PAGDATING NINA Maige sa bahay nila ay naabutan nila roon ang isa pang magarang kotse sa tapat ng bakuran nila.
"Kotse iyan ni Mama," wika ni Lex pagbaba ng sariling sasakyan. Mukhang ito man ay nagtataka kung ano ang ginagawa roon ng ina nito.
Pagpasok sa loob ng bahay ay hindi nga sila nagkamali. Ngunit hindi lang ang ina nito ang naroon dahil seryoso ring nakamasid sa kanila ang kanyang ama katabi ng kanyang ina.
"Mabuti at dumating na kayo," wika ng kanyang ama. "Ano ba itong kalokohang pinaggagagawa ninyo, ha? Ang tatanda na ninyo para sa mga ganitong bagay, ah!"
Galit na ito. "'Tay, bakit ho?"
"Anong bakit? Nagtatanong ka pa. Alam mo kung ano ang kalokohang ginawa mo, Margarita."
"I found this on your pile of papers, Alexiel." Ibinaba ng Mama ni Lex ang isang papel sa mesita. "Iyan ang kontrata ng kasunduan ninyo ni Maige. And don't you dare deny it, young man. Dahil bukod sa notary niyan ay may testigo kami na magpapatunay na totoo ang lahat ng iyan."
Lex's mom turned to her own mother who gave her a weak smile.
"Galit na galit sila sa inyo, Maige. Wala akong nagawa kundi ipagtanggol kayo. Kaya sinabi ko na ang lahat sa kanila. Although alam kong hindi pa iyon ang lahat kaya kung ako sa inyo, mabuti pang magsalita na kayo."
"Margarita, ganito ba ang interpretasyon mo sa ginawa naming pagpapalaki sa iyo ng nanay mo? Ang matuto kang manloko ng ibang tao?"
"Huwag nyo siyang pagalitan," singit ni Lex. "Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Napilitan lang si maige na makipagkasundo sa akin dahil pinilit ko siya. Ako ang nag-isip ng lahat ng mga dapat naming gawin."
"Alexiel."
"Sorry we decieved you, Ma. Pero wala talagang kasalanan si Maige dito. Kaya ako na lang ang sisihin ninyo at pagalitan."
"But she signed it—"
Hinarap ni Lex ang kanyang mga magulang. "Patawad po. Hindi intensyon ni Maige na lokohin kayo. Hindi naman talaga siya papayag sa proposisyon kong iyon kung hindi niya inaalala ang kapakanan ninyo. Gusto lang niyang pasayahin kayo bilang regalo sa inyong kaarawan, Sir."
"Lex, tama na iyan."
Ngunit hindi ito nakinig. "You wanted to see her in an office uniform and she doesn't have much time so she agreed with me. Nais lang kayong mapasaya ng inyong anak, Sir. Kaya sana ay huwag na kayong magalit sa kanya."
"Totoo iyon, 'Pa," singit na ng kanyang ina. "Iniwan ni Maige pansamantala ang pagsusulat dahil gusto ka niyang mapasaya sa kaarawan mo. Maganda ang naging offer ni Lex at isa pa, magkakilala na kayo kaya tinanggap na rin iyon ni Maige."
"Is that true, hija?" tanong ng Mama nito.
"Pareho lang sila ng dahilan, Mrs. Abrevega," ang ina pa rin niya ang sumagot para sa kanila. "Gusto lang din ng inyong anak na mapasaya kayo kaya nakaisip siya ng ganitong klase ng kasunduan."
"At paano akong sasaya sa ganitong klase ng kalokohan?"
"Inisip ni Lex na mapapanatag ang loob ninyo kung sakaling makapag-present siya sa inyo ng isang kasintahan na magmamay-ari ng isa sa mga pinaka-iingatan niyang singsing," sagot na niya. "Since I accidentally put on one of this rings and wouldn't come off my finger, naisip niyang gamitin na ang pagkakataong iyon. At ayaw na muna niyang mawala ang ngiti sa inyong mga labi kaya itinuloy namin ang pagpapanggap. Sa tingin ko ho, isa iyon sa pinakamagandang ginawa ng isang anak para sa kanyang ina. Kaya pumayag ako sa gusto niya."
"Hindi naman talaga nila intensyong lokohin kayo," ang kanyang ina uli. "Ginawa lang nila iyon para na rin sa ikaliligaya ng kanilang mga magulang. Maaring mali ang naging paraan nila. Pero siguro naman ay mako-compensate iyon ng totong intensyon nila."
BINABASA MO ANG
LOS CABALLEROS #2: Simply Meant To Be (Completed)
RomanceIbinigay na ni Maige ang ang kuwintas kay Lex kung saan singsing ang ginawa nitong pendant. Bahagya pang kumunot ang noo nito nang makita iyon sa kanya. "Paanong napunta sa iyo ito?" "Nakita ko sa palanggana kahapon. Nahulog yata sa iyo sa iyo m...