The Last Try

12 0 0
                                    

"Sorry, Mrs. Flores. But your daughter needs proper medication that our hospital cannot provide."

Narinig kong umiyak si Mama pero nanatili akong nagtutulog-tulugan. Oh diba ang swerte ko? Sinilip kong saglit yung kamay kong nakaswero. Punong puno ako ng pasa kaya kung hindi ako mag-llong sleeves, siguradong makikita ng mga kaklase ko to. Bakit kasi ang malas ko? Sa isang daang tao, ako yung nag-iisang nakakuha ng brain tumor. Amazing~

Nung narinig kong lumabas sila ng kwarto, kinapa ko yung sulat sa ilalim ng unan ko.

"'To the siren of my eyes, Serenity.

Kita tayo maya sa Wildlife ha! Dun kasi yung venue nung activity ng org natin. 6pm ha! Tsaka.. Pasok pasok din pag may time!

<3 <3 <3~ Night.' Ang korni talaga ng mokong na to."

Tinago ko ulit yung sulat tapos sinulyapan ko yung white lilies na nakalagay sa vase ng mesa ko. Pinadala niya yun kagabi nung nalaman niyang may lagnat ako. Di naman makadalaw kasi nga may pasok. Hahahaha.

Sinilip ko yung oras sa taas ng pintuan ng kwarto ko. 4pm na. Tinanggal ko yung swero na nakadikit sa braso ko. Kailangan ko ng mag-ayos.

...kasi gusto kong makita si Z. Kaya..

Tatakas ako.

--

Saktong 6pm nung dumating ako sa wildlife. Tiningnan pa nga nung guard yung id ko bago ako pinapasok. Since org related to kaya siguro malamang lamang, kailangan ng identification. Hindi naman kalayuan sa ospital na pinanggalingan ko sa Quezon Ave. Nung maramdaman kong nagvibrate yung phone ko, chineck ko agad..

Mom calling...

Pero wala sa loob kong kinancel yun. Pinatay ko yung phone ko tsaka ko binulsa. Kailangan ko to. Bago ako ikulong sa ospital.

Naglakad lakad ako sa park na yun pero mags-6:30pm na pero wala akong Night na nakita. Yung sira ulong yun talaga! Wala ng tao dito ah! Ginogoyo yata ako. (-___-) Umupo ako saglit pero naglakad rin ako pagkatapos. Oo maganda dun. Pero pag-inabot ka ng gabi nakakatakot. Aba! Malay ko ba kung may tikbalang o tiyanak dito? Sasapakin ko talaga yung panget na Night na yun.

Hanggang sa may narealize ako. Hanggang 5pm lang pala yung park na yun na bukas sa mga tao. Pero teka. 6pm na ako nakarating ah? Kung walang org activity ngayon, bakit ako pinapasok?

Napakunot yung noo ko sa pagtataka. Bubuksan ko sana yung phone ko ng maalalang baka tumawag si mama.

Ayoko pang bumalik sa ospital.

Sinulit ko na din yung pagiikot dun sa lugar. Mga 7pm na pero wala paring Z na nagpapakita. Kakalbuhin ko talaga siya. (=__=)

Tumalikod na ako at naghandang palabas. Siguro.. Kailangan ko ng umuwi.

🎶 Bucket full of tears, baby know I'm here... I'm here waiting.🎶

Napahinto ako bigla. May kumakanta?

🎶 cause your precious eyes, I just realized I'm still fighting...🎶

Lumingon ako pabalik kung saan ako kanina nakatingin. Sa harap ko ay isang malaking puno. At sa likod nun ay isang lalaking may hawak na gitara..

..at kumakanta.

🎶 For you to be with me and sit under this tree, we can watch the sunrise. We can watch the sunrise.. 🎶

Kinuha ko yung bag ko tapos hinanap dun yung notebook na pinaka-tatago ko. Ang daya kasi alam naman niya yung lima pero nagawa niya padin yung apat na di ko naman pinakita. Kumuha ako ng ballpen tapos chineckan ko yung huling bagay na ginagawa niya ngayon. Hindi ko alam kung bakit, pero...

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon