andeng at pagkaraa'y bumunghalit ito sa tawa. "Grabehan Krisel, taas mo rin palang mangarap!"
"Seryoso nga," iritado kong daing.
"Hay naku Krisel, bukod sa sosyalin 'yun, halos kuya mo na 'yun ano."
"Bahala ka nga diyan kung ayaw mong maniwala." Tinawanan niya lang ako, talagang hindi naniniwalang si Sir Rod nga ang nobyo ko.
Nagkwento na lamang siya ng kanyang buhay pag-ibig. Halos ipainggit niya sa akin ang nobyo niyang taga-Maynila at ang mga bagay na ginagawa nilang dalawa.
"Sikreto lang natin ito Krisel ha..."
"Ano?"
"Di na ako virgin," kinikilig na bulong nito.
"Anong virgin?"
"Ay boplaks ka talaga! 'Yung ano 'yun, kapag hindi ka pa natitira ng lalaki."
"Ha? Bakit ka titirahin? May nagawa ka bang kasalanan?"
"Ay putakte! Basta ikwento ko na lang sayo. Ganito kasi 'yun. Itong jowa ko na si Jerome, susmiyo makalaglag pasador ang kagwapuhan! Marami ngang naiinggit sa akin kasi sa akin patay na patay ang poging iyon. Kaya naman nung nag-aya itong si Jerome na titirahin niya raw ako nung monthsary namin, pumayag ako. Palay na ang lumalapit sa manok, tatanggihan ko pa ba?"
Wala akong naintindihan sa kwento niya. Bakit titirahin siya ni Jerome? Ang gulo nitong si Andeng.
"Good kisser din ang walanghiya, tangina! Galing sumupsop!" Natawa ako roon. Naalala ko kasi si Sir Rod, magaling din 'yun.
"Tapos alam mo Krisel, nung nililigawan niya pa lang ako, sobrang napaka-effort niya. Palagi niya akong dinadalhan ng bulaklak tapos kinantahan niya pa ako one time ng paborito kong kanta kahit na sintunado ang loko. Basta sobrang sweet niya kaya ayun, sinagot ko agad." Mariin itong humagikgik. "Ikaw ba Krisel, sa ganda mong iyan, imposibleng wala pa sayong nanligaw."
BINABASA MO ANG
How to Make Love with the Boss
RomanceShe was innocent; Naive; Pure. Until he came... And changed every thing. "It's time for you to learn some stuff." - Roderick Tuangco