Chapter Nine

1K 9 0
                                    

MAGANDA ang sikat ng umaga at maaliwalas ang paligid habang tila kulay pink naman ang langit. Basta ang ganda. Katatapos lang nilang dalawa mag-almusal at sa ngayon si Trixia pa ang nagprisinta maghugas ng mga pinagkainan nila. Bakit? Eh sa ang saya maghugas ng plato, baso, kutsara at tinidor sa lababo. Parang gusto na rin nga niyang hugasan ang malaking kawa sa kusina. Basta masaya.

Gusto niya pati ang kulay rainbow sa mga bula. Sasabuyan na nga rin niya sana ng sabon pati ang mga salamin ng bintana sa harap niya kung di lang niya naramdaman ang isang masuyong yakap mula sa kanyang likuran. Yes. The very reason of her happiness is just standing behind her. Sa sobrang ligaya nya ngayon kahit ipalinis pa ng binata pati ang bubong ng bahay gagawin nya with matching smile at glow ng eyes.

Sariwa pa sa isip niya ang sinabi nito kagabi sa kanya, "This is everything it is except for that business deal... On top of that, this has nothing to do with any of our parents."

Hindi naman pala ito dahil sa kontrabidang kasunduan na iyon nakakaloka talag, o sya di, what is this then about?

Bumuntong hininga ito ng maramdaman ang paglapat ng mga labi nito sa kanyang pisngi, tapos sa kanyang leeg. Grabe! Para syang kinukuryente, baka naman may low bat kayong cell phone dyan o kaya makina ng kotse? Dali ilapit nyo sa kanya para macharge.

"Ang bango mo talaga." sabi nito sa kanya.

"Hmmnn.. Oo, pansin ko nga." biro nito. bahagya pang humigpit ang kapit nito sa baywng niya. Hindi niya alam kung anong gagawin kaya pabiro na lamang niyang hinampas ang braso nito. "Uy. Grabe ha... sexual harassment na 'yan." Subalit ni hindi man lang pinansin nito ang biro niya, at nagpatuloy lamang sa paghalik sa likod ng kanyang tenga.

Goodness! Hindi naman sa hindi niya gusto ang ginagawa ni Brenan, kaya lang kasi ang inaalala niya ay baka tuluyan na syang mawala sa sarili kapag hinayaan lang niya ang binata. Wait. Si Brenan din yung same guy na di nya dapat pakasalan di ba? Oh sya e di itigil na natin ito. wika niya sa sarili. But of course her body was thinking of another thing, sige na nga mga 30 seconds pa... promise 30 seconds na lang...

Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata ng iikot sya ni Brenan paharap sa kanya. Unlike their first kiss, this kiss was gentle and sweet. Hindi nagmamadali at ang nakakainis pa parang may kumpyansa ang halik ng binata na tila pagmamay-ari na sya nito. She kissed her forehead, her eyes, her nose, her cheeks... then his hand touched the side of her face and kissed the sides of her lips first.

Naku patay tayo dyan. This was not what she planned. This was not even closed enough to what she had hoped for. Patay talaga. She tried to push him away but he only hold her more firmly. Wala na yata itong balak bitiwan sya kahit pa biglang bumuka ang lupa o banggain sila ng barko mula sa kalawakan.

"Seriously. Bitay ang parusa sa sexual harassment."

Ngumiti lang ito sa kanya. "Hmm.. e di una na lang kitang kakasuhan."

"Ano namang kaso aber?"

"Trespassing."

Tinaasan niya ito ng kilay, "Sa bahay mo?"

"Pati buhay ko." kinurot pa niya ang ilong nito.

Sinubukan niya itong muling itulak palayo. "Corny mo ha!"

"Hmmn.. yeah I was kind of afraid of this."

"Of what?"

"You, literally pushing me away." kinuha niya ang mga kamay nito na ipangtutulak pa sana niya sa kanya. Ginabayan niya ang kamay nito at ipinatong sa sarilng mga balikat. "Stop resisting me. Stop avoiding me."

The MakeoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon