"MAIGE, NAAALALA mo ba 'yung kasamahan ko sa trabaho na truck driver din?"
"'Tay, nasa Waste Management Office kayo, I'm sure napakaraming truck driver doon kaya sino sa kanila ang tinutukoy ninyo?"
Palihim na siniko si Maige ng kanyang ina. Kasalukuyan sila noong nanananghalian nang magkuwento nga ang tatay niya. Her father was also a truck driver working for their city's Waste Management Office. Napakarami nitong kuwento sa anak ng kung sino-sinong kasamahan nito sa trabaho. Na sa huli ay iisa lang naman ang tinutumbok, ang trabaho niya bilang home-based writer.
"Nabanggit ko kasi sa kanya na Journalism graduate ka at sabi nga niya, may anak din siyang graduate sa ganoong degree na ngayon ay nagtatrabaho na sa isa sa pinakamalaking television network sa bansa."
Nagsalin siya ng tubig sa baso nito. "'Tay, uminom muna kayo. Ang haba ng sinabi mo, eh."
"Maganda na raw ang trabaho roon ng anak niya," patuloy nito saka dinampot ang baso ng tubig. "Ikaw, wala ka bang balak na pumasok sa telebisyon? Puwede ka raw matulungan ng anak niyang makapasok doon. Para naman magamit mo ang natapos mong kurso."
"Nagagamit ko naman ang pinag-aralan ko, ah."
Minsan ay gusto na niyang magtampo sa kanyang ama. Para kasing hindi nito kino-consider na trabaho ang ginagawa niyang pagsusulat. Mabuti na lang at nasanay na siya sa mga linya nito kaya binabalewala na lang din niya iyon.
"Nasa linya rin ng print media ang pocketbooks. Popular means of communication na nga iyon na matatawag."
"Oo nga. Pero hindi ba't maganda na maiba naman ang trabaho mo? Alam mo na, para marami kang experience."
"Kunsabagay," sang-ayon na rin niya. Although malayo sa isip niya ang mag-iba ng career. She liked being a writer. "'Tay, malapit na birthday nyo, ah. Ano ang gusto mong regalo?"
"Limang daan piso," sagot ng kanyang ina.
"'Nay, ikaw na pala si Tatay ngayon."
"Tinitingnan ko lang naman kung makakalusot."
Itong nanay niya ang talagang kasundo niya. Lalo na pagdating sa kalokohan. Pareho sila ng wavelength, kumbaga.
"Sige, sa Sabado ko na lang kayo bibigyan. Kayo, 'Tay, anong gusto nyong handa? Isang case ng beer para sa mga constituents ninyo?"
Binuntutan pa niya ng ngisi ang kanyang sinabi. biruan kasi nilang mag-ina na tawaging 'constituents' ang mga kainuman ng kanyang ama sa tuwing may okasyon sa kanila. But her father was still serious. Kaya medyo nag-alangan na ring makingisi ang kanyang ina.
"'Pa, huwag ka namang ganyan." Endearment na ng kanyang mga magulang ang tawagin ang isa't isa ng 'Pa at 'Ma. "Baka hindi kami matunawan ng anak mo."
"Anak mo rin iyan."
"O, sige, anak natin."
"Ganon? Pagpasa-pasahan daw ba ako?" Tumayo siya upang sumandok ng panibagong serving ng ulam. "Sisiraan ko kayo sa mga nobela ko. Sasabihin ko, malulupit kayong magulang—"
"Gusto kong makita kang naka-uniporme, Maige. 'Yung pumapasok sa office gaya ng anak ng mga kapitbahay natin."
Natigilan siya. Ngayon lang niya narinig na nagsalita ng ganon ka-seryoso ang kanyang ama. It was like he was really hoping she would take him seriously. Nilingon niya ang mga magulang. Parehong nakamasid lang ang mga ito sa kanya. Her mother has always been supportive of her chosen career. In fact, ito pa nga ang nag-udyok sa kanya noon na mag-take up ng Journalism dahil aware ito sa kakayahan niya sa pagsusulat. On the other side, sinuportahan din siya ng ama sa kanyang kurso dahil iniisip nito na magiging journalist siya balang araw. Maayos naman ang suweldo niya sa kanyang trabaho sa kasalukuyan. Ngunit hindi yata talaga matanggap ng kanyang ama na hanggang sa pagsusulat lang siya kaya kahit limang taon na siyang nobelista ay kung sino-sino pa rin ang kinakausap nito upang maipasok siya sa telebisyon.
BINABASA MO ANG
LOS CABALLEROS #2: Simply Meant To Be (Completed)
RomanceIbinigay na ni Maige ang ang kuwintas kay Lex kung saan singsing ang ginawa nitong pendant. Bahagya pang kumunot ang noo nito nang makita iyon sa kanya. "Paanong napunta sa iyo ito?" "Nakita ko sa palanggana kahapon. Nahulog yata sa iyo sa iyo m...