Chapter Four

1K 11 0
                                    


SA isang bagong bukas na restobar sila nagtungo. Sa vocabulary ni Trixia, ang ganitong bar ay pang middle calss lamang kaya hindi na siya nag-alalala na may makakita sa kanya rito. Tulad ng inaaasahan, agaw atensyon silang dalawa ni Chocheng.

Nagblower sya ng buhok bago ipinusod ito ng panaling may nakadikit na tigdalawang gold na christmas bells sa magkabilang dulo. Pulbos lang ang nilagay niya sa mukha at nagsalamin ng wala namang grado. Nakasuot siya ng three fourths na polkadots na blue and orange naman ang kulay. Maluwag ang pantaas niya pati na rin ang large na green niyang leggings at red and white na boots. Imbis na hand bag, isang maliit na bayong ang dala niya for this night. For short para lang syang tanga, pero okay lang. Kasi sa ngayon hindi sya nag-iisa.

"I can not believe napapayag mo akong magsut ng ganito." sinabi ni Chocheng na halata namang pinipigil lang ang pagtawa. Nakasuot sya ng straw hat at nakatirintas sa magkabilang gilid ang mahaba at kulot niyang buhok. Pulang sintas naman ang pinantali niya rito. Maluwag rin ang suot niyang t-shirt na kinulang sa isang manggas. Naka maong na skirt lang sya habang lampas tuhod naman ang medyas niyang kulay violet sa kabila at bright blue naman yung isa. Dilaw ang suot niyang rubber shoes na magkaiba ang kulay ng sintas.

"Sabi mo di ba enjoy? E di enjoy." tumawa ito ng makitang nakuha na nila ang atensyon ng mga tao roon. Umupo sila doon sa halos kalagitnaan ng restobar. Para talagang sila ang center of attention. O kung baga sa zoo, sila ang center of attraction.

"Hindi kaya tayo paalisin dito?"

"Hindi iyan. Teka Chocheng, akala ko ba ikaw ang pinakapasaway sa lahat? Bakit parang alangan ka sa trip natin" panunukso nito.

"Adik. Si Kokoy ang mas malakas ang trip. Dapat nga kayo ang magsama!" Iyon lang at umorder na sila. Nung una talaga akala nila paaalisin lang sila nung waiter pero parang may kung anong nakita ito at biglang umaliwalas ang mukha saka kinuha na lamang ang order nila.

Nang dumating ang pagkain nila, agad itong nilantakan ni Chocheng na kanina pa Trising ng Trising ang tawag sa kanya. Hinayaan na lamang niya ito. Accoustic ang tugtog sa stage, nakakarelax. Kanina pa nga lang hindi mapalagay si Trixia. Parang kanina pa kasi may nakatitig sa kanya. Hindi naman iyon kataka-taka kasi mukha naman talaga silang agaw atensyon. Ganitong itsura talaga ang literal na head turners. Iikot talaga ang ulo ng taong titingin sa kanila. Parang ano ba 'yon? Guni-guni o maligno?

Ininom na niya ang bote ng alak sa harap niya. Weird talaga. Pati balahibo niya sa batok tumatayo, para talagang may kanina pa nakatingin sa kanya. Napabaling ang tingin niya sa lalaki sa kabilang mesa.

"Hmmmnn.. Sige na nga pwede na rin."

"Pwede ang alin?"

"Heads up , 12 o clock."

Sinulyapan naman ni Chocheng ang mesa na katapat lamang nila. Nakita niya ang isang lalaki na mukhang modelo. "Hoy gaga ka! Ganyan na nga ang itsura mo, lalaki pa rin ang hanap mo?"

"Sabi nyo baguhin kong lahat, wag lang ugali ko? Challenge pa nga ito dahil sa ayos ko ngayon."

"Naman. So ano pa nga bang magagawa ko. Let the flirting begins!" sabay taas sa hawak na bote ng alak.

Nag-isip sya kung ano ngang gagawin sa lalaking ito. Medyo mahirap ang sitwasyon nya dahil sa ayos niya, pero kung may isa man syang asset yun ay ang magandang mukha na tulad sa napagusapan nila ay hindi na bababuyin pa ng dalawang chokoy.

The MakeoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon