MAG-IISANG ORAS ng papalit-palit ng wallpaper sa kanyang desktop computer si Maige. Dapat ay kanina pa siya nag-uumpisang magpitada sa keyboard ng computer niya at gumagawa ng bagong nobela. Ngunit hanggang ngayon nga ay blangko pa rin ang isip niya.
Dahil may isang bagay na tanging umookupa roon. O mas tamang sabihin na isang tao. Isang lalaki.
"Hindi ko kasalanan kung mabaldado man siya." nangalumbaba siya sa table computer habang ang isang kamay ay hindi mapakali sa pagki-click ng mga wallpapers gamit ang mouse. "Aba, mabuti nga siya at dinala pa ni Tatay sa ospital. Ako, sariling sikap lang kaya hindi pa ako bingi ngayon dahil sa tubig na pumasok sa mga tenga ko."
Dinala nga ng kanyang ama ang lalaking nabigong maging si Superman sa ospital nang mamilipit ito sa sakit kanina. Batid niyang hindi naman ito nasaktan sa ginawa niyang pagsugod dito. Babae siya. Masyado siyang mahina para makapanakit ng isang gaya nitong nasa kundisyon ang pangangatawan.
"For sure, napilayan lang iyon dahil sa katangahan niya. Sino ba naman kasing matinong tao ang mangangarap lumipad? Kung sana ay sumakay na lang siya ng eroplano, e di hindi na siya naperwisyo at hindi na rin ako naperwisyo." Kinalog niya ng palad ang ulo upang alamin kung may natitira pang tubig sa kanyang tenga. Wala na. "Pero masakit pa rin ang ilong ko sa mga nasinghot kong tubig."
Nang manakit na ang hintuturo niya sa kakapindot sa mouse ay ipinasya niyang maghalungkat na lang ng damit na isusuot para sa gagawing pag-a-apply niya ng trabaho. Nang makuntento sa puting blouse at itim na slacks ay lumabas na siya ng kanyang silid upang labhan ang mga iyon. Naabutan niyang nagbabasa ng pocketbook na gawa niya ang ina niya sa kusina.
"Anak, ang galing ng bidang babae mo rito, ha?" tatawa-tawa pang wika nito nang hindi inaalis ang mga mata sa binabasa. "Nang sabihan siya ng I love you nung bidang lalaki, sapak ang isinagot niya. Hindi pa ako nakakakita ng babaeng ganito ka-tapang. Nakakatuwa. Ilang beses ba niyang inupakan ang lalaki dito, ha, Maige?"
Hindi niya alam kung matatawa o mapapailing na lang dito. Kung ang ibang readers kasi niya ay bed scenes ang hinahanap, ang nanay niyang ito, kalmutan ang laging inaabangan. In either way, she still loves the fact that her mom was reading all her books. At kahit hindi naman kailangan ay puro papuri ang ibinibigay nito sa kanya. She may already have a lot of followers. Pero ang papuri lang ng nanay niya ang talagang nakakapagpasaya sa kanya nang husto.
Inilapag muna niya sa ibabaw ng mesa ang mga labahan saka kinuha ang lata ng cookies sa ibabaw ng ref at yakult saka pumuwesto sa tabi ng ina.
"Nakauwi na ba si Tatay, 'Nay?"
"Hindi pa," anito. "Bakit?"
"Wala naman." Kinagat niya ang isang cookie nang lingunin ito. Her mom was still busy reading her novel. "Bakit hindi pa siya bumabalik? Kanina pa siya umalis, ah. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya."
"Mukha naman siyang malakas. Kaya huwag ka ng mag-alala."
"Malakas naman talaga si Tatay—"
"Hindi siya ang tinutukoy ko." Inalis na nito ang mga mata sa binabasa at bumaling sa kanya. "Hindi pa rin ako sang-ayon na iiwan mo ang pagsusulat."
"Wala naman talaga akong balak na iwan ang pagiging writer ko. Gusto ko lang pagbigyan si Tatay. Pa-birthday ko na iyon sa kanya."
"Sigurado ka?"
"Writing ang first love ko, 'Nay. Imposibleng hindi ko balikan iyon."
"Iyan na nga rin ang ikinakikilabot ko. Bakit pagsusulat ang first love mo? Dapat ay lalaki, anak. 'Yung macho, guwapo, at mayaman. Gaya nung lalaking muntik mo ng mapatay kanina."
BINABASA MO ANG
LOS CABALLEROS #2: Simply Meant To Be (Completed)
RomanceIbinigay na ni Maige ang ang kuwintas kay Lex kung saan singsing ang ginawa nitong pendant. Bahagya pang kumunot ang noo nito nang makita iyon sa kanya. "Paanong napunta sa iyo ito?" "Nakita ko sa palanggana kahapon. Nahulog yata sa iyo sa iyo m...