Chapter Five

1K 9 0
                                        

MATINGKAD na ang sikat ng araw na sumilay sa bintanang bumati sa kanyang paggising. Habang ang kurtina naman sa bintanang iyon ay parang isinasayaw ng hangin. Ang bango ng amoy ng paligid ay lalo pang nakadagdag ng buhay sa galaw ng kurtina. Gusto rin niya ng gaanong kurtina para sa sariling bintana ng sariling silid.

Okay, bintana? Kurtina? Nasaang lugar ba siya? Mabilis siyang napaupo sa kinahihigaan at nasapo pa ang ulo dahil sa biglang pananakit nito.

"Kung hindi mo pa alam. Hang over ang tawag dyan."

Nilinga niya ang paligid at hinanap ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Isang lalaki na nakaupo sa silya habang nagkakape ang nakita niya. He has those lazy smile that invites her to sleep again. Ang pogi naman ng lalaking ito. Kung ganito ba naman ng ganito ang babati sa kanya tuwing umaga aba kahit maglasing na sya ng habangbuhay, ayos lang. Medyo masungit nga lang ito pero pwede na rin. Lasing? Oo nga pala kasama niya si Chocheng kagabi! Asan na ba iyon? At teka nga muna-

"Sino ka ba?" pagtataray nito. Ngunit ng marealize niyang nasa kama siya, agad niyang itinakip ang kumot hanggang sa kanyang ilong. "Teka, anong ginawa mo sa akin? Ikaw-"

"Wag kang praning, hindi kita type." nilapag nito ang hawak na baso.

Ouch ha! Ano ' to personalan?

"Sino ka ba? At nasaang lugar ako?"

Tumayo ang lalaki at marahang naglakad patungo sa kanya.

"Ako lang naman ang lalaking tumulong sa iyo sa gitna ng kalasingan mo, at ikaw naman ang babae na sinukahan ako bilang pasasalamat. Nandito ka sa bahay ko."

Suka? "Bakit naman kita susukahan? Ano ka banyo?"

"Apparently, mukhang 'yan nga ang tingin mo sa akin kagabi." ngumiti ito sa kanya.

Walang nakakatawa ha! Naiinis lamang siya lalo sa ngiti nito. Marami rin naman siyang nakadate at naging boyfriend na gwapo noon pero iba kasi ang dating ng isang ito. Parang kahit nga itong masikip niyang bra, lumuwag ng kaunti.

Hey! Trix focus! Focus! sabi ng munting tinig sa utak niya. Kung nasaan man ang matinong bahagi ng sarili niya kailangan na niyang mahanap iyon agad bago pa man magpasyang magexhibition ang puso niya.

"What happened? Loose your tongue? "

"Hindi ikaw ang tipo ng lalaki na makapagpapatahimik sa akin." agad naman niyang sagot. Medyo humanga rin sya sa sarili dahil walang bahid ng nerbyos at malayong malayo sa kasalukuyang lagay ng puso niya ang tinig niya.

Namulsa lamang ang lalaki, "We'll see." parang may paghahamon pa ang tinig nito.

So gano'n? Bakit may round 2 pa ba 'to? Goodness sana naman wala na. Sige fine, talo na lang siya agad. Ay, hindi pa pala pwede may kasal pa syang tatakasan.

"Where's my friend?"

"Umalis sya kaagad kagabi sa bar. I didn't have the opportunity to chat with her."

"Ah okay." Mabilis naman yang naalala na suot pa rin pala niya ang sadyang makulay po ang buhay outfit nito. Kaya naman, hindi nakapagtataka na nakangiti pa rin ito sa kanya. Pinagtatawanan sya nito!

Nagtangka itong tumayo, pero agad lumapit sa kanya ang lalaki—Sino nga ba ito ulit? Dahil sa titig na titig sa kanya ang kaharap napako na sya sa kinalalagyan. Sunod nga sasabihin nya kay Thea ang sikretong ito, hindi na kailangan pa ng mighty bond o rugby para sa makukulit niyang scrap book. Titig lang okay na, tipid pa.

The MakeoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon