The Signs

13 0 0
                                    

Nakatingin ako ngayon sa harap ko. Iniisip ko kung para saan yun pero bigla na lang may naglagay sa locker ko.

"'To the siren of my eyes, Serenity.' Nuks! Gumaganda ka ate Sy ahh! May nagbibigay na sayo ng ganyan! HAHAHA!"

Tiningnan ko ng masama si Jazz bago ko binalik yung tingin ko dun sa box sa harap ko. Tumakbo naman yung loko ng mabilis. Takot sigurong masuntok.

Nakabalot yun ng pink pero walang ribbon. Walang pambili? Dibale. Hindi ko man alam kung kanino nanggaling pero hinanda ko na ang sarili ko. Malay ko ba kung bomba, daga o pugot na ulo to? Aba. Gagawin ko talagang syokoy yung nagiwan nito sa locker ko (-_-)

Pero mukhang mabuting loob naman yung nagbigay sakin. Sa loob nung box ay isang piraso ng sunflower na gawa sa papel at isang bote ng laruang capsule na may malaking nakasulat na "Cure for Loneliness". Benta ko kaya? Baka ikayaman ko pa to. Wahahaha!

Pero hindi lang yun ang laman ng box. May isang laruan dun na dadagdag sa benteng koleksyon ko. HUHUHU! Sasambahin ko talaga yung nagbigay sakin neto!!

Isip bata siguro ako, pero wala eh. Hilig ko talaga ang rubix cube. Hindi pa binuo ng nagbigay sakin kaya inayos ko. May kamahalan kaya di ako bumibili. Arbor lang. Hahahaha!

"Paturo."

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko yung naka-jacket na mokong na nag-espiya ng notebook ko. HUHUHU (T__T) kala niya. Di pa kami bati kaya!

"Che. Dun ka. Sinilip mo notebook ko eh."

"Hindi ko nga sinilip, promise. Tsaka, magawa ko man, exempted naman ako diba?"

Medyo dumilim ang mukha niya pero binawi niya rin agad ng ngiti. "Ano? Tuturuan mo na ako?"

Dahil nga pilingera ako, feeling ko masyado na akong hard kay Z kaya tinuruan ko siyang magsolve ng rubix. Mahina memorya niya kaya nagtagal kami. Mga ilang beses ko ring kinotongan bago niya nakuha.

"Hahaha. Ang galing. Pwede na kong sumali ng competition!"

"Sus. Baka matalo kita. Haha"

"Hayy~ palagi naman."

Umayos siya ng upo tapos humiga siya sa binti ko. Ganyan naman yan lagi, kaya sanay na ko. Kaya kami naiissue eh. Lakas maka-loveteam eh. Wahaha!

"Z, nga pala. Tingnan mo to."

Nilabas ko yung box kanina galing sa locker ko. Baka alam niya kasi kung kanino galing. Pinakita ko sa kanya yung laman pero mukhang di naman siya nagulat.

"Mag-thank you ka na lang. Buti nga binigyan ka eh. Hahaha."

"Tss. Syempre nakakacurious. Tsaka ang kuripot nung nagbigay ah! Bakit papel na sunflower lang?"

Tumawa siya bigla. Pinagtitripan nanaman ako nito panigurado.

"Anong tinatawa mo jan?! (>__<)"

"Ang pangit kasi ng ilong mo. HAHAHAHAHA! (^0^v)

Kinotong-kotongan ko siya ng marami tapos tinakpan ko nung bulaklak yung mukha ko kasi malaki naman yun.

"Ang yabang mo ah!! Porket matangos ilong mo eh!"

"Hahahaha! Pero alam mo.."

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

Maraming beses.

"Ikaw yung may pinakapangit na ilong, pero ikaw yung pinakamagandang babaeng nakilala ko."

Feeling ko tumigil nanaman yung oras. Tinanggal ko yung nakaharang na bulaklak sa mukha ko para makita siya. Alam kong sinabi ko sa kanyang isa yun sa mga signs ko pero..

..hindi ko inaasahan na sasabihin niya.

"Serenity.."

"Hmm?"

"May napanaginipan ako nung isang araw."

"Panaginip? Tungkol saan?"

"Tungkol dito. Ito. Ito mismo."

Tumingin siya sa malayo habang nakikinig ako.

"May nakita akong babae. Nakahiga ako sa binti niya. May hawak siyang bulaklak, tumitibok ng mabilis yung puso ko.."

Biglang umihip ng malakas yung hangin kasabay ng pagpikit niya. Gumuhit sa mukha niya ang isang ngiting hindi ko alam pero kakaiba sa iba niyang ngiti..

*DUG-DUG. DUG-DUG.

"Tapos nakita kita.. ..yung babae sa panaginip ko.."

Hindi ko alam yung sasabihin ko. Alam mo yung pagkakataong bigla kang naubusan ng salita? Buti na lang biglang tumunog yung phone niya kaya tumayo siya bigla at nagpaalam na ring umalis.

..pero napatitig ako sa likod ng jacket niya habang papalayo siya. Agad kong kinuha yung notebook ko tapos tiningnan yung Checklist ko.

The Nine Signs to know if he is Le' Future Boyfriend

1. Must have to give me a Shooting Star Pendant Neclace.

2. Must have to bring me to MOA Ferriswheel.

3. Above must be during Sunset.

4. Must have to gave me boquet of lilies.

5. Must have to wear a red watch.

6. Must have to serenade me the song, "Without You" by AJ Rafael.

7. Must have to say "You have the ugliest nose, but you are the prettiest woman I have ever met."

8. Must have to ask me how to play Rubix.

9. Must have to wear a Mickey Mouse Jacket.

"Oy Night! Ang bading ng Jacket mo ah. Mickey mouse? HAHAHA!"

"Tumigil ka nga jan, Vince! Panira ka."

Wala akong nagawa kundi checkan yung listahan ko..

Peste ka, Z.

..Isa na lang.

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon