Chapter 19: Almonds

776 43 40
                                    


Baekhyun's POV


"Aray!"


"Kumurap ka naman kasi! pektusan kita jan ehh!"


Agad akong napatingin sa likod ko habang hawak ang ulo kong binatukan nya..-"Ano bang problema mo Kim Jongdae!?"


"Kanina pa kaya kita tinatawag jan! tapos hindi mo ako dito pinapansin!"


"Bakit ano bang kailangan mo!?"


"Ahehe.. wala lang.. wala akong kalaro.."


"Tsk! wag ako!"-sabay talikod ko sa kanya.


"Ihhh! Baek!"-sabay padyak padyak nya na parang bata.. batang walang  ulirat -.-


"Sinasabi ko sayo umalis ka na baka masampal pa kita."


Muntik ng tumakbo ang eyeliner ko sa mata nung bigla nya akong tinulak.. takte! ehh kung nahulog ako! ehh di diretso akong RIP!-"Yah! Kim Jongdae! pag ako namatay! mumultuhin ko talaga si Taeyeon habang buhay!"


"Oh? bakit si Taeyeon? bakit hindi ako?"


"Ahh! gusto mo ikaw? sige! sige ikaw nalang mumultuhin ko!"-singhal ko sa kanya habang naka-hawak sa railings.. nakahawak naman sa puso ko yung isa kong kamay.. tong gagong to! muntik na akong mawala sa mundong ibabaw! jusko! nasa 3rd floor pa naman kami!..-"Tsk! hindi nalang kita mumultuhin! masasayang lang effort ko! ehh mas multo pa nga yang mukha mo kesa sakin ehh-.-"


"Hay naku! magtatanong lang naman kasi ako kung bakit kayo nag-away ni Chanyeol."


Inirapan ko nalang sya..-"Alam mo ang chismoso mo.."-saka ako muling tumingin sa ilalim.. makikita mula dito ang isang napakagandang garden.. kitang kita din si D.O na focus na focus sa pagdadamo. Kelan pa to naging gardener dito?


"Sus! wag ako Baek! alam ko namang pumunta ka dito para hintayin ako.. para masabihan mo kung bakit kayo nag-away"


Napabuntong hininga nalang ako..-"Miss ko na si  Chanyeol."-saka nangalumbaba sa railings


"Baek?"


Napatingin naman ako sa kanya..-"Hmmm?"


Ngumiti sya sakin at...-"ARAY!"-sigaw ko sabay hawak na naman sa tenga ko.. tong huklubang to! pinitik ba naman ang flawless ear ko!


"Ang bugok mo! nagtatanong ako kung anong nangyari! hindi ko tinanong kung anong feelings mo sakanya! bakla ka ba!?"


Sya naman ngayon ang tinulak ko..-"Multuhin ka sana ni D.O!"


Forced Wedding (COMPLETED)Where stories live. Discover now