3 years laterThird Person's POV
"Sino ang nagpapunta sa atin dito?"-awkward na tanong ni Kai sa mga taong minsang naging parte ng buhay nya, at ngayon ay parang kakakilala palang nya sa kanila.
Tahimik pa rin ang lahat at halos hindi na magkatinginan, pero si Yuri lang ang tumingin at ngumiti sa kanya na sya namang dinedma nya.
"At bakit naman kasi tayo pumunta dito? sinabi ko na sayo na ayaw kong pumunta! masyado kang mapilit! tsk! sana pala hindi nalang ako sumama sayo dito!"-singhal ni Baekhyun sa katabi nyang si Hyoyeon. Halatang pareho silang wala sa mood.
"Gago ka ba? sinabi ko lang aalis lang ako ng bahay, sumama ka naman kaagad! tapos andami mo pang reklamo sa daan! sarap mong sementuhin Baek!"
"Parang meron nun satin"-singkit matang sabat ni Baek
"Wow naman, kailangan talagang ipaglandakan ang paglalandian?"-bulong ni Lay sa sarili nya na rinig naman ng katabi nyang si Yuri.
Umubo nalang si Suho, hudyat na may sasabihin sya..-"Naka-receive din ba kayo ng sulat?"-tanong nya sa lahat.
Nagsitanguan naman ang iba at yung iba ay hindi naman sya sinagot.
"Ano bang dahilan bakit tayo pinagtipon tipon lahat dito?"-kunot noong tanong ni Sooyoung sabay libot ng paningin nya sa malaking bahay..-"Tapos dito pa talaga sa bahay nato."-saka naman sya nag-smirk
"I'm pretty sure nobody knows that we're here, most especially our parents, since nakalagay sa sulat na dapat walang makaka-alam."-suporta ni Tiffany sa sinabi ng asawa nya.
"Anybody knows about this?"-cold na tanong ni Kris
"I think everyone here doesn't have any idea."-casual na sagot sa kanya ni Jessica
Muli ay tumahimik ang paligid. Muli ay wala na namang nagsalita.
Tatayo na sana sila Luhan at Yoona para lumabas ng bahay ng magsalita si Tao kaya napabalik nalang sila sa mga inuupuan nila..-"Kamusta na kayo?"-di sigurado nyang tanong
Huminga ng malalim si Luhan..-"We're really doing fine. And I think meeting everyone like this isn't a good idea, kaya aalis nalang kami."-bakas sa mukha nya ang pagkainis
"We thought this is some kind of an important matter, but I think this isn't good. We've been moving forward together for the past 3 years. Don't wanna ruin it."-straightforward ding dugtong ni Yoona sa sinabi ng asawa nya.
"Would you mind sitting for a minute? lahat tayo nanggaling sa iba't ibang lugar, more I say sa iba't-ibang bansa. Tapos aalis lang kayo kaagad agad?"-straightforward ding sabi ni Sehun
Hinarap sya ni Yoona..-"If you wouldn't leave, then just stay. Wala naman atang sinabi sa sulat na merong pamimilit na mangyayari diba?"
"So you've been this rude for the past three years?"
Nag-cross arm si Yoona..-"Cross it out, since birth."
Magsasalita pa sana si Sehun pero inunahan na sya ni Seohyun..-"Ah.. okay naman kami kuya Tao."-saka ito awkward na ngumiti..-"Kayo po?"
Tiningnan syang maigi ni Chanyeol. Ngayon lang nya na-realize na malaki ang pinagbago ni Seohyun, hindi lang dahil sa pagiging vocal nito pero pati na rin sa pananamit nya at konting galaw.
"Okay lang kami Seohyun, eto may mga species na haha!"-tawa ni Chen pero agad naman syang siniko ni Taeyeon.
"Aalis din naman tayo kaagad kaya wag kang maging dictionary jan na tagabigay ng maraming information."-poker face na sabi nya at inayos ang kanyang makapal na eyeglasses.
Napakamot nalang si Chen sa batok nya..-"Okay lang kami hehe."
"Ikaw? kamusta na?"-baling ni Tao kay Kyungsoo.
"Okay lang ako.."-sagot naman nito saka biglang napaseryoso..-"Except lang dun sa mga kapitbahay kong akala nila sila lang nakatira dun. Mga hayop na yun"-napakunot ng noo ang lahat
"How about you, Soo?"-tanong naman ni Yuri sa katabi nya sa kanan
Tumingin muna si Sooyoung sa katabi nyang lalaki bago magsalita..-"O.. okay lang naman kami ni Kris. We're both fine in England."
Napatango naman si Kris bago nagtanong din..-"How's Japan?"
"Hmm.. we're both good. Lay's Japanese is so so good. It seems like he's more fluent than me. Haha!"-tawa ni Yuri
Ngumiti naman si Lay..-"Ikaw ba naman, araw araw mga Hapon kaharap mo, di ka pa ba masasanay?"
"Di ba dumudugo ilong mo hyung?"-interesadong tanong ni Sehun.
"No! actually, parang naaalala na nga nya lahat ng mga alaala nya sa buhay dahil sa kaka-Japanese nya eh haha!"-casual na tawa ni Yuri na sya na namang nginitian ni Lay.
"Thanks Yul. Thanks to you, I did a lot of learning and memorization"
"Pero ang fluent mo na ata sa Tagalog Yuri?"-tanong ni Taeyeon
Muling ngumiti si Yuri..-"Tinatagalog kasi ako ni Lay araw-araw. Kaya ayun."
"Hyung, ikaw? anong balita sayo?"-tanong ni Suho sa kaharap nya.
Pero wala naman itong nakuhang sagot mula kay Xiumin, sa halip ay isang tango lang.
"Teka? nahanap mo ba si Sunny?"-baling ni Sooyung sa kanya na sya namang naging interesado ang lahat..-"Wala ata sya dito?"-sabay tingin tingin nito sa paligid
"Hindi."-poker face lang nitong sagot
Kumunot ang noo ni Hyoyeon..-"O baka hindi mo lang sya hinanap?"
Napaiwas naman ito ng tingin kaya si Jessica naman ang naging center of attraction ngayon. Pero ito naman ay nakatingin lang din sa kanila..-"Everyone's asking him, why staring at me?"-cold na sabi nito
"Busy ako sa pag-aalaga kay Bailey."-maikling sagot nito kaya napabalik na naman ang tingin ng lahat sa kanya.
Naging masaya si Kai sa narinig nya kaya mag-uumpisa na sana sya sa pagtatanong ng ma-realize nyang parang walang pakialam ang lahat sa sinabi ni Xiumin kaya tumahimik na lang din ito.
"So what's the point of being us here?"-seryosong tanong ni Luhan.
"Tsk, pabalik balik eh. Tara na nga."-at muli ay tumayo na naman si Yoona, pero saktong bumukas ang pintuan.
"Sino kayo?"
YOU ARE READING
Forced Wedding (COMPLETED)
Hayran Kurgu12 guys together with 9 unknown girls living in a house. Expect catastrophe.