"THIS PLACE is amazing!"
From floor to ceiling, gawa sa salamin ang lahat kaya kitang-kita ang bawat bahagi ng napakalaking aquarium na iyon. Lumapit pa nga siya sa salamin upang mas lalong makita ang mga isda na iba't iba ang hugis, uri at laki. At ang buong lugar ay kulay asul na nagre-reflect pa ang ilaw na nasa ibabaw marahil ng tubig.
"Lex, ang ganda!"
"I thought so too. Nahilig kasi ako noon sa deep-sea scuba diving Australia. Doon ko nakilala si Maverick. Isa siyang marine biologist at nabanggit niya sa akin minsan na gusto nga raw niyang mag-put up ng ganitong place sa Pilipinas para makita raw ng lahat ang ganda ng dagat. So, we came up with this idea."
He stood beside her and watched the beautiful sight in front of them.
"Dito ako madalas nagpupunta noon sa tuwing masyado akong na-e-excite sa isang bagay," patuloy nito. "To cool down my adrenaline rush. Sa tuwing nakikita ko kasi ang mga lugar na ito, pakiramdam ko ay kumakalma nang husto ang isip ko. My deep-sea scuba diving stint was the only sport I had that didn't require any speed or strenght. Siguro dahil doon lang natahimik ang sistema ko nang hindi ako nagrereklamo."
"I can't blame you. Sa bahay namin, meron akong isang maliit na aquarium sa kuwarto ko. Kapag napapagod na ako sa pagsusulat, titingnan ko lang iyon at mare-relax na uli ako. Kaya lang minsan, nasosobrahan ang pagre-relax ko at nagugulat na lang ako na nakatulog na pala ako."
Inilapat niya sa salaming dingding ang kanyang palad, as if she could touched the sting ray that hovered nearby. Lex did the same. Nilingon niya ito upang magtanong sana subalit nakamasid lang din ito sa mga kaganapan sa loob ng malaking aquarium. Ang magkalapit na lang nilang mga kamay ang binalingan niya. They were both wearing the rings, and it looked good together on their hands. Tila ba dinisenyo talaga para sa kanila ang mga singsing na iyon.
Mamasamain kaya nito kung sakaling hawakan niya ang kamay nito? Batid niyang hindi normal na igawi ng isang babae ang kanyang gagawin. But what the heck? There's no harm in taking some chances, right? Ngunit bago pa man niya maisakatuparan ang masamang balak ay humarap na sa kanya ang binata. And in doing so, his hand brushed against hers. At hindi na nito inalis ang pagkakalapat ng kamay nito sa kamay niya.
"Gusto mong magpakain ng mga isda?"
"Why the hell not?"
Hanggat hawak nito ang kamay niya, wala siyang uurungang kahit anong hamon. Extra challenge ba ito? Tinawanan na lang niya ang sariling biro.
Mukhang alam na alam nga talaga nito ang pasikot-sikot sa lugar na iyon dahil ilang sandali lang ay nasa pinaka-ibabaw na sila ng tubig ng malaking aquarium. From that angle, mukha lang iyong isang malaking swimming pool.
"Sir Lex!" Isang lalaki naka-wet suit ang naabutan nila roon. "Ginabi yata kayo nang husto."
"Galing pa kasi kami ng Batangas. Kumusta? Siyanga pala, si Maige."
"Girlfriend nyo, Sir? Aba, magaling talaga kayong pumili."
"Siyempre, ako pa."
Ngumiti lang siya. Hanggat hindi sinasabi ni Lex na tapos na ang kasunduan nila ay hahayaan niya ang sariling mangarap. When it's over, she'll deal with it.
"Nakahanda na ho ang mga kakailanganin ninyong gear sa locker room, Sir. Sige ho, maiwan ko na kayo rito. Iinspeksyunin ko pa ang ibang bahagi ng oceanarium."
"Siya ba ang caretaker dito?" tanong niya pag-alis nito. "He looks kinda young."
"Apprentice ni Maverick iyon. Isa rin kasing aspiring marine biologist si Ben. Magpapalit lang ako ng wetsuit."
BINABASA MO ANG
LOS CABALLEROS #2: Simply Meant To Be (Completed)
RomanceIbinigay na ni Maige ang ang kuwintas kay Lex kung saan singsing ang ginawa nitong pendant. Bahagya pang kumunot ang noo nito nang makita iyon sa kanya. "Paanong napunta sa iyo ito?" "Nakita ko sa palanggana kahapon. Nahulog yata sa iyo sa iyo m...