The Exemption

20 0 0
                                    

"Oy Z!"

Napatingin sakin si Night ng nakakunot ang noo. Nasa may chapel kami ngayon kasi lunch break. Sabay kaming kakain eh, nilibre niya kasi ako! Hahaha! Napakabuting puso. Ching.

"Ano nanamang pausong pangalan yan?"

"Yung Z? Eh kasi. Night yung pangalan mo. Edi ba pag gabi, madalas mag-snore ang tao? Parang Zzzzzzz~ wahahahahaha!"

"Korni mo."

*Pak!

"Aray! Para san naman yang kotong na yaaaan!"

"Wala trip ko lang. Hahaha! Anyway~"

Inilabas ko yung notebook ko sa bag. Kumakain pa rin siya habang tinitingnan niya yung nilabas kong notebook. Hinanap ko sa likod nung notebook na yun yung sinulat ko kanina habang lumilipad ang isip ko nung discussion ng Math.

"Nine signs?"

"Yup! Nine signs para sa lalaking magiging boyfriend ko in the future! Hahaha!"

"Sus. Nine signs nine signs ka pa. Korni mo talaga."

"Oy hindi to korni ha! Tingnan mo. Sasabihin ko sayo yung lima! (^__^)v"

"Yung lima lang? ... Bakit?"

Nagtataka ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Nag-aantay ng sagot kung bakit..

...Bakit nga ba?

"Alam mo Sy, sa love story, dapat pareho kayong nagmamahal. Hindi yung One Sided lang."

"Sino bang may gusto ng one sided lang, Carl? Eh wala eh. Wala naman eh. Wala namang may gusto sakin. Hahahaha-- hay."

Napakalumbaba ako sa mesa nang mapansin kong ngumiti siya.

"Meron akong alam na lovestory. One sided din. Yung lalaki kasi, sobrang mahal niya yung kaibigan niyang iba naman ang hinahanap na lalaki."

"Oh?! Sino yan? Pakilala mo nga sakin. Malay mo bagay kami! :]"

Tumaas ang kilay niya at lalong lumapad ang ngiti.

"Sigurado ka? Gusto mong malaman?"

Tumango ako biglang pagtugon.

"Si Night."

Napadiretso ako ng upo.

"Si Night?! May bago nanaman? Grabe yun ah. Hindi man lang nabanggit sakin na may kaibigan siyang gusto niya. Sira talaga yun. Naturingang bestfriend pero di nag-oopen! Unfair! (>-<) Sino ba yung babae?"

"Oh, andami mo na agad sinabi. Akala ko ba gusto mong malaman kung bagay kayo? Hahaha!"

"Parang tange to si Carl. Syempre bestfriend ko yun. Hindi yun pwede."

"Yan na nga yung sinasabi ko sayo. Mahal na mahal niya yung babae, pero ayaw nung babae kasi magkaibigan lang... Kayo."

"HUY."

Napapikit ako ng maraming beses sa usapan namin na yun ni Carl. Yun yung araw na naconfirm kong..

"Mahal na mahal ka nun ni Night. Ayaw mo lang. Hahaha."

Hayyy. Napakadami naman kasing babae, bakit ako pa? Paano nalang yung pagkakaibigan namin? Baka masira. Baliw talaga tong lalaking to.

Pati yung feelings niya, baliw. (=__=)

"Kase ...exempted ka."

Lalong kumunot yung noo niya sa sinabi ko. Alam ko, medyo magiging masakit sa part niya. Kaso wala eh..

..Bestfriends kami. Walang dapat na magbago sa amin.

"Ano nanaman yang exempted na yan? Bakit ako exempted? Exempted saan?"

Muli niyang ibinaling sa pagkain yung sarili niya. Handang makinig kung paano ko sasabihin ang lahat ng mga sagot sa tanong niya.

"Exempted ka kasi malalaman mo yung lima. Eh pano kung bigla mong gawin? Edi anduga nun. Hahahaha! Tsaka dapat mong malaman. Syempre bestfriends tayo.. Sayo ko sasabihin lahat kung may nakagawa na. Hahaha!"

"Sira ka talaga."

Inayos niya yung styro na may lamang pagkain kanina. Nilagay niya sa plastic tapos tinapon niya sa basurahan. Maya maya, bigla niyang binuhat yung bag niya..

..parang alam ko na kung saan mapupunta ang usapang to.

"Halika na nga. Balik na tayong classroom. Para matigil na yang kakornihan mo. Hahaha."

Nginitian niya ako bago siya tumalikod.

Sinundan ko siya habang tahimik siyang naglalakad sa harapan ko.

Sorry Night..

...sorry.

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon