Chapter One

5.2K 43 0
                                    


Cavite.

MAHIGPIT ang kapit ni Trixia sa kanyang manibela habang nagpapatuloy sa kanyang inhale-exhale. Okay. Narito na nga sya sa gusto niyang puntahan. Obvious ba? Nasa harapan nya ngayon ang malaking arko na tila ba bumabati pa sa kanya, Welcome to: Lakeside Dwellers.

"Dito na me." pabulong niyang pagbati sa sarili. "This is it girl, don't worry help is here."

Lalo pang napabilis ang kanyang inhale-exhale ng makitang papalapit na ang gwardiya sa kanya. "Shoot. Pagminamalas ka nga naman oo, si kuya bulldog pa pala ang bantay."

Lumapit sa driver's seat ang nasabing gwardya na tila ba may pagkakahawig talaga sa isang bulldog. Kung nakamamatay nga lang ang tingin, malamang kanina pa agaw buhay ang dalaga.

"Good morning ma'am. Privte property po ito, no outsiders allowed po." sabay taas ng kilay sa kanya.

Hanep, ang tindi mo kuya guard, English speaking ka pa ah, sabi niya sa sarili at nginitian na lang ang gwardiyang kaharap.

"Hi. Hindi po ako outsider." sabi niya rito. "I'm Trixia Peñaflorida. I'm a friend of Dominic... Dominic Bonavente" at kinurap pa niya ng bahagya ang mga mata.

Si Dominic, yung nagpapasweldo sa iyo rito, you know friend ko yung amo mo, sungitan mo pa ako ipatatanggal na kita, naisipan niya pa sanang idagdag.

Tumikhim muna si kuya bulldog, "Ahm. Wala naman pong ipinagbilin si sir na-"

"Call him first. Trust me marinig nya lang ang pangalan ko papapasukin nya na ako agad." buong pagmamalaki nyang sinabi.

"Ahem." umubo ito ng bahagya. "Sige po ma'am. Itatawag ko po muna sa opis."

"TRIXIA!" sigaw ni Dominic sa kanyang mga kaibigan na ngayon ay kasalukuyang nasa pribadong bar ng resort, na as it turns out pinareserve ni Trixia allegedly under his instructions.

"Nasaan na ba yang babae na iyan at ng mabalatan ng buhay?!"

"Yay! Cool ka lang pre. Wag mo namang balatan yun, sayang ang glutha nun pag nagkataon." sabi ng isang babae na nakasemiformal attire ng dumating sa resort. Kasalukuyan syang nakikipagtong-its sa tatlo pang kaibigang babae.

"Paano ako magiging cool eh napuno na ng babae ang resort kong ito!" giit niya habang hawak ang baso ng tubig na kaaabot lang ng isa pa niyang kaibigang babae na nakauniporme rin at suot pa ang nameplate nito.

"'Sus ito namang tao na ito, oo. Sobrang O.A. mo ha, pito lang kaming babae dito at kahit humilata pa ako dito na parang baboy ramo, hindo ko pa rin kayang icover itong buong resort mo. At wag kang masyadong mag-inarte ha, resort ito hindi seminaryo."

"Eh kung pag-untugin ko kaya kayong dalawang chokoy?"

Tumikhim ang isa pang babae na naglalaro ng tongits, sa pananamit pa lamang nito akala mo may bonggang party na pupuntahan dahil sa suot na cocktail dress.

"Oy Domeng, wag mo pag-initan yang sina Chocheng at Kokoy, si Trixia ang may atraso sayo at s'ya rin ang promotor ng lahat ng ito. Oh tongits na ako." Sabay hagis ng baraha sa mesa at suksok ng earphone sa tenga.

"Oo nga." Halos magkasabay na wika nina Chocheng at Kokoy.

"Luh, hindi mo kasi alam kung gaano kalaking gulo ang ginawa nyang si Trixia, tapos gagatong pa kayo. Magsiuwi na nga lang kayo." malakas itong bumuntong hininga.

Nasayang lamang ang laway nito dahil ang Lucy (Luh) na kausap nya ay tinangay na ng awiting Bad Romance ni Lady Gaga.

"Ay naku," wika ng isa pang babae sa mesa. "Oh, tongits na si Luh, ako rin tongits na ha. Kayo na lang dalawa, Chocheng, Ate Gelay." Sabay wagayway sa kanyang maiksi pero fashionable pa ring glossy hair. Sinutsutan niya si Dominic na ngayon ay nagpasya ng umupo katabi ang dalawa pang babae na abala naman sa pagbabasa.

The MakeoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon