Part 1 (unedited)

3.4K 66 4
                                    

LEX ZIPPED up his leather suit and inspected the harnesses connected to his parachute needed for his agenda for the day. Paragliding. His six-men crew were all busy securing everything from his harnesses to the amount of air he needed to lift off from the ground.

"Nakahanda na ang parachute, Sir Lex."

"Good. Nai-radyo na rin ba ninyo ang ibang crew na nasa landing field?"

"Yes, Sir. Na-secure na nila ang area."

Mula sa kinanaroonan nilang clearing sa mataas na bahagi ng bundok na iyon sa Antipolo ay matatanaw ang kabuuan ng Metro Manila pati na ang buong probinsya ng Rizal. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

"Nice day to fly, isn't it?" he asked no one in particular.

He always wanted to fly. At kung sakaling naging matiyaga lang siya sa pag-aaral ay baka naging piloto na siya at hindi CEO ng multi-national company ng kanilang pamilya. Masyado kasi siyang aktibo. Nangangati ang mga paa niya kapag hindi siya nakikipagpatentero kay Kamatayan, at least once a week.

Today was an exception, though. Dahil bigla na lang siyang inatake ng pagkabagot sa kanyang opisina. So he called in his special advance crew, upang ihanda ang mga kailangan niya for paragliding. Ang mga ito ang nag-aasikaso sa lahat ng kailangan niya sa bawat extreme sport na natitipuhan niyang gawin. And right now he was into paragliding.

"Sir, mag-iingat kayo. Unpredictable pa ang hangin ngayon dahil katatapos lang ng bagyo."

"Mas manganganib ang buhay ko dahil sa boredom. Adrenaline rush is the name of my every game." He put on his sunglasses. Naramdaman na kasi niya ang pagganda ng ihip ng hangin. "I-alerto mo na ang lahat."

"Yes, Sir."

He strapped in his wrist his trusted vario, an instrument which indicate his climb rate by a beeping sound. Ito ang nagsasabi sa kanya kung gaano na siya kataas o kung saan niya dapat ikiling ang kontrol niya sa parachute kung saan naroon ang sentro ng hangin na magpapanatili sa kanya sa ere.

"Señorito," tawag ng personal assistant niyang si Therese. Hawak nito ang kanyang cellphone. "May phone call kayo mula sa inyong Mama."

Kinuha naman niya iyon dito. "Hello, Ma."

"Nasaan ka na naman bang bata? Binisita kita ngayon sa office mo pero ang sabi ng mga tauhan mo rito ay kanina ka pa raw umalis. Tinakasan mo naman ang trabaho mo rito."

"I just needed some time off. Babalik din naman ako mayamaya." He brushed his hair off his face, blown by the wind. "And anyway, breaktime na naman. Promise I'll be back as soon as I can. Hintayin na lang ninyo ako riyan kung gusto ninyo."

"What's that sound I'm hearing—Alexiel Abrevega, nasaang airfield ka na naman ngayon, ha?"

Sa lahat ng taong nakilala niya, ang kanyang ina lang talaga ang nakakapagsabi ng buo niyang pangalan ng hindi nabubulol. Nanay nga talaga niya ito.

"Actually, wala ako sa kahit na anong airfield kaya huwag na kayo mag-aksaya pa ng panahong ipahanap ako. Huwag na rin ninyong alamin kung nasaan ako, Ma, at baka himatayin lang kayo."

Narinig niya itong napabuntunghininga na lang sa kabilang linya. "Alexiel, kailan mo ba talaga titigilan iyang pagiging sport extremist mo? You're going to die in no time sa hobby mong iyan."

"I'm not going to die this way so don't worry. Besides, I'm making more money than I should at my age. Itong sport ko na lang na ito ang paraan ko para malibang kaya hayaan na lang ninyo ako."

"Bakit hindi na lang swimming o boxing ang gawin mong hobby? Pareho rin naman iyong sport, a. Why did it have to be something that involves you risking your own live?"

"Because I like the thrill of the game. At dito ako nakakakuha ng mga ideya para sa ikalalago pa ng kumpanya natin."

Narinig niyang napabuntunghininga na lang ito sa kabilang linya. "You know, mas matatanggap ko pa yata kung pambababae na lang ang magiging hobby mo imbes na iyang extreme sport na iyan. Pag ako naasar, kukupitin ko na iyang isa sa mga singsing mo at ibibigay sa unang babaeng makikita ko ngayong araw."

Natawa na lang siya. "Kung makukuha mo iyon sa akin, Ma." Another gust of wind blew past him. "I have to go, Ma. I'll see you later, okay? 'Bye. 'Love you."

Pinatay na niya ang cellphone bago pa makapagsalita ang kanyang ina para sa panibagong bout ng sermon. Sayang ang magandang pagkakataon na makalipad siya ngayon kung pakikinggan pa niya ito. Kabisado na naman niya iyon since paulit-ulit na nilang naging iyon. Ibinalik na niya sa assistant ang cellphone.

"No more calls from anyone."

"Yes, Sir."

"Let's go!" sigaw niya sa kanyang mga crew.

Another gust of wind and he was carried away in the sky. 

Aahh, this is life. 

Napakagaan ng pakiramdam niya habang nasa ere. He felt like there was nothing in the world that he couldn't do when he watched the ground from where he was right now. He looked up in front of him. May bago siyang record sa sarili na ibi-beat nang araw na iyon. A cross-country paragliding. Ang destination land site niya ay sa Subic Airfield. Naghihintay na roon ang private chopper niya upang makabalik siya agad sa Maynila pagkatapos.

He was an experienced sport extremist and paragliding was just one of his favorite sports that he had mastered in his younger years. Nakakapag-cross country glide na siya noon ngunit ang Subic ang magiging pinakamalayo niyang destinasyon kung sakali.

Narinig niya ang papabilis na tunog ng vario-altimeter niya. He was losing needed wind for his parachute. So he begins to fly in a circle, trying to center the circle on the strongest part of the rising air. But the sudden impact of the unpredictable air threw him off course, making him struggle to keep control of the parachute. Ngunit sa ginawa niya ay sumabit naman ang vario sa harness niya at natanggal iyon sa braso niya.

"Oh-uh."

Now he was at the mercy of mother nature. Mabilis siyang naghanap ng ligtas na lugar kung saan siya puwedeng mag-emergency land at hintayin ang kanyang crew upang sunduin siya. Ngunit nahihirapan siya. Bukod kasi sa nahihirapan na siyang i-maneuver ang control ng parachute sa lakas ng hangin ay puro pa bubong ng mga bahay ang nakikita niya. And then all of a sudden, the gust of wind seemed to stop blowing. Wala na siyang nagawa kundi ang ihanda na lang ang sarili sa napipinto niyang pagbagsak.

At manalangin na sana ay hindi pa iyon ang katapusan niya. Mukhang pinakinggan naman siya ng langit dahil umihip na naman ang hangin. Ang problema, wala na siyang oras para maigiya pa ang parachute sa ere. He was now flying on a dangerously low level, Low enough to uncontrollably crash himself at the woman ahead of him.

"Watch out!"

LOS CABALLEROS #2:  Simply Meant To Be (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon