"IF I survive this, I promise I won't compete with a dog again." Hilong-hilo at hinang-hina ang pakiramdam ni Maige nang ihatid siya ni Lex sa isa sa mga cottages. "Lagi ko kasi akong nakikipaghilahan ng damit na dinadamba ng aso ng kapitbahay namin sa sampayan namin."
"Gusto mo ba ng tubig, Maige?"
"Ano naman ang gagawin ko dun?" Nahiga siya sa kama at doon lang niya naramdaman ang sobrang panghihina ng kanyang katawan. "Parang bading pala ang bungee jumping, ano? Pareho silang nanghihigop ng lakas."
"Hindi na dapat kita pinilit na tumalon."
"Okay lang iyon, Lex. At least alam ko na ngayon ang pakiramdam na parang lumilipad. Parang hanggang ngayon nga ay parang hindi pa lumalapat ang mga paa ko sa lupa. But I'm really tired." She curled herself in the bed and slowly closed her eyes. "Matutulog muna ako, ha? Gisingin mo na lang ako kapag aalis na tayo."
Nakita pa niya nang maupo ito sa gilid ng kama at hinaplos ang kanyang buhok. "Sige, magpahinga ka na lang muna."
"Bumalik ka na roon sa labas. Di ba gusto mo pang makipagpatintero kay St. Death?"
"Hmm, sandali pa lang kayong nagdidikit ni Ysabella, may natutunan ka na sa kanya."
"How do you know her?"
"Through my friend Zultan. Lagi kasi silang nagpapagalingan na dalawa kaya kung nasaan ang isa, asahan mong naroon din ang isa." He brushed her hair off her face. "Maybe I'll just stay here for a while. Babantayan kita."
"Hindi. Doon ka na lang sa labas." Hindi na talaga niya maimulat ng maayos ang kanyang mga mata. "Makita mo pa akong humilik dito, eh. Sige na."
"Sigurado ka?"
"Oo." She finally gave in to sleep. "Oy, huwag ka masyadong maging mabait sa mga babae doon, ha? Babanatan kita."
Hindi na niya alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Basta naramdaman na lang niya, habang naglalakbay ang diwa niya sa mundo ng mga panaginip, ay may masuyong humahaplos sa kanyang pisngi na mas nakapagpagaan ng pakiramdam niya. And because of that gentle touch, she had the most wonderful dream she ever had in her entire life. Ikinakasal daw siya sa isang magandang simbahan, kulay asul ang lahat, may magandang singsing sa kanyang daliri at mukhang isda ang mga tao.
Ha? Mukhang isda? But everything turned out to be okay. And her groom was none other than the most gorgeous fish in the whole wide world. Dahil kamukhang-kamukha nito si Lex.
******************************************
NAGISING SI Maige na hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Her head was throbbing and her body felt heavy. Ang init din ng pakiramdam ng talampakan niya subalit nilalamig naman siya. When she turned to get up, nakita niyang nakaupo si Lex sa silya na malapit sa kama at nagbabasa ng magazine. Napansin naman agad nito na gising na siya kaya agad itong lumapit sa kanya.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito. Sinalat din nito ang kanyang noo. "Mabuti naman at bumaba na ang lagnat mo."
"Lagnat? May lagnat ako?" Sinapo niya ang kumikirot na sintido. "Kaya pala medyo masakit ang ulo ko."
"Naabutan kitang nagdidiliryo dito kanina pagbalik ko dahil sa taas ng lagnat mo. Mabuti na lang at may mga kasama kami sa event na ito na magagaling na doktor. According to the doctor who consulted you, dala daw ng sobrang stress ang nangyari sa iyo. I guess ang ibig niyang sabihin ay 'yung nangyari sa bungee jump mo kanina. Natakot ka nang husto at naapektuhan ang body system mo. Dadalhin na nga sana kita sa Maynila kung hindi lang ako pinigilan ng doktor. Ang sabi niya, pahinga lang daw ang kailangan mo at kung ipipilit kong madala ka pa sa Manila ay baka mas lumala lang ang lagay mo." Napabuntunghininga na lang ito. "I'm sorry about it, Maige. Dapat ay pinigilan na kitang tumalon kanina nang makita ko ang takot sa iyo. Kung alam ko lang na mangyayari ito..."
BINABASA MO ANG
LOS CABALLEROS #2: Simply Meant To Be (Completed)
RomanceIbinigay na ni Maige ang ang kuwintas kay Lex kung saan singsing ang ginawa nitong pendant. Bahagya pang kumunot ang noo nito nang makita iyon sa kanya. "Paanong napunta sa iyo ito?" "Nakita ko sa palanggana kahapon. Nahulog yata sa iyo sa iyo m...