Chapter Ten

1.4K 18 0
                                    

MAHIGPIT ang kapit ni Trixia sa kanyang manibela habang nagpapatuloy sa kanyang inhale-exhale. Okay. Narito na nga sya sa gusto niyang puntahan. Obvious ba? Nasa harapan nya ngayon ang malaking arko na tila ba bumabati pa sa kanya. Welcome to: Lakeside Dwellers.

Yes, so ano ito de javu?

"Dito na me." pabulong niyang pagbati sa sarili. Lalo pang napabilis ang kanyang inhale-exhale ng makitang papalapit na ang gwardiya sa kanya.

"Shoot. Akalain mo nga naman oo, si kuya bulldog pa pala ulit ang bantay. Well malay mo naman kung si kuya bulldog pala talaga ang soulmate ko di ba?"

Lumapit sa driver's seat ang nasabing gwardya na tila ba may pagkakahawig talaga sa isang bulldog. Kung nakamamatay nga lang ang tingin, malamang kanina pa agaw buhay ang dalaga.

"Good morning ma'am. Privte property po ito, no outsiders allowed po." sabay taas ng kilay sa kanya.

Hanep, ang tindi mo kuya guard, English speaking ka pa rin ah minsan nga samahan mo ng maarteng accent yang pag-iingles mo para talagang duguin na ako, sabi niya sa sarili at nginitian na lang ang gwardiyang kaharap.

Sisingit sana sya sa pagsasalita nito ng kaagad din namang idinugtong ni Kuya Bulldog, "Pero syempre buti na lang talaga at hindi kayo outsider, naitawag na po ni sir sa amin galing opis na darating kayo." umiling pa ito bago nagpatuloy, "Tama nga kayo ma'am marinig lang niya ang pangalan nyo papasukin na nya kayo. Sige po, Good morning na lang."

Medyo tulala pa rin sya makaraang makadaan sa gate, basta minsan parang mga wirdo lang talaga ang tauhan ni Dominic. Nagpark sya sa dating pinagparkingan halos dalawang buwan na rin ang nakakaraan.

Dalawang buwan, sadyang napakatagal na pala. Marahas ang naging pagbuntong hininga niya habang siniyasat ang paliid. Mukhang wala namang masyadong naging pagbabago sa lugar na ito, buhangin pa rin ang buhangin at damo pa rin ang damo. Kung sabagay, hindi pa rin niya nalilibot ang lugar na ito dahil syempre pa masyadong protective si Dominic sa munti nyang sansinukob at ayaw nyang pakalat-kalat sila rito.

Kung tutuusin ayaw nga rin nyang pupunta sila dito. Kaya naman laking gulat niya ng ito mismo ang tumawag sa kanya at nagpapunta pa sa kanya sa resort, may problema daw ang kaibigan nilang si Lucy.

Masakit pa ang puso niya sa ngayon pero hindi nya rin pwedeng pabayaan ang kaibigan. Isa pa nakapangako pa naman si Lucy na i-eendorse nito ang design nyang bayong. Speaking of which, yes naging part time na rin nya ang pagdedesign ng fashionable na bayong at natanggap na rin sya sa sikat na interior designing firm na inaplyan. Dahil dyan labis na naging masaya para sa kanya ang kanyang mga magulang. Balak din nilang iredecorate ang main branch ng restaurant nila sa Makati. Naging maayos naman ang lahat, maliban na lamang sa relasyon nila ni Brenan.

MATAPOS ang insidente sa parking lot, nagulat sya ng biglang makipagkita ang babaeng kausap ni Brenan noon, nakatatandang kapatid nya pala ito. Syempre pormal ang ayos nya ng makipag-usap sya rito.

"I like to apologize for what had happened." bungad nito.

"You need not to Ms. Suarez."

"Jacky na lang. Iyon na lang ang itawag mo sa akin." ngumiti pa ito.

"Ahm.. well Jacky, like I said wala kang dapat ihingi ng tawad."

"As it turns out meron, medyo naging katikatera kasi ako. I did not mean to interfere with you and Bren."

"It's understandable, you were just trying to protect your younger brother." mahinang tugon nito. Paano naman kasi tama ba namang isiping pinoprotekhan pa nito si Brenan laban sa kanya? Ano sya monster? Ano naman si Brenan sanggol?

The MakeoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon