His Feelings

16 0 0
                                    

"Langit lupa impyerno. Im-im-Impyerno! Saksak puso, tulo ang dugo!! Patay buhay umalis ka jan sa pwesto mo!"

"WAAAAAAAAAAA!!"

Mabilis akong umakyat sa taas ng tabi tabing upuan. Mahirap na. Baka mataya ako. Wahahahahaha!

Nasa school kami ngayon ng mga classmates ko. Gumawa kami ng report kaya ayan, nag-eenjoy kami para mawala ang stress. Hihihi~ Aba! Hindi naman masamang maglaro ng langit lupa pag college ka na. Diba nga sabi sa internet, nakakabaliw ang kolehiyo? Ginagawa namin to para hindi mabaliw! HAHAHA!

"Oy may bilangan ha! Arra, Ate Sy! Overstaying na kayo jan! 1, 2, 3~" sigaw ni Jazz, yung taya.

Pag nalintikan ka nga naman oh. Ako pa talaga yung napansin! Dali dali akong bumaba at lumipat sa taas ng lamesa. Natumba si Arra kaya siya yung nataya. HAHAHA! Amazing me~

"Huy. Huy. Sy. Uwi na tayo."

Mula sa likod ko, nakita kong nakasimangot nanaman si panget. Aha! Bahala siya. Ayoko ko ngang magsabay kami pauwi!

"Che. Ewan ko sayo! KJ talaga neto! Naglalaro pa kami!"

Nakita kong gumulong sa sahig si Jazz kasi nalaglag siya sa upuan. Shunga talaga nun. Hahahaha!

"Ano ka ba. Gabi na kaya. Tara na."

Tumingin ako sa labas. Madilim na nga. Siguro mga 8Pm na. Bumalik ako ng tingin sa kanya kaya lalo siyang sumimangot. Nakakainis talaga to!

"Maaga pa! Mamaya na!"

"Aha ate Sy! Di ka lumipat! 1, 2, 3~"

Tatakbo sana ako nung makita kong wala na palang upuan sa paligid ko. Ang ending? Ayun. Nataya na ako, nadapa pa ako. Bakit kasi nanunulak?? Hayuuup ka Jazz (T__T)

"Waaaa! Gabi na! Ayoko na! Uwi na tayo!"

Tinawanan lang ako ng loko at pagkatapos ng ilang minuto ay inayos namin ang mga upuan at naglakad na pauwi. Badtrip. Nataya ako.

"Hahaha! Ate Sy. Mukhang pareho kayong dumalo ng Biyernes Santo niyan ni Night ah. Hahahaha!" Sabi ni Jazz.

Tiningnan ko si Z. Nakasimangot pa rin siya tulad ng kanina. Aba! Ako nga dapat mainis kasi nataya ako dahil sa kanya!!

"Tss. Andami na ngang kasalanan sakin niyan eh!"

"Ano nanaman yun?"

"Ewan ko sayo!"

Naglakad ako ng mabilis. Ayoko talagang kasabay yung mukhang ewan na yun. Pagkatapos niya akong iwan nung nakaraang dalawang araw at umuwi akong magisa kahit na may sakit ako, ni hindi man lang ako hinintay!! Wala eh! Kala ko bestfriends tapos nangiiwan!! Tss.

Nanatili akong tahimik sa buong biyahe. Siya man rin. Naiinis pa nga ako kasi ang ingay ingay nung kunduktor ng jeep paCubao hindi ako makatulog ng maayos.

"Aww shit."

Napaghawak ako sa ulo kong nauntog sa bubong ng jeep dahil sa lump sa daan. Pisti ay. Baka magkaroon ako ng brain damage kailangan ko ng magpa-CT Scan. HUHUHU (T__T)

Pero biglang may kamay na naghaplos ng ulo ko at hinilot yun. Chineck ko kung sino. Nakangiti nanaman ang mokong.

"Anong nginingiti-ngiti mo jan?! Ang dami dami mo ng kasalanan sakin ah!!"

"Ano nanaman yun?"

"Nagmamaang-maangan pa. TSS."

Matiwasay kaming nakarating sa Cubao kaya pumunta na kami sa sakayan ng fairview. Papunta kasi siya ng diliman, ako naman hanggang jimenez lang. Mula sa jimenez, sasakay ako ng jeep papuntang welcome. Yan ang daily routine ko.

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon