Confusions

18 0 0
                                    

Lumapit siya mula sa simbahang pinaggalingan namin. Akala ko may sasabihin lang siya pero bigla niyang hinatak yung kamay ko.

Tapos inin-tertwine nya yung kamay niya sakin. Napaharap ako sa nakangiti niyang mukha. Pagkatapos ay marahan niyang hinalikan ang mga kamay ko.

"I love you, Sy."

*BEEEEEEEEEEEP!

"Ay tupang kare-kare!"

Napabalikwas ako sa pagkakasandal nung biglang bumusina yung bus kung saan ako nakasakay. Nasa biyahe nga pala ako papunta dun sa Batangas Team Building Trip namin. Nakatulog nanaman ako~ hayy.

"HAHAHA! Ano namang lasa ng tupang kare-kare?"

Tiningnan ko siya ng masama. Pero mas nginitian niya lang ako.

I love you, Sy.

WAAAAAAAA! Hindi! Hindi! Hindi! Ano ba namang klaseng panaginip yan ehhhhhh~ Lord! Bakit ganun? HUHUHU <(T___T)>

Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at tumingin ako sa labas ng bintana. Dibale ng makakita ng skwaters area. Wag lang yung mukha niya (-__-")>

Medyo masakit na din ang likod ko. Mahaba-habang biyahe din kasi ang nilakbay namin bago kami nakarating sa Batangas. Kaya ayan. Inaatake na ako ng scoliosis ko. Napahawak ako sa balikat ko. Isang bukol nanaman kasi ang namuo dun. Ganun yata talaga kapag nabibigatan ako o napapagod ako.

"Masakit nanaman ba?"

Naramdaman kong may lumapit sa tabi ko at minasahe ang balikat kong nananakit. Tiningnan ko siya pero mukhang seryoso lang siya sa paghilot sa akin.

"Sabi ko kasi sayo, ako na ang magbubuhat ng bag mo. Ang kulit kulit mo kasi."

"Pinapagalitan mo ba ako?"

"Hindi. Kinakantahan. (=_=)"

"Oy Samonte!"

"AWW! Para saan nanaman yang batok na yan?"

"Para sa pambabara sakin! Oh!"

Inabot ko sa kanya yung kamay ko. Sabi kasi ng ex ko dati, mas relaxing kapag sa kamay ka hinilot. May mga nerve daw kasi dun na connected sa ibang parts ng katawan.

..kaso mukhang hindi niya ako nagets.

Bigla niya kasing hinawakan ang kamay ko. Tulad nung paghawak niya sa panaginip ko.

(>\\\<)

*TOK!

"ARAY! Bakit nanaman?!"

"Bakit mo ko hinolding hands!!!!!!!! (>///<)"

"Eh shunga. Binigay mo kaya sakin yung kamay mo!"

"Baliw! Magpapahilot ako ng kamay! Sira ulo! Walang magbestfriends na naghoholding hands! Baliw!"

Pinaulanan ko siya ng kurot. Tapos kotong. Ugh. Serves him right.

Maya maya ay nagstart ng magbriefing yung game manager at nagsimula na ang Team Building. Since nasa dagat kami, karamihan sa games ay may kinalaman sa paglangoy. Poor me. Hindi ako marunong (T__T)

Kaya eto. Nandito ako sa pampang. Nanunuod ng mga nagpapaunahan lumangoy. Pero imbes na sa team mate ko ako tumingin, napukaw ang mata ko sa kanya..

Nasabi ko na bang sobrang ganda ng katawan niya? Puro abs. Puro muscles. Puro... Errr. Nakakapaglaway.

Babae lang po. Nagnanasa din pag may time. *drools~

Kaso nahuli niya akong nakatingin. Yung feeling? Para akong tinabunan ng buhangin. Tinabunan ng asido, pinitpit pa ng maso~ (T__T) Nakakahiya DAM. (ToT)

Minsan, hindi ko na talaga alam kung paano ko pa siya haharapin. Sa araw araw na ginawa ni Lord, puro na kahihiyan ang pinaggagawa ko. Hayahay~

"Huy Sy. Alam kong di ka marunong magkamay. Pero marunong kang kumain. Ang kanin, sinusubo sa bibig. Hindi sa pisngi."

See? additional kahihiyan nanaman ituu.

"Ah. Sorry."

Naghanap ako ng tissue pero wala akong nakita. Wala naman akong panyo kasi di naman ako naggaganun. Paano na ko nyan?

"Ohh. Halika nga dito."

Hinawakan niya yung baba ko tapos pinunasan niya yung pisngi ko ng panyo niya.

*DUG-DUG. DUG-DUG.

Wala namang barilang nagaganap pero feeling ko nabibingi ako. Yung lapit ng mukha niya sa mukha ko..

Z. Utang na loob. Di na kaya ng puso ko.

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon