D.O's POV
Matapos kong diligan ang mga halaman dito sa garden ay nagsimula na akong magbunot ng mga damo. Kainis lang kasing isipin na ang laki-laki nga ng bahay, maganda nga ito at kumpleto sa mga gamit pero wala naman kaming kahit isang kasambahay na tagalinis dito. Ayan tuloy hindi ako makapunta sa meeting namin at mas pinili kong magbunot nalang ng mga damo dito.. hay ganito ba talaga ang buhay?
"HYUNG!!"
Natamaan ba ng kwitis ang pwet ni Kai at parang hunghang kung tumakbo papunta sakin?
Agad syang umupo sa mga damuhan at niyugyog ang balikat ko nung makalapit na sya sakin..-"Hyung! huhu"
Kumunot naman ang noo ko sa kanya..-"Oh bakit?"
"SINAMPAL AKO NI YURI! sinampal ako ni Yuri hyung! huhu!"-saka nya muling niyugyog ang balikat ko.
"Sinampal ka? bakit? anong ginawa mo sa kanya?"
At dun na nga nya ikinuwento ang disgrasyang nagawa nya..
"Pero hindi ko talaga sinasadya hyung! I really mean it! promise!"
"Okay okay.. sabihin na nating hindi mo talaga iyon sinasadya. Nag-sorry ka ba sa kanya?"
"Syempre hyung! sabi pa nga nya okay lang eh. Pero kasi hyung, hindi ko lang maintindihan kung bakit nya ako sinapal.. hyung! huhu!"
"Oo nga.. bakit nga ba? ano ang nangyari?"
"Actually pagkatapos nung incident na yun, mejo okay pa kami. Yun nga lang mejo awkward na. Kunsabagay.. pano ba naman hindi magiging awkward eh ang laswa ng ginawa ko---"
Hindi na nya natapos ang sinasabi nya ng batukan ko sya..-"Mabuti naman at alam mo. Gago ka ba?"
"Aray Hyung! makinig ka muna kasi! tsk!"
"Ano ba kasi yun?"
"Pagkatapos kasi nun meron syang tinanong sakin eh.."-tinitingnan ko lang sya habang nagkakamot ng ulo at hinihintay kung ano nga ba ang sasabihin nya..-"Sabi nya.. he.. hen.. "hensay".. ano nga ba yun? yun ba yun? tapos "ka" yung huli nyang sinabi eh?"
Muling kumunot ang noo ko..-"Hensay? anong "hensay?"-wait! bigla atang mas lumaki pa ang mga mata ko. Wag nyong sabihing...-"It's not "hentai" Kai right?"
Bigla nya naman akong niyakap..-"Oo hyung tama ka! yan nga! mabuti at naintindihan mo ang sinabi ko! wow hyung! you are my savior!"-saka sya kumawala sa pagkakayakap at muling hinarap ako..-"Salamat talaga hyung.."
Binatukan ko na naman sya..-"Abnoy! alam mo ba yung sinabi nya!?"
Umayos naman sya sa pagkaka-upo sa damo-"Hindi ko alam hyung eh.. basta sinigurado ko lang talagang makakasagot ako ng "mochiron" sa kanya. Kaya ayun.. huhu nasampal ako"
Piningot ko naman sya ngayon sa tenga..-"Alam mo Jongin! ang gago mo!"
"Aray hyung! hyung! bitaw na! masakit na eh!"
Binitawan ko na nga sya..-"Ayan kasi! sinabi ko sayo na mag-ingat ka sa pag-gamit ng mga salitang hindi mo alam ang ibig sabihin!? ang bulok naman ng style mo!"
"Bakit hyung? ano ba ibig sabihin ng sinabi nya sakin?"
Napapikit nalang ako saka muling tumingin sa kanya..-"Tinanong lang naman nya kung "manyak" ka ba bugok!"
Automatic syang naistatwa..-"Ta.. talaga? tinawag nya akong bugok?"
ALAM NYO ANG HUNGHANG NI KIM JONGIN! PAKI-BATUKAN NGA BAKA SAKALING MAGISING!?
YOU ARE READING
Forced Wedding (COMPLETED)
Fanfic12 guys together with 9 unknown girls living in a house. Expect catastrophe.