Chapter Eight

996 10 0
                                    

NANIBAGO pa si Brenan sa bahay niya ng ihinto nito ang sasakyan. Malalim na ang gabi pero bukas pa ang karamihan ng mga ilaw. Mukhang may takot sa dilim ah. Kung ano man ang nararamdaman nya ngayon, kakaiba ito. Hindi niya kasi inaasahang ganito pala ang pakiramdam ng umuwi sa bahay na alam mong may uuwian ka talaga. Lalong hindi rin niya inaasahang makitang bukas ang ilaw sa silid na katabi lamang ng sa kanya.

"Miss Polkadots talaga."

Sinusian niya ang pinto at binuksan ito, saka dali daling nagtungo sa hagdanan. He took two stairs at a time. Hindi na niya maitago pa ang pag-aalala. Maaring umiiyak rin ito ngayon dahil sa kalungkutan. Naabutan niyang bahagyang nakabukas pa ang pintuan ng silid na iyon. Narinig niya ang tinig nito kasabay ang kakaibang amoy ng pintura.

"...that used to touch you so tenderly. Just remember what I told you the day I set you free." masayang awit nito.

"Okay at least walang umiiyak." bulong niya sa sarili

Marahan niyang binuksan ang pintuan at nakita ang kabuuan ng ginawa nitong pagbabago sa silid na iyon. Nabigla pa siya ng marinig na bahagyang lumakas ang tinig nito habang nakatungtong sa mataas na hagdan. Tila ginugupit nito ang ilang hibla ng sinulid sa kurtina.

"...Aint no mountain high enough; aint no valley low enough; aint no river wild enough to keep me from you"

Ikinaway niya sa ere ang hawak na gunting, ".. aint no mountan high enough," saka itinambol ang gunting sa hangin, "aint no valley low enough, dang dang..." umalog pa pati ang kinatatayuan nitong hagdan "...aint no river wild enough to keep m-me fr-" sa patuloy na pagyugyog ng kanyang katawan tila hindi na nakayanan pa ng hagdan ang bigat nito at nagbanta ng pagbagsak.

Impit siyang napahiyaw, napapikit at napahigpit ang kapit sa gunting na nasa kamay.

Narinig niya ang pagkalabog ng kinatatayuang hagdan at akala niya malamig na sahig na talaga ang babagsakan niya subalit bisig ng isang lalaki ang sumalo sa kanya.

"You." pagtuloy nito sa kantang hindi niya natapos saka matamis na ngumiti sa kanya. "Hi there."

"Hi?"

Nakatitig lang ito sa kanya, hindi rin naman niya nagawang mag-iwas ng tingin dito.

"Ibaba mo na ako."

"Oo nga, ang bigat mo rin kasi-" nakangising wika nito. Saka marahan siyang ibinababa.

"Salaksakin kaya kita nitong gunting."

"Ang bayolente mo talaga." nakangiti pa rin ito at nakakulong pa rin siya sa bisig nito. Nag-akma na siyang lalayo subalit tila humigpit lang lalo ang yakap nito sa kanya.

"B-Bakit ba?" nainis siya sa sarili dahil nautal pa siya sa harap nito.

Lumalim pa ang ngiti nito. Nakakasanayan na rin niya ang mga ngiting iyon, "Kukunin ko lang po itong gunting, baka ano pang maisipan mong gawin diyan."

Sandali lang nagtama ang kanyang kamay sa kamay nito, pero may kung anong kiliti syang naramdaman. At sa dahil ayaw na niyang pag-isipan pa ng husto ang naramdamang iyon, nagtaray na lamang siyang muli. "Bakit ba andito ka?"

He chuckled. Patay, pati ang tawa nito nakakasanayan nya na rin. Naku naman.

"Minsan talaga nakakalimot kang bahay ko ito."

Ay oo nga pala.

Siniyasat ni Brenan ang silid. Napalunok na lang si Trixia, binago kasi niya ang silid na iyon, mula sa pintura, kama, sapin nito unan at punda ultimo pati ibang laman ng silid na kinuha niya mula sa iba pang bahagi ng bahay kanina. Hindi niya mabasa ang expression ng mukha nito pero kung galit ito sa panghihimasok niya sa kwartong ito, well news flash Mr. Brenan Suarez: You should not leave your house with a stranger.

The MakeoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon