Part 8

1.4K 59 3
                                    

"MAGKAKAKULITI KA niyan sa ginagawa mong paninilip."

Lumayo si Maige sa bintana at umayos ng upo nang marinig ang boses ng ina. Her mother was sitting on the couch while reading her novel. Ngunit batid niyang malawak ang itinatakbo ng mga mata nito kahit nakatutok ang pansin sa binabasa nito. Nasa labas ang kanyang ama at kausap si Lex matapos siya nitong ihatid sa kanila.

"'Nay, ano kaya ang pinag-uusapan nila sa labas? Bakit ang tagal nila?"

"Pinag-uusapang siguro nila kung paano maaayos ang mundo. Matagal nga namang session iyon." Nilingon siya nito. "Bakit wala kang sinasabi na kay Lex ka pala nagtatrabaho? Kung hindi ka pa niya inihatid dito, hindi pa namin malalaman iyon."

"E, di ba sinabi ko naman sa inyo na sa MidGar ako nagtatrabaho?"

"Oo nga. Pero bakit hindi mo isiningit na si Lex ang amo mo? E di sana matagal na akong nakapagpapiyesta rito sa atin." Napakunot ang noo nito nang tila may mapansin sa kanya. "Kanino ang singsing na iyan? Hindi ba't allergic ka sa mga alahas? Bakit suot mo iyan?"

Tiningnan niya ang daliri. "Kay Lex ito, 'Nay. Nakita ko noong araw na naaksidente siya rito—"

"Margarita Villena! Kailan ka pa natutong kumuha ng gamit ng ibang tao? Hindi kita pinalaki para maging sakim sa kayamanan at kainggitan ang pag-aari ng iba—"

"'Nay, ang OA nyo naman. Sinubukan ko lang itong isuot tapos ayaw ng matanggal. Kahit si Lex ay ginawa na ang lahat para maalis ito sa daliri ko puwera na lang ang ipaputol ang palasingsingan ko. Hindi ko kailangang manguha ng gamit ng iba dahil kaya ko namang bumili ng ganito kung gugustuhin ko."

"Ah." Umayos na rin ito ng upo. "Kung ganon bakit kayo magkasama? May...something-something ba sa inyo?"

"Something-something?"

"Relasyon."

"'Nay, saan nyo ba pinagpupulot ang ideyang iyan?"

"Saan pa e di sa mga gawa mo." Tinapik pa nito ang pocketbook na hawak. "Hindi mo ba alam na ito ang paraan ko para malaman ko ang mga sekreto mo? Alam ko kasi na sa pagsusulat mo inilalabas ang mga bagay na hindi mo kayang ipaalam sa mga tao sa paligid mo. Kaya binabasa ko ang mga gawa mo."

"Hindi ko pa naman naisusulat ang tungkol sa amin ni Lex, ah—" itinakip niya sa bibig ang mga kamay. But it was too late. Huling-huli na siya ng kanyang ina.

Kaya napilitan na rin siyang magsalita. Hindi naman kasi siya nito titigilan hanggat hindi siya umaamin. Isa pa, baka sabihin pa nito ang tungkol doon sa kanyang ama. Mas lalong malalagay siya sa alanganin. At least sa nanay niya, medyo safe pa siya kung makikipagkasundo lang siya rito na hindi ipagsasabi ang mga malalaman nito.

"Hmmm," anito matapos siyang magtapat. "Baka kung saan mapunta iyang agreement ninyo ni Lex. Nakalimutan mo na bang sa ganyang mga kasunduan din kung bakit nag-exist sina Kim Sam Soon at Jessie Han?"

Ang mga paboritong koreanovela sa telebisyon ang tinutukoy nito. "'Nay, hindi naman ako Koreana."

"Gusto mo siya, 'no? Hindi ka naman kasi papayag sa ganong set up kung hindi mo type ang isang tao. Lalo na at lalaki pa kahit gaano pa siya kaguwapo. Unless talagang espesyal siya sa iyo."

Napakagat-labi na lang siya. "Halata na ba talaga, 'Nay?"

"Hindi naman masyado." But her mother gave her the most understanding smile a mother could ever gave to her precious daughter. "Masaya ako at sa wakas ay natuto ka na ring magmahal, Maige. At mas lalo akong masaya dahil boto pa ako sa lalaking nagustuhan mo. Nahalikan ka na ba niya?"

"'Nay!"

"Namumula ka. Nahalikan ka na nga! Magpapapiyesta na kami ng tatay mo!"

Napailing na lang siya. "Siguro magkakasundo kayo ng nanay ni Lex kapag nagkita kayo."

LOS CABALLEROS #2:  Simply Meant To Be (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon