Chapter Three

1.1K 15 0
                                    

NAUNA ng umalis ang matalik na kaibigan ni Trixia na si Aisle. May kailangan pa raw itong ayusin sa Maynila. For some reasons, nagprisinta na si Joca na ihatid ito. Pakiramdam niya may suliranin din ang kanyang kaibigan kaya lang sa ngayon kasi tila ba nakatali na lang ang kanyang kinabukasan sa pisi ng saranggola kaya kailangan nya munang higpitan ang kapit dito bago makigulo sa gusot ng iba. Nangako na lamang siya sa sarili na tatawagan ito pagkaraaan ng isang lingo.

Nagpaalam na rin si Lucy dahil may pictorial pa ito sa bahay niya sa Capiz. Samantalang bigla namang kinailangang bumlik ni Charmaine sa Makati dahil sa emergency sa hospital kung saan siya nagtratrabaho. Sumabay na rin sa kanya si Gelay dahil doon din naman ang punta nito. Dahil sa wala namang kinalaman si Thea sa balak ng magkababatang Chokoy, nagpasya na rin itong bumalik ng Maynila upang asikasuhin ang mga foundations na kinabibilangan nito. Si Dominic naman biglang pumunta ng Tagaytay. Syempre pa, iba ang hinala ng mga kaibigan niya sa ginawang ito. Mukhang may susuyuin ang reformed babaero. Sa madaling sabi, si Hendrik na lang muna ang naiwan at namahala sa resort habang nakasalalay naman sa dalawang wirdo sa harap ni Trixia ang kanyang pinakatatanging future. Syempre, konsulasyon na lang yang andiyan pa si Honeylet, kung ano man ang mangyari kahit papaano may makakaawat sa kanila.

"Hoy, tulala ka na naman sa salamin. Di ka pa ba tapos mag soul searching dyan?" panunuya ni Kokoy.

"Ano ba talagang balak nyong gawin sa akin?"

"Imamake over ka namin" buong siglang sagot ni Chocheng.

Muli niyang tinitigan ang sarili sa salamin. Okay naman ang make up niya pati na ang shoulder length layer hair style niya na natural ang light brown na kulay. Bagay rin naman sa kanya ang black spaghetti strap niyang dress na kamatch pa ang red stiletto na suot niya. Hindi rin naman overwhelming ang mga accessories nito, tama nga lang ang iyon para sa simple pero eleganteng look na nakasanayan na niya.

"Sorry to disappoint you girls, pero I look good enough."

"Hmm...Sabi mo nga wala kang kapintasan"

"Kokoy, I was just trying to make a statement, okay?"

"At iyon na nga, dahil sa sige, you are too beautiful for your own sake, dapat kang imakeover sa halagang 5 thousand pesos!"

"5k lang sure ka?"

"Oo naman, sobra pa nga iyon. Ang challenge lang dito ay baguhin ang lahat sa iyo maliban sa ugali mo." bumulong ito kay Chocheng, "Yup, ugaling sobrang nakakaturn off!" saka marahang tumawa.

"Teka, does it includes my clothes, the way I dress up? Shoot! I can not-"

"Okay, Trixia relax ka lang this is better than nothing." wika ni Honeylet.

"Aning naman-"

"Actually this is better than you getting homeless. Saka hindi naman ito panghabangbuhay. Basta galingan mo lang ang pag-akting wagi ka na." sinuklay ni Chocheng ang makinang niyang buhok.

"Acting?" tinignan lang niya sila gamit ang inosenteng mukha nito.

"Ayusin mo yang mukha mo kundi ikukulot ko iyan" banta ni Chocheng.

Ngumiti lang si Honeylet, "They told me, what happened earlier was just a well played scene."

"What?"

"Friend, we all know your parents love you too much to burn your birth certificate and all."

"Duda ako, luho lang talaga nito ang inaalala niya, Koy wag na lang kaya natin tulngan 'to"

The MakeoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon