Chapter 6: Foregathering

1.2K 52 58
                                    

Xiumin's POV

"Anong me-meetingan natin?"-tanong ni Sooyoung sa lahat nung makumpleto na kami sa sala.

"Marami ata eh.."-sabat naman ni Tao saka tumabi sa kanya.

I wonder kung close na ba silang dalawa. Ang bilis naman ata.

"Sana magkaliwanagan na tayo nito ngayon."-komento ni Luhan at umayos ito sa pagkaka-upo.

"Okay simulan na natin.."-kaya lahat ay napatingin kay Suho..-"Una--"

Hindi pa nya natatapos ang sinasabi nya ng biglang sumabat si Chen..-"Matatanggap nyo bang ako ang pinaka-gwapo dito?"

Ayun bigla syang hinampas ni Sehun ng ipad nyang hawak.-"Ano ka ba hyung. Seryoso ang pag-uusapan natin dito."

"Tol umayos ka please lang, baka maisipan kong lasunin kita ng bubble gum ko."-banta naman ni Hyoyeon sa kanya.

"Eh sa ako naman talaga ang pinaka-gwapo dito ah! may magagawa ka ba?"-sabat nito sa kanya

"Sorry ha! pero ako ng magsasabi sayo na hindi katanggap tanggap yang pagmumukha mo sa lipunan. Peace lang tol okay? wag mo lang dibdibin ang katotohanang sinabi ko para hindi masakit."

"Hindi naman nakaka-offend yung sinabi mo eh kasi kahit anong sabihin mo, ako pa rin ang pinaka-gwapo dito sabi ng nanay ko"-saka nya ito kinindatan.

"Oh tama na yang harutan, baka gusto nyong umpisahan na natin ang meeting 'di bah?"-bitter na sabi ni Kai saka sya tumingin kay Junmyeon

"Okay first.. let's have our formal introduction with each other.."

"Wag na.. kami nalang ang magpapakilala total hindi naman kami interesado sa inyo."-sabi ni Yoona na naka-focus lang ang tingin sa labas ng bintana.

"Oh aba! akalain mong pareho pala tayong hindi interesado sa isa't-isa! so wag na lang din kayong magpakilala. Sayang lang effort nyo."-sabat naman ni Sehun sa kanya.

"Better idea! being strangers will be better."

"Alam nyo kung ayaw nyong magpakilala sa isa't-isa, wala namang problema eh.. wag nyo na lang kaming idamay."-kunot-noong sabi ni D.O sa dalawa

"Sige na sige na. Sa ayaw nyo't sa gusto magpakilala na tayo. Ako ng mauuna."-inip na sabi ni Suho..-"Suho nalang ang itawag nyo sakin. EXO's leader.. at ako na ang hihingi ng sorry in advance sa inyo sa mga ugali ng mga 'to at kung ano man ang mga ka-abnormalang mga gagawin nila in the future. Pero wag kayong mag-alala mga mababait naman sila at for sure masasanay din kayo sa kanila"-sabi nito saka nag-bow sa harap ng mga babae.

"Teka hyung! may nakalimutan kang sabihin eh!"-baling ni Baekhyun sa kanya kaya kunot noo lang sya nitong tiningnan..-"Nakalimutan mong sabihing RICH ka!"-ngisi nito sa kanya

"TAMA!"-sigaw naman ng ibang mga lalaki kaya napailing nalang ako. They're so childish until now.. to think malapit na kaming ikasal which is not a great idea either.

"D.O nalang din ang itawag nyo sakin. Ang cook ng bahay. You can ask me anything about foods.. I also have some restaurant businesses, so if you want you'll free to stop by at my places."

"Suma Cum Laude yang si Kyungsoo nung college! napakatalino nyan!"-pagmamayabang naman ni Chanyeol sa lahat. Ayun pinandilatan sya.

"Galing naman! tambay ako sa restaurant mo ha! pwede mo rin akong i-hire bilang taster!"-ngisi ni Sooyoung sa kanya.

"My name's Kai.. the boy next door!"-pakilala nito saka nag-flying kiss sa mga kaharap namin.

Napalingkis naman si Tiffany sa braso ni Taeyeon..-"Mejo kadiri ka actually."-ayun napasimangot si Kai ng wala sa oras

Forced Wedding (COMPLETED)Where stories live. Discover now