Part 5 (unedited)

1.3K 56 1
                                    

NAGING MAAYOS naman ang takbo ng mga pangyayari sa buhay ni Maige. Nakakatuwa ang reaksyon ng kanyang ama nang makita siyang naka-uniporme nang unang araw niyang pumasok sa trabaho niya. Ikinasiya rin nito nang malamang kay Lex pala siya nagtatrabaho. Napansin niyang tila naaaliw ito sa naturang lalaki. Marahil ay nakapag-bonding ang mga ito nang dalhin ito ng kanyang ama sa ospital nang araw na nadisgrasya ang lalaki sa kanila.

And speaking of Lex, tama ang assessment niya noon na isa itong magaling na negosyante. Nasaksihan niya kung gaano ito kaseryoso sa tuwing nagtatrabaho ito. She barely saw him at the office since he was always out with a client. At kapag nasa opisina naman ito ay lagi itong may kausap sa telepono at subsob sa napakaraming papeles sa harap nito.

On her part, parang bigla siyang nanibago. Mula kasi nang araw na una sila nitong nagkakilala ay lagi itong nakaharang sa harap niya at nakikipagtalo sa kanya. Iyon ang nakasanayan niya kaya nang biglang magbago ang sitwasyon niya ay tila hinahanap-hanap naman niya ang pangungulit nito. Hindi na kasi niya ito nakakausap nang matagal at kung nag-uusap man sila ay tungkol naman sa negosyo pa rin.

Hanggang sa siya man ay mababad na rin sa kanyang bagong trabaho. Mabuti na lang at hindi siya nauubusan ng ginagawa dahil kung hindi ay baka nabagot na siya ng tuluyan. Ang mga empleyado kasi roon, palibhasa ay alam na girlfriend siya ng kanilang bigboss ay naiilang sa kanya. So usually, she was always on her own. Which was a good thing since she wasn't that much into socializing.

Everything's doing quite well. Kaya nga nagulat na lang siya nang bulabugin siya ni Lex sa kanyang table isang araw.

"Hey."

"Hey," bati rin niya nang hindi inaalis ang mga mata sa harap ng computer screen niya.

"Kumain ka na?"

"Oo."

"Bakit hindi mo man lang ako niyaya?"

"You're busy."

"Not anymore."

"I'm busy."

Pinatay nito ang computer screen niya. "Not anymore. Samahan mo akong kumain."

Ngayong nakikita na niyang muli ang guwapo nitong mukha, bumalik na naman tuloy ang mga nauna na niyang kakaibang nararamdaman noong huling beses silang nagkausap ng hindi tungkol sa negosyo o trabaho. And she hated to think that she missed him because it was really...not good.

"Mr. Abrevega, isang linggo kitang hindi pinakialaman sa trabaho mo. Kaya sana ay huwag mo rin akong abalahin sa trabaho ko. Ayokong isipin ng mga tao rito na hindi por que malakas ako sa iyo ay magiging pabaya na ako sa trabaho ko."

"Hmm, limang araw lang tayong hindi nagkasarilinan, tinatarayan mo na ako," nakangisi nitong wika. He sat at the edge of her table and put his arms across his broad chest. "I didn't know you miss me this much, girlfriend."

"I am not—"

"Ssshh, huwag kang maingay." Inilapit pa nito nang husto sa kanya ang mukha nito. "May espiya si Mama rito at kanina pa siya nakamasid sa atin. O, huwag mo ng lingunin at baka mahalata tayo. Just touch my face."

"What?" pinababa na rin niya ang boses.

"Touch my face. It was a sign that you care for me and that you miss me."

"Bakit kailangan ko pang gawin iyon?" Samantalang ngayon pa nga lang na malapit ang mukha nito sa kanya ay tila nagwawala na ang isip niya, tapos ay hahawakan pa niya ang pisngi nito?

"Dahil baka i-report niya kay Mama na hindi tayo kumikilos na parang magkasintahan. Kapag nagkataon, pareho tayong malilintikan. Ako sa Mama ko, ikaw sa tatay mo."

LOS CABALLEROS #2:  Simply Meant To Be (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon