Chapter Six

1K 12 1
                                        


SA gulat niya napatayo siya agad mula sa kinauupuan at tumama pa ang tuhod nito sa center table.

"Aw! Shoot!" agad naman siyang inalalayan ng lalaking kanilang ay gusto na niyang patayin ng bonggang-bongga.

"Are you okay?"

"Trix, may kasama ka bang lalaki ngayon?" tanong ng kaibigan niya.

She simply mouthed I'm fine bago binalingan ang kausap. Paika-ika siyang naglakad palayo sa lalaki, parang nakukuryente kasi ito pag malapit sila sa isa't isa. Kaylangan niya ng space para makapag-isip ito ng matino at para sermonan na rin ang tila nag-aadik niyang kaibigan.

"Hello, Aisle. Praning ka na bang babae ka ha? Kung gusto mo mag-trip, wag ganito." mahinang sabi niya dito.

"As if naman, may mga ganitong trip nga ako. I am not kidding, I got married and Joca-"

"Joca!" bigla niyang nabulalalas. Parang humigpit ata lalo ang high pony tail niya. "Hoy Aisle! Ano ba namang kabaliwan iyan ha? Sawa ka na ba sa buhay mo? Magpakalbo ka na lang kaya o kaya kulayan nating yan buhok mo sa kilikili bago tirintasin."

Napansin pa niyang napangiti ang lalaking titig na titig pa rin sa kanya. Tumalikod na lang siya rito.

"Shoot! May sakit ka ba ha? Baka virus iyan, ano ka nagising ka na lang isang umaga naisip mong magpakasal? On top of that, si Joca pa ang napili mo! Friend naman si Joca iyon. Joca remember? The guy who can magnet women in less than two minutes flat! Take note women! Plural iyan, trust me walang exaggeration ito, andun ako ng inorasan nina Kokoy si Joca dumiskarte sa babae-"

"Hindi si Joca ang pinakasalan ko. He's just kind of helping me."

Huminga lang ito ng malalim saka muling napalakas ang tinig sa naisip, "Si Domeng? Friend naman makikipagkumpetensiya ka na lang, doon pa sa alagad ng langit-"

"Hindi si Domeng, at bago ka maghisterical dyan lalong hindi si Hendrik."

"Sino pala?"

"Someone I met."

"What? Kung ipukpok ko kaya sayo ngayon itong bunny slippers ko. Gaga ka talaga, anong gusto mong mangyari ngayon? Gusto mo itanan kita palayo or better iparape na lang natin yang napangasawa mo kay Joca. Feel mo?"

"No, not really. I guess I just want to know if ... ahm, yung ginawa ko, was it me normally impulsive or sobrang impulsive?"

"What you did is crazy! It's not even like you to do such rush decisions!"

"Sabi ko na nga, feeling ko rin eh."

"How could I possibly help you, you want to be out of it na?"

"I can't."

"What?"

"Listen, I also called kasi I guess I just want somebody to freak out with."

Natahimik na lang siya. Alam niya ang ganoong pakiramdam ang maging helpless at ang humanap lang ng kadamay. Sa sinabi rin ng kaibigan halata namang ayaw rin patulong nito at gaya ng usapan sa grupo nila kung ayaw mo di wag, kaya lang kasi...

"Hey, I have to go now. Bye."

Napamaywang siya, ano na nga ba ang gagawin niya? Mukhang problemado pa rin talaga ang kaibigan niya, at may problema rin naman siya. Buti na lang talaga marami sila, idinial niya ang number ng kaibigan niyang tila hindi naman naging busy buong buhay nito. Nag-iwan siya ng mensahe sa voice message.

The MakeoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon