The Denial

14 0 0
                                    

NIGHT's POV

Yung pinaka-masayang parte ng buhay ay yung mahalin ka ng taong mahal mo.

Oh diba simula palang, ang drama ko na? Hahahaha. Palagi naman akong madrama. May ilan pa ngang nagsasabing emo ako okaya weirdo. Nasanay na rin naman na ako.

Paanong hindi? Kung yung kasama mo palagi, abot hanggang langit kang laitin, yung panglalait pa kaya ng iba hindi mo matitiis?

"Nakangiti ka nanaman ng mag-isa pare. Ano nanaman yan? Haha."

Inabot sakin ni Peter yung chippy na binili namin kanina sa tindahan. Nakatambay kami ngayon dito sa Circle. Routine na yata namin to tuwing linggo. Usap barkada lang.

Napakamot ako ng ulo. "Si Serenity kase, pare."

Humarap sakin yung loko. Kasabay ni Hans at Vince na kasama din namin, nag-antay sila ng kwentong lalabas sa bibig ko.

"Sige nga pare. Ikwento mo nga. Ano bang bago sa inyo ni Serenity? Diba umamin ka na nung Valentine Ball?"

Mataman akong tiningnan ni Vince. Alam naman kasi nila kung gaano ko kagusto si Sy dati pa. Ewan ko ba? Ginayuma ata ako nun. Inaapi ako araw araw pero mahal na mahal ko.

Ngumiti ako sa kanila. Tapos inalala ko yung gabing..

.. Hinding hindi ko makakalimutan.

Valentine Ball..

"Serenity.. Mahal na Mahal kita.. Pwede bang.. akin ka na lang?"

Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Parang nangamatis pa nga yung mukha niya nung sinabi ko yun. Matagal ko na rin namang tong pinaplano. Sinusulat ko pa sa notebook ko kung paano ako aamin sa kanya ng hindi niya nasusuntok. Pero ewan ko ba. Natakot ako nung biglang may tumulong mga luha sa mata kasabay ng pagtango nyang taliwas sa inaasahan ko. Biglang naghiyawan ang mga tao. Basta ang sunod kong naaalala, nagsayaw kami buong magdamag pero hindi siya nagsalita.

Natapos ang gabing yun pero hindi parin siya nagsasalita. Ewan ko kung galit ba o kung ano. Maganda sakin ang moment na to kaya ayokong mamura niya ako. Hahaha. Kaya, eto ako, hinahatid siya pauwi sa kanila. Hawak niya lang yung bulaklak na binigay ko kanina. Nakatingin siya dun..

..parang may iniisip na malalim.

"Sakay tayong Ferriswheel?"

Tumingin siya sa labas. "Diyan?"

Pagkuwa'y tumango ako sa kanya at ngumiti. "Oo. Diyan." Nasa MOA kami ngayon. Nagbabadya na ng paglubog ang araw kaya maganda kung sasakay kami. Sunset.

Walang angal na bumaba kami ng taxi at naglakad papunta sa ferriswheel. Tahimik pa rin siya. Nakatingin sa bulaklak na binigay ko sa kanya.

"May relo ka ba?"

Nagtataka man, pero tumango ako. Siguro iniisip niya lang kung anong oras na kaya pinakita ko. Biglang lumaki yung mata niya tapos umiling. Maya maya, bigla niya akong sinamaan ng tingin.

"OY NOEL!!!! Binasa mo yung notebook ko no?! (>0<)/"

Tinawag niya akong noel. Hays. Mukhang giyera to.

"Anong notebook?"

"Yung kwintas, yung bulaklak, itong ferriswheel at sunset! Pati na rin yang pula mong relo!!!! Lahat yan sign ko eh!!"

"Yung nine signs mo? Pero hindi mo nabanggit sakin yung ferriswheel, sunset, relo at bulaklak, Sy."

"Kaya ngaaaa! Kasi yun yung apat na di ko pinakita sayo ehhh!!!"

Tapos bigla nalang siyang umiyak. Yung tipong para siyang batang inagawan ng lollipop. Namumula yung ilong niya tapos sinisipon pa. Hindi ko alam kung matatawa ako, kaya niyakap ko na lang siya.

"Wag ka ng umiyak, Sy. Sorry na.."

"Mag-Bestfriends tayo, Night. Hindi kita pwedeng.."

"Bakit ba kasi hindi pwede?"

"Eh kasi nga magkaibigan tayo!!!"

"Hindi ba pwedeng more than that?"

Tumingin siya sa akin..

Tapos..

Tapos..

"Hinampas ka ng bulaklak?! HAHAHAHA! Grabe talaga yan si Sy, pare. Bakit ka hinampas?!"

Humagalpak ng tawa si Vince. Paanong hindi? Ikaw ba naman ang seryoso ng usapan tapos pinaghahampas ako ng bulaklak? Buti na lang lily yun, kasi kung hindi, sugat sugat na ako.

"Kasi nga ang kulit ko daw."

"Hahahahahaha! Pare! Grabe. Iba rin yang bestfriend mo eh. Sadista!" Hindi parin sila nagsisitigil sa tawanan. Ano bang gagawin ko? Eh ganun siya eh.

Ngumiti nalang ako tapos uminom ng konti sa coke na nasa harapan ko.

"Night! Nakikinig ka ba?! Mawawala ang pinagsamahan natin kapag minahal natin ang isa't-isa."

"Pero mahal kita.."

"At kailangan mong pigilan yun.."

Hays.

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon