The Decision

7 0 0
                                    

NIGHT's POV

Malamig ang bawat simoy ng hangin.

Ilang taon na ba ang nakalipas?

Apat? Lima.

Hindi ko alam. Hindi ko na rin naman na nabilang. Pagkatapos nung gabing bigla siyang nawala, para sakin tumigil na ang oras..

Nabuhay ako sa kawalan.

Lalaki lang naman ako. Hindi naman sigurong mali na magmahal diba? Siguro nga, dapat tumanggi na lang akong bestfriend niya para hindi na nagkaganito.

Hindi lang naman kasi babae ang nasasaktan. Masakit din sa amin pero hindi namin pinararamdam.

Ilang beses ba kaming tinukso dati? Mga sampung beses ang dami niya yung tinanggi. Ngumingiti lang ako. Bakit? Pag-umiyak ba ako, ipagsisigawan niyang mahal niya ako?

Yan ang buhay lalaki. Araw araw kang magpapanggap na wala kang nararamdaman kahit sobrang sakit na. Pag-nagpost ka online ng feelings mo, sasabihan kang bakla. Kapag nag-open ka sa iba, sasabihan kang torpe. Kapag nalaman ng lahat, buong buhay kang aasarin. Kasi ang tunay daw na lalaki, matapang. Yung tipong hindi mo kayang patumbahin para makasigurong kaya ka nilang protektahan.

Pero yun ba talaga kami?

Kasi ang tunay na lalaki, umiiyak din..

..nahihirapin rin..

..nasasaktan din.

HAYS!

Kinuyos ko ang buhok ko bago ako nagpasyang bumaba ng sasakyan. Naglakad ako paunti-unti papunta dun sa puno kung saan kami huling nagkita.

Kung saan niya ako huling iniwan.

Ano na nga kayang itsura niya?

Anong nangyari sa kanya?

Bakit siya biglang nawala?

Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong ko maliban sa huli. Pero isa lang ang alam ko ngayon..

Ang tanga ko lang kasi mahal ko siya hanggang ngayon.

Tinanaw ko sa harapan ang malaking puno sa lugar na iyon. Hinahanap ang taong sabi niya, kikitain ako ngayon.

Pero walang tao. Walang anino.

Napaasa nanaman ba ako ng maling pangako?

Paunti-unti ay biglang pumatak ang ambon. Kasabay ng langit ay naubos na ang bawat pag-asa ko. Bumilis ito sa bawat paggalaw ng minuto.

Mas malakas. Mas mabigat.

Nahuhulog ang ulan katulad ng pagkahulog ko sa babaeng yun.

"Hindi panahon ngayon para magkasakit."

Lumingon ako sa aking tabi kung saan isang babae ang nagsaklob sakin mula sa ulan.

Nakangiti siya sa akin na parang tulad lang nang dati.

Sa wakas, natapos na rin ang paghihintay ko.

SY's POV

"Bakit?"

Ito yung unang beses kong nakitang tumulo ang mga luhang iyon sa mata niya. Alam kong ganito at mas matindi pa dito ang mangyayari kung itutuloy namin ang gusto niya..

..masakit Serenity diba?

Kaya ito. Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya. Hindi dahil sa hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin kundi dahil sa tuluyan na akong nawalan ng lakas para makasagot.

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon