MAIGE WAS now walking again on the glass floor of the oceanarium. The place was still as amazing as the last time she had seen it. Pero may konting pagbabago na. Not on the part of the place but on her part. Hindi na kasing exciting ng nararamdaman niya noon ang nararamdaman niyan ngayon. At madali lang namang hulaan kung ano ang dahilan. Or, rather, sino.
Naglakad siya sa kahabaan ng hallway at bumalik sa dating lugar kung saan sila tumayo noon ni Lex. At nakapagtatakang naroon pa ang marka ng kamay niya. pati na rin ang marka ng kamay ng binata. It was like someone was preserving it. Inilapat niya ang kamay sa parte kung saan naroon ang marka ng kamay ni Lex. And she almost cried. Nami-miss na talaga niya ito. At kaya siya nagpa-ikot-ikot sa buong Maynila sa kakahanap ng mga sports na lalaruin ay dahil na rin dito. At the back of her mind, she was hoping she could catch him on one of those venues. Gustong-gusto na niya itong makita. Kahit na hindi na siya nito kausapin, basta makita lang niya ito ay sapat na sa kanya.
Isang sulyap lang. That's all she'll asked.
Nakita niyang may bumaba sa loob ng aquarium. He was wearing a wetsuit, google and oxygen mask. Parang si Lex nang huli silang magtungo rito. Pero hindi ito si Lex. He was probably one of the helpers who would feed the fish. Kaya nga nagulat talaga siya nang lumapit ito sa kanya at inilapat din nito ang kamay nito sa tapat ng kamay niya. Bigla siyang kinabahah. Could it be...
"Hey, girlfriend."
Napatingala siya. Nanggagaling kasi mula sa speaker ng buong oceanarium ang boses na iyon ng binata. Sigurado rin siyang kay Lex boses iyon!
"Bakit ang tagal mo?" patuloy nito. "Nagkakulaba na ako sa paghihintay sa iyo rito, ah. Saan ka ba nagsususuot? Pero, sige, pinapatawad na kita. Ang mahalaga dumating ka. I've been waiting for you for I don't know when. Ang totoo, nagbakasakali lang akong bumalik ka rito."
"Nasaan ka?"
"By the way, this is just a recording. Nag-request ako kay Ben na kung sakaling makita ka niyang dumating dito nang wala ako, iparinig niya sa iyo ito."
What? A recording?
"Maige, listen. I know I've been such a jerk. And I'm sorry. Alam ng mundo na ni minsan ay hindi ko inisip na saktan ka. Pero tao lang ako na nagkakamali rin. Kaya pagpasensiyahan mo na sana ang lahat ng kagaguhang pinaggagagawa ko. Minsan kasi talaga, hindi ko maiwasang magkamali. Kapag nariyan ka kasi sa tabi ko, wala akong ibang gustong gawin kundi ang magpa-impress. Oo, lahat ng mga extreme sports kung saan isinama kita, I only did those just to make you like me. Hindi kasi naging maganda ang unang impression mo sa akin. and I want to make it up to you."
He was trying to impress her?
"That day when we met, I realized now that it was meant to be. Ang biglaan kong boredom sa opisina, ang pagkawala ng vario-altimeter ko, ang pagbabago ng ihip ng hangin hanggang sa pagbagsak ko sa iyo. It seemed like it was perfectly choreographed by some fate. And I'm glad that it did. Dahil mula nang magkakilala tayo, nag-iba na ang takbo ng buhay ko. Hindi na lang ako puro trabaho at laro. Nagkaroon na rin ako ng purpose sa buhay. And that purpose is to have you in my life."
Oh, my God! He's confessing his feelings!
"When I saw that ring on your finger, I knew everything would change from then on. And it did. Kaya ginawa ko ang lahat para hindi ka agad mawala sa tabi ko. That agreement was just one of my alibis. And then that spy. And that event in Antipolo and Batangas. And so on and so forth. I would have kept going if you haven't got sick from trying to bungee jumped because of me. nang makita ko ang takot sa mga mata mo, pati na rin ang iyong mga luha, gusto ko ng suntukin nun ang sarili ko. Wala akong karapatang saktan ka. Kaya hinayaan na lang kitang lumayo sa akin."
BINABASA MO ANG
LOS CABALLEROS #2: Simply Meant To Be (Completed)
RomanceIbinigay na ni Maige ang ang kuwintas kay Lex kung saan singsing ang ginawa nitong pendant. Bahagya pang kumunot ang noo nito nang makita iyon sa kanya. "Paanong napunta sa iyo ito?" "Nakita ko sa palanggana kahapon. Nahulog yata sa iyo sa iyo m...