PINANOOD NI Maige ang mga kaganapan sa drag racing circuit. Mukhang legal naman ang drag race na iyon base na rin sa mga taong naroon at mga safety precautions sa buong lugar.
Wala pang ilang minuto nang makarating sila roon ni Lex. His chopper was parked somewhere over the clearing just a few meters away from the bustling racing circuit. Nagbibihis na ng damit ang binata sa trailer nito na ayon dito ay nauuna lagi sa mga pupuntahan niyang lugar upang asikasuhin ang mga kakailanganin nito pagdating doon.
Lex knew how to mix business and pleasure. With style.
Tatlong lalaki ang naka-leather suit lahat ang nakangiting lumapit sa kanya.
"Nariyan na ba si Lex, Miss?"
Bago pa siya nakasagot ay bumukas na ang pinto ng trailer van at lumabas ang ngayon ay naka-leather suit na ring binata. She couldn't help but admire this goodlooking man. Wala na yatang physical flaw ang isang ito. he was just so good to look at, whether in his crisp tailored suit or in leather overall.
"Duke, mabuti naman at gising ka ngayon," bati nito sa isa sa mga lalaki.
"May nakita kasi akong magandang babae."
Tumabi sa kanya si Lex. "Maige's not available anymore."
Nakangiti siyang binalingan ni Duke. "Well, she's quite pretty. But I'm not taking about her."
"'Yung magandang baby-sitter niya sa opisina ng lola niya ang tinutukoy niya," wika ng lalaking nakasalamin na katabi nito. "Her name's Yuna Montenegro. Sekretarya ng lola niya."
"How did you know that? You haven't even met her yet."
"Nagtaka ka pa kay Hero," singit naman ng lalaking mahahalata ang kakaibang diction sa pagsasalita. "Ganyan naman iyan. Alam ang bagay ng lahat."
"Ang lahat ng bagay," pagtatama ni Hero. Inayos nito ang suot na salaming pangmata saka siya binalingan. "You're the first woman who came here with Lex."
"I'm—"
"Guys," singit ni Lex sa kanyang tabi. "This is my girlfriend. Maige Villena. Maige, these are my friends. Duke, Hero and Reiji. Pagpasensiyahan mo na si Reiji kung hindi mo minsan maintindihan ang mga sinasabi niya. Nananaginip kasi iyang isang purong Pinoy."
"Pinoy ako," giit nito. "Sa isip, sa puso at sa ngawa."
Mukhang sanay na ang mga ito sa mga kakaibang salita nito dahil hindi na nag-react ang mga ito. Ngunit siya ay hindi mapigilang mapangiti. Reiji looked cute even with that Japanese accent of his.
"You gave her your ring," wika uli ni Hero na kapansin-pansin ang pagiging seryoso. "I guess this is for real. Hmmm, I have to take note of this."
Tinalikuran na sila nito pagkatapos na napakalalim ng iniisip.
"And please excuse him," wika uli ni Lex. "Magkakasakit kasi iyon kapag walang bagong impormasyong nakuha."
"Magsisimula na ang race. Let's go."
"Panonoorin ko na lang siguro kayo. Tinamad na ako." Naghikab si Duke saka bumaling sa kanya. "May magandang puwesto roon, Maige. Doon na lang natin sila panoorin."
"Hey, walang puwedeng tumabi sa girlfriend ko kundi ako."
Although natutuwa siya sa extra attention na ibinibigay nito sa kanya, hindi rin naman niya iyon masyadong iniintindi. Batid kasi niyang bahagi lang iyon ng kadramahan nito. Kunsabagay, baka nga naman may magsumbong sa mga kaibigan nito sa ina ni Lex. Mabuti na nga naman ang sigurado.
"Hindi na kayo sasali sa race?" tanong ni Hero na bigla na lang sumulpot sa likuran nila. May dala itong isang clear pitcher na may lamang pulang-pulang likido. "So, who wants to drink first?"
BINABASA MO ANG
LOS CABALLEROS #2: Simply Meant To Be (Completed)
RomanceIbinigay na ni Maige ang ang kuwintas kay Lex kung saan singsing ang ginawa nitong pendant. Bahagya pang kumunot ang noo nito nang makita iyon sa kanya. "Paanong napunta sa iyo ito?" "Nakita ko sa palanggana kahapon. Nahulog yata sa iyo sa iyo m...