Chapter Two

1.7K 15 1
                                    


PIRAPIRASO na ang ilang mamahaling gamit sa loob ng bar ng dumating si Trixia. At base sa itsura ng mga kabigan niya pati na rin sa ayos ng silid na iyon, ngayon official na: Papatayin na talaga siya ni Dominic

"Trixia!" buong gigil na sigaw ni Dominic sa kadarating lamang na nilalang mula sa lahi ng mga tao at lipi ng mga matitigas ang ulo.

Bigla namang hinarang nina Hendrik at Joca ang nagngingitngit sa galit na kaibagan na muntik ng sunggaban ang dalaga.

"Hey, bitiwan nyo nga ako!"

Si Joca na ang sumagot dito, "Ganto pare, kung hahalikan mo lang naman si Trix or ano, okay lang wala namang pipigil sa iyo, kikiligin pa nga kami kung sakali. Pero ganyang galit ka, layu layo ka muna ng konti."

"Dre, babae yan, halata naman di ba?" boses iyon ni Hendrik na inalalayan na siya patungo sa malapit na silya.

"Oo nga tama sila, masyado kang hot. Papatulan mo pa ako."

"Aba't talaga nga namang-" biglang nagpumiglas si Dominic sa kapit ng mga kaibigan niya.

"Yo Dom! Relax." pagpapakalma ni Joca. "Babae talaga yan pramis, parang boses baklang palakang kokak lang pero babae yan. Wag mo ng patulan."

Sinenyasan ni Aisle si Kokoy na sya namang pinakamalapit kay Trixia. Agad naman nitong naintindihan ang kanyang nais iparating kaya dalidali niyang nilapitan ang poised pa ring kaibigan.

"Hi friend!" bati niya rito. "Halika at tumabi muna tayong mahaderang babae ka."

Hinila niya ito patungo sa kalagitnaan ng silid. Parang modelo namang naglakad ang tila ba bida ng eksena. Napailing-iling na lang si Chocheng sabay tingin na rin sa nakamasid lang na si Lucy. Sina Trixia at Lucy, talagang mga reyna ng kaartehan.

Itinayo ni Kokoy ang silya sa gitna ng silid bago siya pinaupo rito.

"Ayan. Game, intriga crossfire tayo."

Parang balak pa nga niyang gayahin ang isang segment ng isang showbiz program sa t.v.

Samantala, hinila naman nina Chocheng at Gelay ang sofa saka umupo rito katabi nina Aisle, Charmaine at Thea. Hinila rin nina Joca at Hendrik ang isa pang sofa at umupo katabi ni Dominic. Sa dantayan sa tabi ni Hendrik umupo ang asawa nitong si Honeylet. Nanatili namang nakapaso doble si Lucy sa swivel chair na only God knows kung saan niya nakuha sa loob ng bar. Bigla na lang sumalampak sa sahig si Kokoy habang may nginunguya pang kornik.

"Game, confession time my dear." sabi ni Lucy sa tinig na kalmado pero parang iritable na rin sa tinakbo ng mga pangyayari.

Sa tono niyang ito kahit sinong hudas magsasabi ng totoo. Adik na lang ang kumanti sa maiksi niyang pasensya.

Lumunok ng malalim si Trixia, "My parents gave me an ultimatum. Either I choose my own groom or sila ang pipili para sa akin. Either ways, I'm getting married."

Halata ang lungkot sa mga mata nito. Si Trixia Peñaflorida ay nag-iisang anak ng mayamang mag-asawa na kilala sa kanilang mga sikat at mamahaling restaurant chains sa bansa. Dahil sa nag-iisang anak, sunod lahat ng luho niya. Ni hindi nga nya kinailangang kumuha ng matinong kurso sa kolehiyo. Nag-isip maigi ang kaibigan nitong si Aisle. Ano nga ba ang kinuhang kurso ng kaibigan niya? Interior designing yata, na hindi naman niya ginawang hanapbuhay at pinag-aralan lamang para sa sariling kaartehan at kasosyalan.

"Married? Sorry friend pero parang hindi ka naman housewife material." sabi ni Gelay sabay tingin dito mula ulo hanggang paa. Naalala nitong walang alam sa gawaing bahay ang kaibigan niya dahil sa mababaw na motto nitong: 'Aanhin pa ang katulong sa buhay, kung ako rin naman pala ang aalipinin sa bahay.'

The MakeoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon