chapter3

3.7K 63 0
                                    

CHOLEENS POV

Nandito na uli ako sa coffee shop na pinuntahan ko nung isang araw.  It's been 5 days nung nakita ko si violet na pupunta sa bahay namin. Ano kaya balak nya?  At ano ang kailangan nya?  And di ako nag karoon ng lakas ng loob para harapin sya.  Yung ex- boyfriend ko.

I can't see him kasi parang sariwa pa yung mga sugat ng kahapon. Di naman kasi mabilis makapag move on. I know na matagal mag move on pag sobrang mahal mo ang isang tao. Ako nag momove on ako almost 3 years. Pero wala masakit parin.

Nag order na ako ng coffee ko at binuksan yung laptop ko. Kasi ngayon na ko may pasok sa company mag uupdate lang ako kay baks na papasok na ako buti may free wifi dito.

Pagkatapos ko uminom ng coffee ay  nag madali na akong pumasok malapit lang naman yung company eh.

Pagkapasok sa building binati ako ng guard. Nag elevator na ako para mabilis ayoko mag hagdan baka mamaya ma haggard pa lola nyo. Eh ang panget ko na nga kasi naka nerd outfit ako. Di naman ako nahihirapan sa outfit nato. Mahaba ang palda,  naka brace may salamin yung sapatos doll shoes lang.  See? Plus may mga tigyawat pa na make up lang naman. 

Yung nakita ako ni baks ay di ako naka pang disguise. Kasi nakalimutan ko sa sobrang pag mamadali kaya nakilala nya ako.  Nasabi ko narin a kanya yung nangyari sa buhay ko.  And he said he will protect me no matter what happen. I'm so lucky to have him. I'm so lucky to be his friend. 

Pumasok na ako at nag good morning kay ma'am jenny. Naka hilera sila kaya gumaya na ako. Nag tanong ako sa isa kong katarbaho na kung ano meron.

"Ano bang meron? " tanong ko.

"Di mo alam darating yung CEO ng kompanya natin. Sya yung boss natin na sobrang gwapo at matangkad kaso may pagka seryoso daw tsaka cold." sabi nya.

"Ahh ngayon pala,  sige thanks ah!! " pag papasalamat ko sa kanya.

"All of you guys be respectful to the CEO of our company.  Let's welcome Mr. Elizarez" nag palak pakan silang lahat pero ako nakatanga parin.

It's Troy!!  Fuck!! He's here!!  My ex!!! 
No i can't work for him!!

Di ako nakatingin sa kanya pero ramdam ko yung titig nya saakin. Napatungo nalang ako. Pero parang sumabog yung loob ko ng sigawan nya ako.

"Who are you??!!! And how dare you to not respect and greeted me?!!!" sigaw nya saakin.  Napatalon nalang ako sa gulat.

"S-sorry,  s-sir d-di n-napo ma uulit. " sabi ko ng nauutal.  Parang hindi sya si troy. Ano nag iba na ba ugali nya?  I know troy very well.  Makulit sya at friendly  pero hindi ganyan nakikita ko ngayon.  He's like a monster to me. 

"One wrong move bitch!! I will fire you!! " sabi nya saakin

Hala susunugin nya ako?  Hala iba na talga sya hindi nga sya si troy. Parang wala naman kaming pinag samahan ah? Papatay talaga sya ng kapwa nya?  Huhuhuhu lord ligtas nyo po ako.

"Sir,  please po gagawin ko po lahat basta....... Basta wag nyo lang po ako susunugin mahal ko pa po buhay ko!!!  Huhuhuhuu" sabi ko na nag mamakaawa baka umeffective eh.

Narinig ko silang tumatawa. Bakit?

"Are you fucking serious woman? " he said na nakakunot ng noo.  Para akong na love at first sight dahil sa pag kunot nya ng noo. My ghadd!  Di na ako mag papaloko alam kong pogi sya pero no!!  Di na ako mag papaloko sa kanya.  ganyan yan si troy laging nag papa fall tapos sa huli lolokohin ka pala.

"A-ah sorry po sir di na po mauulit" i apologize.

Tumango nalang si sir or should i say troy.  Bakit parang iba sya?  Iba sya sa troy na kilala ko.  O baka sa work ganto sya? Haiisst!!  Okay nato naka disguise naman ako di naman nya ako makikilala.  At tsaka kailangan ko ng pera.

Nag umpisa na kami mag trabaho.  Unang araw ko palang dami na agad trabaho tambak pa. Kaya ako nandito sa xerox machine mag papa xerox ng tig 10 na copy netong sheet nato.

Tapos na ako mag xerox at ibibigay ko na sana sa secretary ni sir pero may kumalabit saakin.

I saw a lady.  With red cocktail dress. And red lipstick with red shoes.  Nakakatakot sya para syang galing impyerno.  Like duhh!! All red pa naman.

"Where's gabriel? "  she asked me with annoying voice.

"A-ah miss wala po akong kilalang gabriel" sabi ko.

"Di mo kilala yung------" natigil sya sa pag sasalita ng may tumawag sa kanya.

"Hey!!what are you doing here? " i saw troy walking to that girl.  Para akong nasaktan dahil sa nakita ko.

Pumunta nalang ako kay mikaela secretary ni sir.

"Miss mikaela eto na po yung mga copy po na pinapagawa po ni ma'am helen amm sayo daw po ibigay. " sabi ko.

"Who's the girl? " tanong nya saakin.

" Ano po? "

"Haisst!!  Ang landi talaga ni gab!! I susumbong ko yun kala tita!! " she said.

Kanina pa ako na cu curious sino ba yung gab na sinasabi nila?

"Ahh miss mikaela. Sino po ba yung gab? " tanong ko.

"Di mo kilala si Blake gabriel elizarez?" nakakunot nyang tanong?

"Ahh si sir po? " tanong ko.

" Oo,  he's Blake gabriel elizarez. " ulit nya.

"I thought ma'am he's  Troy miguel Elizarez"sabi ko.

"Paano mo nakilala kambal ni gab? " curious na tanong nya.

"A-hh ma'am kasi school mate ko yung  si troy elizarez kilala sya sa school namin.  Scholar lang po ako sa school kaya po nakapasok po ako doon. " sabi ko.  Baka kasi mag tanong sya kung bakit ako nakapasok sa school nayun eh na mga mayayaman lang ang nakakapasok.

"So hindi ka isa sa pinaiyak ng kapatid ko? " nagulat ako ng may nag salita bigla sa likod.

"School mate ka pala ni troy. At scholar ka rin pala.  Kaya i hope na matalino ka. Ayaw ko dito yung bobo at tanga na alam na time na ng trabaho nakikipag chismisan parin. " sabi nya.

Grabe naman si boss sama ng ugali kala mo namn kung sinong gwapo. Pero aminin ko gwapo sya pero bwisit sobrang strict and sama ng ugali.
Nako kung si troy to sasapakin ko to. Aambahan ko palang yun dati nag mamakaawa na eh.

"Ahh sorry po sir di na po talaga uli mauulit hehe" sabi ko with my fake smile.  Duh hindi ko sya ngi ngitian noh. Di nya worth yung smile ko. Dapat ipagkait yung maganda kong smile.

Para tuloy ako na bunutan ng tinik kasi nalaman ko na hindi sya si troy. Kapatid pala.  Pero parang walang nabanggit saakin si troy?  Haisst!!  Di na problema ng magaganda yan!!

Soon troy, kakausapin na kita para hindi na ako masyadong masaktan. Pero naiisip ko palang para na akong namamatay eh. 

----------------------------------------------------------

Wag mong isipin ang taong nag papasakit sa nararamdaman mo. Ispin mo yung taong nandyang palagi para pasayahin ka.

MY BOSS IS MY HUSBAND                                     (NERD SERIES:2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon